Dedicated to viancaAZTIG11 Ennatresz TinTin672296 killakil2 llagas ImYourButterfly caselsandra026 BlueAddict04 mikasa35 @krisluhan04 and jungwoosseusnoopy
That's all.:)
Happy reading LOVELOTS!!
NAGLALAKAD ako ngayon sa hallway ng school.Hindi ko rin kasama si Titus dahil ang sabi sa akin ni ate Imelda(babaeng driver nila titus-chap 10) ay may importanteng meeting si Titus.
Actually medyo nalungkot ako dahil weeksary namin ngayon.At mukhang hindi naalala ni Titus yon.Well nasanay na kasi ako na itawag yon sa kanya habang sya naman ay maraming endearments sakin.Katulad ng babe,mi amore,love,Queen at iba pa.
Tinanong ko sya kung bakit ang dami ng endearment nya at ang sabi nya-
"I want you to be the only girl that I will call with all those endearments.I want YOU to be my only one forever and ever."
Kapag naaalala ko yon ay hindi ko mapigilan ang mapangiti.Habang naglalakad ay hindi ko maiwasan ang mailang dahil lahat ay tumitingin sa akin.Mayroong natatawa,naaawa at nandidiri.
Hindi ko nalang pinansin yon at patuloy na naglakad papuntang room namin.Pag upo ko ay nakita ko ang nag aalalang mukha ni keith.
"May problema ba?"tanong ko
Hinawakan nya ko sa braso at pilit na pinapatayo."Umuwi ka na ngayon din!",nag mamadaling sabi nya.
Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nya."Ano ba talagang nangyayari?"
"Hindi mo ba alam?",tanong nya habang nakakunot ang noo.
Umiling naman ako.
"Pinagkakaguluhan ngayon yung bulletin board sa hall way dahil—",hindi na natuloy ni katy yung sasabihin nya nung bumukas ang pintuan ng room.Pumasok doon si kaylie kasama yung dalawang alipores nya.
"So nandito pala si daddy's girl.",nang aasar na sabi ni kaylie na ikinatawa nung dalawang kaibigan nya.
"Hoy ayus ayusin mo ang pananalita mo ha kundi ingungudngod ko yang pag mumukha mo sa sahig!Tutal mukha ka namang basahan gawin na nating literal."Bulyaw ni Keith kay kaylie.
Mukha namang naasar si kaylie kaya bigla nyang sinenyasan yung dalawang kaibigan nya.Bigla namang lumapit yung dalawa nyang alipores kay keith at hinawakan ito sa magkabilang braso.
"Hoy!Bitawan nyo ko!Allergic ako sa mga CHAAAKAAAA!!!"sigaw nito.
Akmang lalapitan ko na sya nang lumapit sakin si kaylie at hinawakan ang braso ko nang mahigpit.
"Come with me slut!",bulyaw nya at kinaladkad ako palabas ng room.
Sinubukan kong lumayo sa kanya dahil nasasaktan ako sa hawak nya sakin.
"Aah!",napapasigaw na rin ako dahil bumabaon ang matutulis nyang kuko sa braso ko.
"Tumigil ka nga sa pagpupumiglas mo!",sabi nya at tinulak ako paupo sa sahig.
Nakita ko na nasa hallway kami.Hindi ko na kasi napansin kung saan kami papunta dahil nasasaktan ako sa hawak nya sakin.
Napaangat ako ng tingin at nakita ko na maraming tao ang nakapalibot sa amin.May tinitignan din sila sa bulletin board kaya napatingin din ako doon.
Parang tumigil ang pag ikot ng mundo ko dahil sa nakita ko.May malaking sulat kamay na nakalagay na The harlot/slut of the academy
#Who's the sugar daddy?Sa baba noon ay mga litrato ko na bumababa sa kotse ni Titus.May mga litrato din nung cellphone na ibinigay ni Titus sakin para daw incase of emergency.May isang picture din na nakatayo ako sa gilid ng kotse ni Titus habang nag faflying kiss.
"Tama kayo guys!Sya yung babaeng nasa litrato!",sabi nya habang nakatingin sa mga studyanteng nakapalibot samin.
Naramdaman ko ang pagsabunot ng kamay nya sakin na ikinahiyaw ko,"Papayag ba kayo na isang katulad lang nya ang sumira sa image ng school natin?!",dagdag nya na mukhang sinang ayunan nung mg studyante.Pabalang din nyang binitawan ang buhok ko.
Maya maya ay may naramdaman akong nagbabato ng mga kung ano anong gamit.Naririnig ko rin ang mga panlalait nila sa akin.Hindi ko na napigilan ang patuloy na pagragasa ng luha sa mga pisngi ko.
Gusto ko silang sigawan pero hindi ko magawa dahil pakiramdam ko may maliking bato ang humarang sa lalamunan ko.
Ipinikit ko ang mga mata ko para hintayin silang mag sawa nang isang baritonong boses ang narinig ko.
"What's happening here?",napapikit ako nang marinig ko ang boses nya.
Titus.
Idinilat ko ang mga mata ko at nakita ko ang nanlalaking mata ni Titus dahil sa gulat.Unti unti itong nanlisik nanang makita nya ang kalagayan ko.
Nakita ko ang paglapit ni kaylie kay Titus at paghawak nya sa braso nito."Master sinisira ng babaeng yan ang image ng school mo.Kaya dapat lang sa malanding yan ang nangyari sa kanya.For sure may suga—",Hindi na natuloy ni Kaylie ang sinasabi nya nang itulak sya palayo ni Titus na naging dahilan ng pagkatumaba nya.
Lumapit si Titus sa bulletin board at pinagtatanggal ang mga nakadikit don.Halos punit punit na ang mga yon dahil sa gigil ni Titus.
Lumapit sya sa pwesto ko at binuhat ako.Nakita ko pa ang gulat at takot sa mukha ni Kaylie.
"Who ever did this will surely.face.hell.",matigas na sabi nya na ikanaputla pa lalo ng mukha ni kaylie.
"Pero master s-sinisira nya ang image ng school!M-May sugar daddy sya!",sigaw ni kaylie.
Humarap si Titus sa kanya at ngumisi."She doesn't have a sugar daddy.Buy she have a boyfriend.And that's ME.",sabi nya at nilagpasan ang namumutlang kaylie.
Habang ako ay sumandal sa dibdib ni Titus kasabay ng pandidilim ng paningin ko.
BINABASA MO ANG
The Possession of the Obsess (Completed)(season 1 and 2)
Ficción GeneralA story about lies,deception,obsession,possession and love. Are you ready? Can you surpass it? #1 in feature #3 in featured #2 in obsess #1 in possession #4 in possessive #85 in general fiction #41 in billionaire #34 in obsession