Patuloy akong tumatakbo papunta sa loob ng gubat.Kailangan kong makalayo sa kanya!Baliw na sya!Nang sa tingin ko ay malayo na ang natakbo ko ay umupo muna ako sa isang malaking ugat ng puno.
Napatingin ako sa paligid dahil baka naabutan nya ko
Nang makitang walang ibang tao ay sumandal ako sa puno at pinikit ang mga mata ko
Pero ganon na lang ang gulat ko nang biglang may yumakap sa akin at hinalikan ang gilid ng leeg ko
Napahagulhol ako habang pilit na kumakawala sa yakap nya.
"You're mine.Mine alone."dinig kong bulong nya sa tenga ko
"No!"
"Kryzelle wake up."
Kailangan kong makatakas sa kanya
"Kryzelle!"
Sana may tumulong sa akin!Sana!
"Kryzelle!",mabilis na napaderetso ako ng upo habang patuloy na umiiyak.
"Shh,it's just a dream.",pag aalo nya sa akin.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at yumakap sa kanya.Naramadaman ko ang saglit na paninigas ng katawan nya bago sya gumanti ng yakap sa akin habang hinahaplos ang buhok ko.
"Akala ko totoong may lalaking humahabol sa'kin.",natatakot na sabi ko at mas lalong napaiyak sa kanya.
"Hush sweetheart,It's just a dream ok?",mahinahong pagpapatahan nya sa akin.
Maya maya ay huminahon na ako kaya dahan dahan na akong humiwalay ako sa mga yakap nya.
Inangat nya ang kamay nya at hinaplos ang pisngi ko.
"I will always protect you."
I slightly shivered because of the softness of his voice.Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya at lumayo ng konti.
Napaiwas din sya ng tingin habang namumula ang tenga nya,"Ahm, nandito na pala tayo.",biglang sabi nya sa akin.
Napatingin naman ako sa labas ng bintana at nakita kong nandito na nga kami.
BINABASA MO ANG
The Possession of the Obsess (Completed)(season 1 and 2)
General FictionA story about lies,deception,obsession,possession and love. Are you ready? Can you surpass it? #1 in feature #3 in featured #2 in obsess #1 in possession #4 in possessive #85 in general fiction #41 in billionaire #34 in obsession