Chapter 14

22.4K 475 34
                                    

Nanlalaki ang mata na tumingin si Titus sakin.Kahit ako ay hindi ko alam ang gagawin.Pakiramdam ko nalunok ko ang sariling dila ko.

Ngayon ko lang na realize yung nagawa ko.Umamin ako sa kanya.At hindi ko alam ang magiging sagot nya.

"Y-You love me?",parang wala sa sariling tanong ni Titus sa akin.

Napayuko naman ako at mariing kinagat ko ang mga labi ko.Pero maya maya ay naramdaman ko ang kamay ni Tutus sa mga baba ko at bahagyang inangat ang mukha ko.Pilit kong iniiwas ang tingin ko sa kanya pero sa huli ay nahuli nya rin ang mga mata ko.

"Tell me babe,Are you inlove with me?",seryosong sabi nya pero halata mo ang kaba sa boses nya.

Maya maya ay marahan kong itinango ang ulo ko.Wala na rin namang magbabago kung itatanggi ko pa.Nadulas na ko sa sarili kong mantika.

Ilang saglit na tahimik ang paligid na ikinakaba ko.

Ayaw nya na ba sakin?Galit ba sya?Hindi ba kami pareho ng nararamdaman?

Pero naglaho bigla ang lahat ng iniisip ko nang halikan nya ko.Halik na punong puno ng pagmamahal.

Ilang segundo na nakalapat ang labi nya sakin nang bigla nyang igalaw ang labi nya.Matapos nang ilang sandali ay naramdaman ko na lang ang sarili ko na tumutugon sa kanyang halik.

Ang masuyo naming paghahalikan ay naging mapusok.Nararamdaman ko rin ang mga kamay nya na naglalakbay sa aking katawan.Patuloy kami sa paghahalikan nang bigla syang humiwalay sakin.

"We better stop.",hinihingal na sabi nya.

Tumingin ako sa kanya na bahagyang nagtataka.Bakit sya tumigil?Kung ibang lalaki yon malamang na ginamit nya na ang pagkakataong to para maangkin ako ng tuluyan.

"I respect you.And I know that you're not yet ready.And I'm willing to wait."

Pakiramdam ko ay may masuyong humaplos sa puso ko dahil sa sinabi nya.May sasabihin sana ko sa kanya nang may biglang kumatok sa pintuan.

Bumukas ang pinto at dumungaw mula doon si mommy Katerina.

"Can I come in?",tanong nya na ikinatango ni Titus.

Unti unti syang pumasok at bahagyang natigilan nang mapatingin sya sa mukha ko.

"Why is your lips so swollen?",tanong nya na ikinapula ng mukha ko.Bigla namang nasamid si Titus.

"Wait, kayo na ba?",tanong nya samin.

Hindi ko alam ang isasagot ko nang biglang magsalita si Titus."Yes sinagot ko na sya kani kanina lang.",nakangising sabi nya.

Biglang nanlaki ang mga mata ko at kasabay non ang pagtili ni mommy Katerina.

"This calls for a celebration.",tili nya at nagmamadaling lumabas ng kwarto.

Paglabas na paglabas ni mommy ay agad kong pinalo ang braso nya.

"Aww what was that for?",nakangusong sabi nya.

"Anong sinagot mo na ko?Eh diba ikaw ang nanliligaw?!",sabi ko dito pero ngumisi lang sya.

"Sino bang umamin?",tanong nya na nagpanganga sakin pero bago ko pa sya masuabunutan ay mabilis na syang nakalabas ng kwarto.

"Titus!!",inis na sigaw ko pero narinig ko lang malakas na tawa nya.

—————

Kagaya ng sabi ni mommy Katerina ay nagpahanda talaga sya.Naparami tuloy ako ng kain.Tuwang tuwa daw sya dahil ako girlfriend na ko ng anak nya.

Nasa sasakyan ako ngayon ni Titus dahil hinatid nya ko pauwi.

"Ahm papasok na ko sa bahay.",sabi ko pero nanatiling nakatingin sya sakin.

Kanina pa sya ganyan.Nakatingin sakin at halos hindi kumukurap.

"I-Im scared babe.",mahinang sabi nya at napayuko.

"Ha takot saan?",naguguluhan kong tanong.

"I'm scared because there's a chance that this is only a dream.I mean look at you,You're pretty, nice and amazing.I just can't believe that god gave a sinner like me an angel like you.",madamdaming sabi nya.

Unti unti kong inangat ang kamay ko at  hinawakan ang pisngi nya."Listen, I love you okay?At ako ang maswerte dahil ibinigay ka sakin ng diyos.Mahal kita Titus take that in mind.",masuyong sabi ko.Ngumiti naman sya at inilapit ang mukha sakin.

Ilang segundo na magkalapat ang mga labi namin nang humiwalay sya sakin.

"You better go inside.Baka hindi na ko makapagpigil at itanan na kita.",sabi nya kaya napatawa ko ng mahina.

"Bye I love you.",sabi nya ngumiti ako sa kanya at binuksan ang pinto ng kotse.

"I love you too.",sabi ko at nagmamadaling lumbas ng sasakyang at pumasom ng gate namin.

Nararamdaman ko ang pagpula ng pisngi ko.Napakawalan ko lang ang naipit kong hininga nang marinig ko ang tunog ng pag alis ng sasakyan ni Titus.

Papasok na sana ko ng bahay nang makita ko na nakatayo sa hambana ng pinto si Kaylie.

"So kaya ka pala madalas na nawawala dahil nakahanap ka na ng sugar daddy mo.",nakangising sabi nya.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo.",mariing sabi ko pero nagkibit balikat lang sya.

"Anyway kita na lang tayo bukas sa school.",nakangising sabi nya at pumasok na sa bahay.

Napabuntong hininga ko.Hindi ko alam kung bakit pero may kutob ako na may binabalak na masama si Kaylie.

Sana lang mali ang kutob ko.

The Possession of the Obsess (Completed)(season 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon