Obsession 2

38.4K 827 17
                                    

(Kryzelle's POV)

Nasa loob na ako ng classroom at kakwentuhan ko si keith.Nalaman ko na pareho ang course na kinuha namin kaya iisa lang ang sched namin.Another fun fact about keith is that he doesnt fall for the opposite gender,In short pareho kaming lalaki ang hanap.

"Wala silang karapatan na tratuhin nang ganon ang isang dyosang katulad ko!Kamag anak ka nila,for god sake.",inis na sabi nya.

Nagkwentuhan kasi kami tungkol sa isa't isa kaya naman di ko naiwasan na mabanggit ang kalagayan ko kasama ang pinsan at tita ko. Hindi ko alam pero ang gaan kasi ag loob ko sa kanya kaya for the first time ay naka pag open up din ako tungkol sa sarili ko.

"Ok lang naman ako.Basta kakayanin ko ang lahat ng problemang darating at haharapin ko yon ng buong tapang.",nakangiting sabi ko.

"At wag mong kakalimutan na may isa kang dyosang kaibigan na sasamahan ka!"masiglang sabi nya kaya sabay kaming napatawa.

"So nakahanap ka na pala ng kakampi mo.",napalingon ako dahil sa boses na iyon at nakitang si kylie ang nagsalita.

Kasama nya yung dalawa pang babae na sa tingin ko ay kakakilala lang din nya.

"But unfortunately isang loser na kagaya mo.",sabi nito na nakangisi.

"Ano bang kailangan mo sa amin.",masungit na tanong ni keith kay kaylie na nakangisi lang.

"Well binibisita ko lang naman ang aking dearest cousin.",sabi ni kaylie habang nakangiti na halata mo naman ay peke.

Nakayuko na lang ako dahil ayoko naman na lumaki pa yung gulo.

"So ikaw pala ang kasalukuyang hinahanap ng mga witch hunters na napanood ko sa tv kagabi.Magtago kana malay mo mamaya mapatay kita este mapatay ka nila."nakangising sagot naman ni keith kaya napahawak ako sa balikat nya para pakalmahin sya.

"W-what did you say?"namumulang sabi ni kaylie dahil sa sobrang galit

"What did you say.Eh kung what what-in ko kaya yang mukha mo.Arteng magsalita,di naman kagandahan.",panggagaya ni keith sinabi ng pinsan ko at narinig ko ang pagtawa ng ilan sa mga kaklase namin.

Napatingin naman si kaylie sa mga nagtatawan tapos biglang tumingin sa amin ng masama.

"You will pay for this."madiing sabi nito bago umupo sa bandang harapan dahil nasa pinaka likod kami ni katy.Sumunod naman yung dalawang babae kay kaylie.

"Hmph makapagyabang akala mo kung sino eh mas maganda ka pa dun eh."sabi ni keith habang nakasimangot.

"Dapat hindi mo na pinatulan."mahinahong sabi ko sa kanya.

Pero sa totoo lang sobrang na touch ako sa ginawa nya kanina

"Napakabait mo kasi kaya inaapi ka nila.Pero wag kang mag alala nandito lang ako beshy."sabi nya at niyakap ako kaya niyakap ko rin sya pabalik.

The Possession of the Obsess (Completed)(season 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon