Chapter 12

13.1K 205 8
                                    

Parehong nanlalaki ang mata namin ni Titus dahil sa nasabi ko.Nanlalaki ang mata nya at naka awang ang bibig.Pareho kaming walang maapuhap na salita.Bago pa sya magsalita ay tumayo na ko."M-Magbabanyo lang ako."Ani ko at nagmamadaling umalis.Dumiretso ako sa banyo at agad na nilock yun.


Pagkapasok ko ay humarap ako sa salamin at hinawakan ang puso ko na sa sobrang bilis ng pagtibok ay pakiramdam ko lalabas na.Nakita ko ang mukha ko na tinalo na ata ang kamatis sa sobrang pula.Ramdam ko rin ang pag iinit ng mga pisngi ko kaya naghilamos ako ng mukha.Pagkatapos ay humarap uli sa salamin.


Mapula pa rin ang mukha ko pero hindi na sobrang pula katulad kanina.

"Ang tanga tanga mo." Mahinang sabi ko at tinignan ng masama ang repleksyon ko.

Paano na lang ako haharap sa kanya?O mas tamang tanungin kung may mukha pa ba akong ihaharap sa kanya?


Inis kong sinabunutan ang sarili ko at ipinadyak ang mga paa ko.


Ilang sandali ay para kong baliw na napangiti na lang.Hindi kasi ako makapaniwala na nasabi ko yun sa kanya.Alam ko na darating din ang panahon at malalaman nya yun.Kaya Bakit ko pa patatagalin?Bakit hindi na lang ngayon diba?Napag desisyunan ko rin na hihiwalayan ko na si Zeke.


Hihiwalayan ko sya hindi dahil nakahanap nako ng iba,hihiwalayan ko sya dahil yun ang tama.Ayoko nang masaktan pa sya lalo.Sa ilang taon na naging kami,alam ko na may mali.May kulang.At alam ko na si Titus ang kulang na iyon.


Paglabas ko ay sasabihin ko na iyon sa kanya.Wala na kong pakialam kung hindi man nya ko mahal.Basta masabi ko lang ang nararamdaman ko ay ayos na ko.


Darating naman siguro ang araw na mamahalin nya ko katulad ng pagmamahal ko sa kanya.

Sa huling beses ay tumingin ako sa salamin at tinapik tapik ang pisngi ko.

Kaya mo yan Maxine!

Kinakabahan man ay pinihit ko na ang seradura ng pinto ng banyo at lumabas na.

Bawat paghakbang ng paa ko ay ang pagdoble ng bilis ng pagtibok ng puso ko.Pakiramdam ko ay tumakbo ako ng milya milya.


Pagkarating ko sa kusina ay wala na si Titus.Hahanapin ko na sana sya nang may yumakap sa likod ko.Manlalaban pa dapat ako pero dahil sa mabangong amoy ng nakayakap sakin ay nakilala ko agad ito."Titus."

"Can you please repeat what you've said awhile ago?" Tanong nya sakin.Pero dahil sa maiinit na hininga nya ay hindi ko maproseso ang sinabi nya."H-ha?"

Hinarap nya ko sa kanya."Say that again."Nakangiting sabi nya at tinignan ang mga mata ko."Please~"Muling sabi nya.

Nang hindi ako sumagot ay bigla nya kong hinalikan sa labi.Malamyos ang kanyang halik na tila ba ay inaalam nya ang buong ako.Maingat ito at puno ng pagmamahal?Hindi ko na alam ang iniisip ko dahil sa mga halik nya at muli ay nadala na naman ako.

"I love you." I said between our kisses and I felt him smile because of that.He parted our lips and hugged me tight.At sa gulat ko ay naramdaman ko ang pag alog ng balikat nya at ang pagkabasa ng balikat ko.

Umiiyak ba sya?

Ilang sandali ay humiwalay sya sakin ng yakap at humarap sakin.Nakita ko ang mga mata nya na may bahid ng luha.Idinikit nya ang noo nya sakin.

"I love  you too." Mahinang sabi nya na nagpabilis muli sa tibok ng puso ko.

He loves me too?!

Pero bago ko pa maitanong yun ay muli nyang inangkin ang mag labi ko.

And that night.We made love.Yes it's not s*x or f*cking.It's making love.

*****
A/n:Sorry for the short Update! Bawi po ako next time!

Lovelots
I purple you

The Possession of the Obsess (Completed)(season 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon