No parts of this story shall betransfer at any form without the consent of the author.
This book/story is a product of the author's wide imgination. Any uniformity or resemblance in names of person, plces, events or circumstances is purely not intentional.
All rights reserved
Karma is a bitch!***************
"Joe, joe ... Joel! Ano ba?" Tawag ni Julianna sa nobyo saka hinila ang braso nito. Hinihingal ang dalaga sa paghabol dito.
"What!" Angil nito. Huminto, bago inis na nilingon ang dalaga.
"Nakakainis ka pa nga. Alam mo naman na hindi pa ako handa sa ganoon eh." Nakangusong bulong ng dalaga.
"Ang sabihin mo, paasa ka talaga. Para halik lang ... ang damot mo, alam mo iyon!" Gigil na anas nito. Bagaman walang katao-tao sa hallway, hindi naman nila pwedeng isigaw ang pinagtatalunan nila. Masyadong sensitibo. Masyadong komplikado.
"Kasi naman ... kilala kaya kita." Napapadyak ang dalaga. "Kapag pumayag ako sa gusto mo ngayon, sa susunod iba na ang hihingin mo. Paano kung mabuntis mo ako? Joel naman eh, kalahating taon na lang ... gagraduate na tayo. Hindi ka na ba makapaghihintay? Saka paano kung hindi mo nga ako mabuntis, pagsawaan mo naman ako. Paano na ako 'nun?"
"Dami mong dahilan. Saka ang layo na nang narating ng imahinasyon mo, halik lang Julianna. Halik lang! Kung anu-ano na ang sinabi mo," napipikong katwiran ng binata.
"Hindi pa nga ako tanggap ng Mommy mo eh," malungkot na bulong ng dalaga.
"Isa pa iyan, anong magagawa ng Mommy ko, kung ikaw ang gusto ko. Kung ikaw ang mahal ko," naiinis na sagot ng binata, "Hindi naman siya ang makakasama mo .. kundi ako." Medyo nabawasan na ang inis ng binata nang makitang nangingilid ang luha ng dalaga. Nasasaktan ang kalooban ng binata sa tuwing makikitang umiiyak ang nobya. Kaya niyakap nya ito. Pero hindi pa rin sila okay na dalawa, naiinis pa rin ang binata.
"Gusto kong maayos ang maging simula natin, Joe. Kasi hindi naman panandalian itong balak nating tahakin eh, di ba? Panghabang-buhay itong pinag-uusapan natin." Tila nagpapaintindi sa batang paliwanag ng dalaga. "Saka, magtapat ka nga sa akin iyung totoo ... may balak ka bang pakasalan ako?"
"Ano bang klaseng tanong iyan? Natural, ang tagal na natin. Ang dami na nating pinagdaanan. Hanggang ngayon, ipinaglalaban kita sa pamilya ko, lalung lalo na sa Mommy ko, tapos tatanungin mo ako ng ganyan. Julianna naman!" Naiinis na namang sagot ng binata, sabay hagod ng malayang kamay sa batok. Napaka short temper pa naman nito.
"Iyon na nga eh, hindi ba mas maganda kung sa unang gabi natin, saka ko ibibigay ang virginity ko sa iyo?"
"Oo na! Halika na nga. Kung hindi lang kita mahal ... " hindi na tinapos ng binata ang sasabihin at hinila muli ang dalaga payakap. Napangiti na ang dalaga sa inakto ng nobyo, kahit pa nga may luha sa mga mata. Ayaw na ayaw niyang nag-aaway silang dalawa. Mahal na mahal ng dalaga ang nobyo.
Ito ang lagi na nilang pinag-aawayan. Masyadong mapusok si Joel, mabuti na lang at malakas ang pamigil ni Julianna. Iyon kasi ang tanging hiling ng ina ng dalaga, na kung maaari, magtapos muna sila bago ang maging intimate sa isat-isa. Kung ang partido ni Joel ay tutol sa relasyon ng dalawa, sa parte naman ng dalaga, ang katwiran ng nag-iisang magulang kung saan masaya ang anak, suportado nya ito. Kahit pa nga, kung siya ang papipilii'y mas gugustuhin niyang sana iba na lang dahil masyadong komplikado at ayaw niyang mata-matahin lang ng pamilya ng binata ang anak.
_______________
"Congratulations Julianna, anak!" Masayang bati ng nanay ni Julianna, saka niyakap ng mahigpit ang dalaga.

BINABASA MO ANG
She's Gone
Romancea love so true that has to be ditch in the end ??? Will there be a happy ending or just .... a simple betrayal ...