SUMALUBONG sakin ang natutulog na mukha ni Titus.Nakayakap ang isang braso nya sa bewang ko.Imbes na alisin yon ay bumaling ako ng higa paharap kay Titus.
Mula sa hugis ng mukha,mahahabang pilik mata,matangos na ilong at mamulamulang labi ay sumisigaw ng kaperpektuhan.
Hindi ko alam kung anong sumanib sakin pero itinaas ko ang kamay ko at inilapat sa makinis nyang pisngi.
Ganun na lang ang gulat ko nang bigla nyang idilat ang mga mata nya.Agad tuloy akong napalayo dahil sa gulat pero agad nyang hinawakan ang kamay ko at hinalikan iyon.
"Goodmorning babe."
Namula ang mukha ko dahil sa sobrang lambing ng boses nya.
"G-Good morning.",bati ko at bigla ko napansin na sobrang magkalapit pala ang mukha namin kaya napaupo ako bigla.
Naipikit ko ng mariin ang mata ko nang may sumigid na kirot sa ulo ko.Napahawak ako doon at nagulat ako nang may makapa akong benda.
"You fainted yesterday because of a mild head injury.",nagtatagis bagang na paliwanag nya.
Nakita ko ang pagsara ng kamao nya.Halos pumuti ito dahil sa higpit non."Who ever did this will surely. fucking.pay.",madilim ang mukha na sabi nya kaya hinawakan ko ang nakasarang kamao nya.
"Hey calm down.",sabi ko at nakita ko naman agad ang paglambot ng mukha nya at unti unting pagluwag ng pagkakasarado ng kamao nya.
Akmang lalayo na ko nang hilahin nya ko palapit sa kanya.Bigla ko ring naramdaman ang ulo nya na sumubsob sa leeg ko.
"I was so scared.",bulong nya at naramdaman ko ang pag alog ng braso nya.
Umiiyak ba sya?
Titignan ko na sana pero naramdaman ko ang pagkabasa ng leeg ko kaya napagtanto ko na umiiyak na pala sya."I thought I'm gonna lose you."
Bigla nanamang nagkusa ang mga kamay ko na pumalibot sa kanya.Bigla ko syang niyakap ng mahigpit."Shh,That will never happen.I will never leave you."
Ilang segundo kaming magkayap nang humiwalay sya sakin ng yakap.
"We better go.May pupuntahan tayo.",sabi nya at tinulungan akong tumayo.
"Saan ba tayo pupunta?",tanong ko pero ngumiti lang sya bilang sagot.
Paglabas namin ng bahay nila ay sumakay na kami sa kotse nya.May tinatahak syang daan na hindi ko alam kung saan papunta.
"Saan ba talaga tayo pupunta?",tanong ko pero katulad kanina ay isang ngiti lang ang isinagot nya.
Napabuntong hininga na lang ako dahil napagtanto kong hindi nya talaga sasabihin sakin kung saan kami pupunta.
Maya maya ay itinigil nya na yung sasakyan.Napatingin naman ako sa bintana at nakita kong nasa isang gubat kami.
"We're here.",sabi nya at umikot para pagbuksan ako ng pinto.
"Bakit tayo nandito?",tanong ko pero hinawakan lang nya ang kamay ko papasok sa gubat.
"You'll see.Just trust me.",sabi nya at patuloy akong hinila ako papasok sa gubat.
And I did what he told me.I trusted him.
Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa may nakita ang mga mata ko.
Tumigil si Titus sa paglalakad."We're here.",sabi nya at tumingin sa napakagandang bahay sa harap namin.
"What is this?",tanging nasabi ko.
Bigla syang pumunta sa likuran ko at niyakap ako mula sa doon.
"This will be our secret haven.Actually this is my supposed to be surprise for our first weeksary but you fainted.So do like it."
Naiiyak na pumikit ako."I love it.Thank you.",bulong ko pero sapat na para marinig nya.
"No,I should be the one thanking you for coming into my life.",Sabi nya at pinihit ako paharap sa kanya.
"I love you.",sabi nya kasabay ng paglapat ng mga labi namin.
Iniyakap ko ang mga kamay ko sa batok nya at tumugon sa halik na ibinibigay nya.
"I love you too.",sabi ko sa pagitan ng paghahalikan namin.
Maya maya ay humiwalay na kami sa isa't isa at pumasok sa loob ng bahay.
Maganda ang loob ng bahay at malawak.Kumpleto rin sa mga kagamitan.Sa loob ng bahay ay may isang kwarto lang dahil ang sabi ni Titus kami lang naman ang makakaalam ng lugar na ito.
"You should explore the house and I'm going to cook our lunch.",sabi nya at hinalikan ako sa noo.
Pagkaalis ni Titus ay pumasok ako sa master's bedroom.Nakita ko ang malaking higaan at sa kisame ay mga picture namin ni Titus.Kaya kapag humiga ako ay makikita ko ang mga litrato namin.
Pumunta ako sa walk-in closet at nakita ko na nasa kanan ay mga damit panlalaki nasa tingin ko ay kanya.Sa kaliwa naman ay puro pangbabae na para sa akin.
Nang magsawa ako sa pagtingin sa paligid ay umupo muna ako sa kama at binuksan ang tv.
Maya maya ay narinig ko ang pagtawag sa akin ni Titus kaya pinatay ko na ang tv at bumaba ng bahay.Nagulat ako sa ganda ng hapag kainan.May mga rosas na nakakalat sa sahig at may isang bungkos din nito sa lamesa.Nakita ko rin ang isang malaking teddy bear na nakaupo sa isang upuan.may mga balloons pa na may letters na kapag binuo mo ay magiging Happy weeksary babe!♥♥
Naiiyak ako dahil sa sobrang saya.Hahanapin ko na sana si Titus nang may yumakap sakin galing likuran ko.
"Happy weeksary babe.",bulong nya.
Tuluyan na kong napaiyak sa sobrang kasiyahan.
"Thank you and I love you so so much.",bulong ko rin.
Nang humiwalay sya ng yakap ay may naramdaman akong malamig na bagay na nakasabit sa leeg ko.
Isa itong pendant na hugis susi.Napatingin ako kay Titus at nakita kong nakasuot sya ng isang pendant na lock pero hugis puso.
"Let's eat.",aya nya at pinaghila ako ng upuan.
Pagkaupo ay napatingi ako sa malaking teddy bear.Mukhang napansin naman iyon ni Titus.
"Ahm that's Krane our baby boy.",namumulang sabi nya na nakapag pangiti sakin.Mukhang pinagsama nya ang pangalan namin na Kryzelle at kane.
Masaya kaming kumain.Punong puno ng tawanan ang buong hapag kainan hanggang sa biglang tumayo si Titus.
Inilahad nya ang kamay sa harapan ko."May I have this dance?",tanong nya.
"Wala tayong music.",sabi ko pero tinanggap ko pa rin ang kamay nya.
"I'll sing.",sabi nya at nagsimulang sumayaw.
"Ang awiting ito ay alay sayo.Sintunado man tong mga pangako ko.Ang gusto ko lamang kasama kang tumanda.",Hindi panget ang boses nya.Sa totoo lang maganda ito.
"Patatawanin kita pag di ka masaya.Bubuhatin kita pag nirarayuma ka na.O' kay sarap isipin kasama kang tumanda."
Me too Titus.I also want to grow old with you.
BINABASA MO ANG
The Possession of the Obsess (Completed)(season 1 and 2)
General FictionA story about lies,deception,obsession,possession and love. Are you ready? Can you surpass it? #1 in feature #3 in featured #2 in obsess #1 in possession #4 in possessive #85 in general fiction #41 in billionaire #34 in obsession