Obsession 3

32.7K 729 22
                                    

Magulo at maingay na mga styudante sumalubong sa amin ni keith nang pumunta kaming cafeteria.

Tapos na ang pangalawang klase namin kaya pumunta na kami dito para kumain ng lunch.

"Ako na ang oorder ng pagkain,maghanap ka na lang ng mauupuan natin.",sabi ko sa kanya kaya agad syang dumukot ng pera sa bag nya.

"Strawberry cake,lasagna at apple juice ang sa akin.",nakangiting sabi nya at inabot ang pera nya.

Pagpunta kong counter ay ang haba ng pila  kaya napabuntong hininga na lang ako.Mukhang matatagalan ako.

Napatingin naman sa akin yung lalaki sa unahan ko

"Hi gusto mong mauna?",nakangiting tanong nito sa akin

"Hindi na okay lang ako.",sagot ko sa kanya

"I insist,Hindi dapat pinaghihintay ang isang babaeng kagaya mo."nakangiting sabi nito at ipinatong ang kamay sa tuktok ng ulo ko.

Napangiwi naman ako dahil sa nararamdaman kong pagkailang.

"Ah salamat na lang pero huwag na."sabi ko at pasimpleng  umiwas sa kanya.

Napangisi naman ito at hinawakan ang kamay ko.

"Kapag hindi ka pumayag hindi ko bibitawan ang kamay mo.",sabi nito kaya napabuntong hininga na lang ako.May magagawa pa ba ko?

"Sige na nga."sabi ko kaya napangiti ito at binitawan ang kamay ko.

Agad akong lumipat sa unahan nya.

******************************************************

Napapabuntong hininga ako na umupo sa nakuhang upuan ni keith.

"Bakit?",takang tanong nito sa akin nang maupo ako sa harap nya.

Ang kulit kasi ni Ethan.Yung lalaking nagpauna sakin sa pilahan.

Gusto kasi nya na sya na ang magbayad sa mga binili ko pero tumanggi ako.

Nagalit pa nga ang tindera sa amin dahil hindi daw nya malaman kung sino ba talaga ang magbabayad.

"Wala,noh.Okay lang ako.",sabi ko kay keith kaya napakibit balikat na lang sya at sinimulan lantakan yung ipinabili nya sa akin kanina.

Habang kumakain kami nagulat ako nang may malamig na bagay na tumapon sa ulo ko.

Narinig ko rin ang pagsinghap ng mga tao at ang galit na pagtayo ni keith.

Napahawak ako sa ulo at nalaman ko na juice pala ang tinapon sa akin.

Lumingon ako sa likuran ko at nakita ko ang nakangising mukha ni kaylie habang may hawak na bote ng straw berry juice.

"ooops sorry akala ko kasi basurahan eh.",nang aasar na sabi nito sa akin.

"Ano bang problema n'yo!?",galit na sabi ni keith kaya agad kong hinawakan sa braso niya.

"O-okay lang ako.",mahinang sabi ko sa kanya habang mariin na ipinikit ang mga mata ko.

Hanggat maaari ayokong patulan si katy.

Pinoprotekhan ko kasi ang scholarship ko na maaaring mawala kapag nagkaroon ako ng record sa guidance.

At iyon ang hindi pwedeng mangyari dahil marami pa akong pangarap sa buhay at isa na doon ang makaalis sa puder ng tita ko.

"Duwag."mahinang sabi nito habang nakangisi.

"Aba't-"sasagot pa sana si keitg nang may biglang humarang sa harapan ko.

"That's enough.",matigas na sabi ng isang boses kaya napaatras nang kaunti si kaylie.

"B-bakit ako makikinig sayo?",mahinang sabi ni kaylie.

"Dahil sinabi ko.",galit na sabi pa rin ng taong nagtanggol sa akin.

Wala namang nagawa si kaylie kundi ang tignan ako nang matalim at walang sali-salitang  umalis.

Unti-unti namang humarap sa akin yung lalaking pinagtanggol ako.

"Okay ka lang ba?",nag aalalang sabi ni ethan sa akin.

"O-ok lang ako.Salamat nga pala.",nakayukong sabi ko.

Naramdaman ko naman ang paghawak nya sa baba ko at marahang inangat ang ulo ko.

"I hope you're OK.",nakangiting sabi nya at bigla akong hinalikan sa noo ko kaya napaatras ako palayo sa kanya.

"O-ok lang ako.",sabi ko at naglakad na nang palayo at hindi ko na pinansin ang mga tingin na ibinibigay sa akin ng mga kumakain sa loob ng cafeteria.

"Beshy!!",sigaw sa akin ni keith hinawakan ang braso ko

Napaharap ako kay katy na hinihingal na nakahawak sa braso ko.

Mukhang hinabol nya ako mula cafeteria.

"Hooo!Hiningal ako doon ha!",hinihingal na sabi nya.

"M-may damit ka ba na pamalit?",sabi nya sa akin.

"Oo nasa locker room.",mahinahong sabi ko sa kanya.

"Oh sige hihintayin na lang kita sa room natin."sabi nya kaya tumango ako at agad syang bumitaw sa akin habang kumakaway.

Habang naglakad naman ako diretso sa locker room namin.

Maganda ang locker room namin dahil may shower rooms sa loob yon para makaligo saglit ang mga estyudante kapag natapos na silang mag PE.

Pagdiretso ko sa locker room ay nagulantang ako sa nahulog na card mula sa loob ng locker ko.

Napatingin ako sa kaliwa't kanan ko dahil baka may nag paprank lang sa akin.

Nang makita ko na walang ibang tao ay pinulot ko yung black card na may nakaukit na T.K.

•I'm sorry because I didn't saved you.But I'm so furious baby!That bastard kissed you!Damn!You're mine baby.I love you

Sa hindi malamang dahilan ay kinilabutan ako pero kasabay non ay ang pagikot ng mga paru-paro sa tiyan ko.Pero may tanong na tumatakbo sa isipan ko...

Who are you?

The Possession of the Obsess (Completed)(season 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon