As the days go by, everything between Julianna and Gideon Asher runs so smooth and stronger. Kahit gaano man sila kabusy pareho, yet nakakahanap pa rin sila ng oras kahit saglit para makapag-usap. At itanggi man ng dalaga, nang mapalayo ang binata sa kanya'y doon naman niya napagtantong mahal na niya ito.May nakarating sa kanyang balita, na naikasal na si Joel at ang babaeng napipisil ng ina nitong makatuluyan ng binata. Mula kasi ng umalis sila sa dati nilang lugar, iniba na rin ng dalaga ang sim ng cellphone niya. Sa suhestyon ng ina, kaibigan at maski ni Gideon. Parte ng pagmumove on. At para na rin maputol na ng tuluyan ang komunikasyon nila ng dating nobyo. Bale ba'y may kalayuan itong nilipatan nila sa dating tirahan nila.
Ilang buwan na nga ba buhat ng umalis si Gideon, walo ... siyam, parang kailan lang. Pero namimiss na talaga ni Julianna si Gideon. Hindi lang deretsahang maamin ng dalaga sa binata. Hindi alam ng dalaga kung alam nitong kaarawan niya sa susunod na buwan. Buwan kung kailan napiling magpakasal ng magnobyong Marco at Krizzie. Naging maselan kasi ang paglilihi ng huli kaya bagaman handa na ang lahat mula kung saang simbahan gaganapin ang kasal, reception, kung sinong ninong at ninang pati mga abay ay naurong ng naurong ang kasal ng mga ito. Hindi naman naging problema sa mga imbitado dahil it's an exclusively family affair. Malaki na ang tiyan ni Krizzie kaya naisaayos na rin sa wakas ang kasal ng dalawa ng walang aberya. Hindi naman umaasa si Julianna na makakauwi si Gideon, syempre'y nine months pa lang. Kung umuwi man ito'y tiyak na sarili nitong pamasahe, na naisip ng dalagang hindi praktikal. Halos katumbas na iyon ng isang secondhand na sasakyan. Pero sino ba siya para pangunahan ang desisyon ng binata. Isa pa'y hindi lang basta pamangkin nito si Marco, buddy-buddy ang dalawa, barkada ... kaya hindi ito basta pwedeng maipagwalang- bahala ng binata.
Kasalukuyang magkausap sa skype, si Gideon at Julianna. Nabanggit ng binatang marami silang trabaho dahil may dumating na bagong makinarya at komo siya ang Chief Mechanic kaya obligado siyang one hundred percent na nakatutok dito. Tuwing magkausap sila, kung anu-ano lang naman ang pinagkukwentuhan nila. Ang mahalaga lang naman ay ang magkausap at magkita sila. Medyo at ease na rin ang dalaga sa binata. Hindi katulad dati na naiilang si Julianna dito, ngayo'y nabibiro na niya si Gideon.
"Magpapapackage akong muli para kay Inay, anong gusto mo?" Walang anu-ano'y wika ng binata. Na mabilis na sinagot ng dalaga ng,
"Wala! Okay na akong nakakausap kita at nagkikita tayo ng ganito." Walang kahiya-hiyang sagot ng dalaga.
"Ang sabi ng Inay, hindi mo pa raw kinukuha iyong ipinadala ko para sa iyo last month." Sa condo ng binata pansamantalang nakatigil si Nay Rosing dahil may ipinapaayos ito sa bahay nila. Ayaw naman nitong makitira sa mga anak na nasa katabing bahay lang nito kaya doon ito nakatigil sa condo ng binata.
"Exactly, kaya huwag ka ng mag-abalang dagdagan pa iyon, dahil hindi ko iyon kukunin."
"Bakit ba? Ano bang gusto mo? Ano bang problema at ayaw mong kunin ang padala ko?" Seryosong tanong ng binata pero hindi naman ito galit. Mas pa nga na nagdaramdam.
"Wala nga! Iyong pagpapatira nyo lang sa amin dito, sobrang pasalamat na namin ni Mama. Ayoko ng dagdagan ang ibabato pa nilang bintang sa amin ni Mama."
"Bakit ba kasi iniintindi ninyo ang kung anu-anong tsismis? Nagrerenta naman kayo kay Inay. Kilala namin kayo ng pamilya ko. Wala akong pakialam sa mga sinasabi nila." Iritable nang katwiran nito.
Sa kulang isang taon nilang magkapalagayang loob ng binata, unti-unti na niya itong nakikilala. Alam na ni Julianna ang mga ugali nitong kaibig-ibig at nakakainis.
"Ano nga ang gusto mo?" Muling tanong nito sa malambing na tinig ng mapunang hindi na komportable ang dalaga. Sige ka, baka maibili kita ng bagay na ayaw mo, like TBack or negligee ... you knew that I'd love to see you on those ..."
BINABASA MO ANG
She's Gone
عاطفيةa love so true that has to be ditch in the end ??? Will there be a happy ending or just .... a simple betrayal ...