Nagising si Maxine sa isang madilim at di kilalang silid.Tahimik syang luminga linga pero tanging kadiliman lamang ang nakikita nya.
Gusto nyang makaalis sa lugar na iyon dahil malinaw na malinaw pa ang nangyaring engkwentro kanina.Lalo na ang nangyaring pagkawala ng malay ni Titus.
Pero sino naman kaya ang magtatangkang gawin ito sa kanya.Pilit iniisip ni Maxine kung meron ba syang nakaaway na pwedeng naging puno't dull ng lahat pero sa pagkakatanda ni Maxine ay imposibleng mangyari yun.Kung tama ang pagkaka alala nya ay Hindi sya masyadong pinapalabas ng bahay ni Zeke.Kaya sino naman ang gagawa nito?
Kasabay ng katanungang iyon ay marahas na bumukas ang pintuan ng silid.Napatakip pa ng mata si Maxine dahil sa biglang pagliwanag ng paligid.
Pero sana pala ay Hindi sya nagtakip ng mata upang makita nya ang mukha ng babaeng pumasok ng silid.Bahagya nitong isinara ang pintuan at iniwan ang maliit na siwang na nagbibigay ng kakarampot na liwanag sa silid.
"Sino ka?" Sa wakas ay tanong ni Maxine.Pilit nyang pinatatapang ang boses pero Hindi nito naitago ang panginginig nya dahil sa kaba at takot.
Imbes na sumagot ay narinig ni Maxine ang takong nito palapit sa kinalalagkan nya.
"Tinatanong ko kung sino ka?!" Muling tanong ni Maxine ngunit Mas malakas sa pagkakataong ito.
Sa Hindi malamang dahilan ay biglang tumawa ang babae.At ang tawa nito ay nagbigay kilabot Kay Maxine."Matapang ka na ngayon?"biglang sabi ng babae na ikinataka ni Maxine.
Sa paraan ng pananalita nito ay Parang kilalang kilala sya nito.
Sa kabila ng dilim ay pilit na inaaninag ni Maxine ang babae.At para syang tinuklaw ng ahas nang makita ang mukha nito.
"Tanya...."
HINDI mapakali si Titus habang kaharap nya ang ilang mga pulis sa presinto.
Nagising si Titus na nakahiga sa isang kama ng ospital.Sa kabila ng pananakit ng likod dahil sa naging pagpalo ay agad na nilisan ni Titus ang ospital at dumiretsyo sa mga pulis upang humingi ng tulong.Hindi mapapatawad ni Titus ang sarili kapag may nangyaring masama sa babaeng iniibig nya.
Palakad lakad sa presinto si Titus nang biglang tumunog ang cellphone nya.Hindi nya ito sinagot at hinayaang mamatay.Meron pa bang Mas mahalaga Maxine?
Pero pagkamatay ng tawag ay muling nagring ang cellphone nya.At hinayaan nya muli itong mamatay.Sa ikatlong tawag nito ay humarap na ang pulis Kay Titus."Sir,mas mabuti ho kung sasagutin nyo ang tawag.Baka naging tulong po iyan."
Kaya naman walang magawa na sinagot ni Titus ang tawag.
"Who are you?" Tanong ni Titus sa kausap.
"Alam ko kung nasaan si Maxine." Sagot nito na nakapag patigil sa binata.
"Magkita tayo."sagot ni Titus.
Kung sino man ang puno't dulo nito ay siguradong magbabayad.
HINDI makapaniwala si Maxine habang kaharap nya ang babaeng itinuring nyang kaibigan.Hindi sya makapaniwala sa nagawa nito.
Nagjojoke lang ba ito?
"I-Ikaw talaga!Joke to diba?" Nagbabaka sakaling tanong ni Maxine pero nginisian lang sya ng babae.
"May gusto akong ikwento sayo." Sabi nito.
"May isang reyna at hari.Mahal na mahal ng hari ang reyna na handa ng ibigay ang lahat sa reyna.Hanggang sa naisip ng reyna na Hindi nya mahal ang hari.Umalis ng palasyo ang reyna.Pagkalipas ng panahon ay napagtanto ng reyna na mahal nya ang hari kaya bumalik sya sa palasyo.Pero alam mo ba ang nakita ng reyna?" Tanong ng babae pero Hindi makasagot si Maxine.
Nagpatuloy ang babae sa pagkekwento."Nakita ng reyna na may kasamang isang babae ang hari.Nagalit ang reyna at sinubukang saktan ng reyna ang babae pero agad itong prinotektahan ng hari.Doon nalaman ng reyna na mahal ng hari ang babae.Isang araw inutusan ng reyna ang isang kawal na patayin ang babae.Pumayag ang kawal.Pero nang makita nito ang babae ay agad na nahulog ang loob nito.Naki usap ang kawal sa reyna na itigil na plano nito.Pumayag ang reyna at nagplano sila ng iba.Ipinalabas ng reyna at kawal na namatay ang babae.Pero ang totoo ay dinakip ng kawal ang babae at pinainom ng gamot na makakabura sa mga alaala nito.Nalaman ng hari na may ikinalaman ang reyna sa aksidenteng nangyari pero ipinakulong nya ito.Tumakas ang reyna at nagpagawa ng bagong mukha.Nagpagawa ng bagong mukha ang reyna para mahalin sya ng hari.Pero anong nalaman ng reyna?!Minahal ulit ng hari ang babae kahit na wala itong maalala at iba na ang pangalan nito!"
Hindi alam ni Maxine kung bakit pero pamilyar sa kanya ang kwento.
"Alam mo ba!?Si Zeke ang kawal,ikaw ang babae,si Titus ang hari at ako ang reyna!"sigaw ng babae sa di makapaniwalang Maxine.
" And dear.I am not Tanya.My real name is Cherry.And I will sue you for taking Titus."
BINABASA MO ANG
The Possession of the Obsess (Completed)(season 1 and 2)
General FictionA story about lies,deception,obsession,possession and love. Are you ready? Can you surpass it? #1 in feature #3 in featured #2 in obsess #1 in possession #4 in possessive #85 in general fiction #41 in billionaire #34 in obsession