"Pakiabot nga po ng bayad," pakiusap ng dalaga. Agad namang inabot ng katabi ng dalaga ang ipinapakisuyo niya.
"Huwag na. Sige na, pakibalik na lang." Narinig ni Julie na sagot ng kunduktor ng sinasakyang jeep. Hindi naman pinansin ng dalaga ang narinig sa pag-aakalang patungkol iyon sa ibang pasahero.
Busy si Julie sa pagtitext sa nobyo. Pinag-uusapan nila ang plano nila sa darating nilang anibersaryo. Sabi ni Joel na dapat daw na medyo kakaiba ang maging selebrasyon nila dahil ten years na sila at pareho na silang established sa kani-kanilang propesyon.
"Ah miss, huwag na daw ... " sabi ng katabi ng dalaga saka ibinalik ang perang pambayad sana niya sa pasahe.
"Huh," gulat naman ang dalaga. Agad itong nagpaalam sa nobyo at sinabing mamaya na uli sila mag-usap, saka tiningnan ang kunduktor na nilingon ang dalaga saka itinuro ang drayber ng jeep.
"Kamusta ka na Liana?" Nakangiting bati nito sa dalaga.
Parang may sumuntok sa dibdib ng dalaga. Ito lang ang bukod tanging tumatawag sa kanya ng ganoon.
"U-uy Gideon, a-ano ahm salamat. Dito pala ang byahe mo!?" Nakangiti pero tulirong sabi ng dalaga. "Kailan ka pa bumalik?"
"Mamaya na tayo mag-usap. Pupuntahan kita sa bahay ninyo." Tila balewalang sagot nito habang pasulyap-sulyap sa dalaga sa rearview mirror.
Hindi ito matitigan ng dalaga kahit nakashades ito. Baka titig na titig na pala ito sa kanya'y hindi pa niya alam. Sa isiping iyon pa lang, pakiramdam ng dalaga'y pulang pula na siya. Ibang klase pa naman ito kung tumingin. Pakiramdam ba ng dalaga'y hinuhubaran siya. Hindi nga lang sa bastos na pamamaraan kundi tila ba may gusto itong ipahiwatig na hindi masabi ng deretsahan.
Hindi alam ni Julianna kung bakit kabado siya kapag kaharap ang taong ito. Mabait naman ito. Bunsong anak ito ng dating hinihiraman ng ina ng puhunan sa palengke, noong kasalukuyang nag-aaral pa siya. Kailan nga ba sila huling nagkausap nito?
"Ahm, sige salamat." Namumulang sagot ng dalaga.
"Ay Ma'am, nandito na po tayo. Baka po lumampas kayo," pagbibigay babala ng kunduktor ni Gideon.
Gulat namang nagpalinga-linga ang dalaga. At tama nga ito, nasa tapat na siya ng building na pinagtatrabahuhan, nagtaka pa ang dalaga kung paano nalaman ng binata ang pinagtatrabaho-an niya, samantalang nag-aaral pa siya ng huli silang magkausap. "Ano bang nangyayari sa kanya?" Tanong ng dalaga sa isip.
"Ahm, eh sige Gideon ... salamat ha. Pasensya na at hindi agad kita napansin. Kabadong paalam ng dalagang sinagot nito ng simpleng kaway. Dali-dali namang bumaba ang dalaga sa jeep nito.
Nagmamdali naman ng pagbaba ang dalaga sa jeep. Dasal na lang ni Julianna na sana hindi siya madapa sa labis na pagmamadali. Nagtuloy agad ang dalaga sa cubicle niya. Maaga pa naman para sa tunay na oras ng trabaho pero nagsimula na ang dalaga upang maiwaglit sa isip ang kung anuman nagpapagulo sa kanyang isipan. Bakit nga ba nagugulo ng ganito ang kalooban niya? Kahit sa nobyo ay hindi nagulo ng ganito ang isipan niya. Huminga ng malalim ang dalaga bago pumikit, nananalangin na sana'y nakapagfocus siya sa trabaho. "Tama na Julianna, si Joel ang dapat mong iniisip. Nagkakasala ka na sa kanya sa ginagawa mo" paulit-ulit na bulong ng dalaga sa sarili.
"Hey!" Bati ng kaopisina ng dalaga sa kanya.
"Huh! Hey!" Pigil na tili ng dalaga, buong akala niya'y nag-iisa pa lang siya sa department nila. "K-krizzie, you're early ... " namumutlang turan ni Julianna.
"Anong nangyayari sa iyo? Nadaanan mo ako doon, sabay turo kung saan ito naroon, hindi mo ako pinansin. Tapos, pag-upo mo ... bubulong bulong ka. Anong problema mo? Si Joel na naman ba?" Tuluy-tuloy na tanong nito.

BINABASA MO ANG
She's Gone
Romancea love so true that has to be ditch in the end ??? Will there be a happy ending or just .... a simple betrayal ...