Chapter 11

14.6K 208 13
                                    

"Shit." Grabe,napamura ako ng wala sa oras dahil sa sakit ng ulo ko.Pakiramdam ko binibiyak ito ng paulit ulit.Pakiramdam ko tuloy nagkaroon ako ng hang over.

Nakatagilid ako ng higa kaya medyo nangangalay na ako.Tinignan ko ang paligid ko at nakitang Nasa hotel room namin ni Titus ako.Titihaya na sana ako ng higa dahil talagang nangangalay na ako pero parang may mabigat na nakadagan sakin.

Tinignan ko ito at nakita kong  kamay pala ni Titus ang nakadagan sa bandang tiyan ko.Sinubukan ko itong alisin pero talagang mabigat ito.

Mahina Kong inalog ang braso ni Titus."Hey,wake up."Bulong ko pero di man lang ito gumalaw.Ugh,nakakainis talaga itong bossy na'to!

"Titus!" Alog ko ulit dito pero di pa rin ito gumagalaw.

Kalma lang Maxine.Habaan mo pa ang pasenya mo,okay?

"Titus,isa!" Sabi ko at malakas na inalog ito.Akmang itutulak ko na ito nang bigla nang hilahin ang kamay ko."Ay!"and in one swift move  I was on top of him.

"Good morning,beautiful." Bulong nito sakin na ikinapula ng pisngi ko.Ang husky kasi ng Boses nya,isabay mo pa ang mainit na hininga nya na tumatama sa mukha ko.

Ang bango ng hininga ng lalaking ito!Posible pala iyon?Kakagising lang pero ang bango ng hininga?

Akmang ilalapit nya ang mukha nya sakin nang tumunog ang tiyan ko.Natawa sya na ikinapula ng mukha ko.

"You're that hungry?"He asked amazed.Mas lalo tuloy pumula ang mukha ko.

"T-tigilan mo nga ako Titus." Sabi ko at kunyaring naiinis na umalis sa pagkakapatong sa kanya.

Itinaas nya ang dalawang kamay na parang nagsasabing sumusuko na sya."Okay,sweety I'll stop."Napairap na lang ako dahil tumatawa pa rin sya habang sinasabi iyon.

Napatili ako nang buhatin ako ni Titus."Ibaba mo ko!"sigaw ko dito pero tumatawang dinala lang ako nito sa kusina.

Pagkadating namin sa kusina ay inilapag nya ako sa isa sa mga upuan.Tinignan ko lang s'ya habang naglalakad s'ya papunta sa counter.

Humarap sya sakin saglit."I'll just cook our breakfast."At tumalikod muli.

Namumula ang mukha ko sa tuwing nakikita ang pag flex ng mga muscle sa braso nya.

Aish!Bakit ko ba sya tinitignan?

Namumulang iniwas ko ang mata ko sa kanya.Nahihiyang binuksan ko na lang ang cellphone ko.

Ngayon ko lang napagtanto na siyam na araw na pala kami dito.Sa pagbukas ko ng screenlock ko ay nagulat ako ng sunod sunod na pumasok ang napakaraming message sakin.

Nakita ko na ang iba ay galing kay tanya pero mas marami ang kay zeke.

Mahal,miss na kita.

Mahal bakit di mo sinasagot ang tawag ko?

Mahal?!

Hindi ko na itinuloy ang pagbabasa dahil halos pare pareho lang naman ang mga messages nya.Parang pinipiga ang puso ko dahil alam ko na ilang sandali na lang ay aalis na kami dito at hindi ko alam kung magbabago ba ang pakikitungo sakin ni Titus.Hindi ko na maikakaila na sa loob ng ilang araw namin dito ay tuluyan nang nahulog ang loob ko kay Titus.Masakit isipin na ako lang ang nakakaramdam nito.

Alam ko na mali ito dahil may kasintahan ako.Pero hindi ko na maloloko ang sarili ko.Alam ko na sa tagal ng pagsasama namin ni zeke ay minahal ko sya........bilang kaibigan.At alam ko na hanggan doon lang iyon.

Nawala ako sa malalim na pag iisip nang biglang naglapag ng pinggan si Titus sa harapan ko.

Umupo ito sa tapat ko at tinignan ako."Something's bothering you?"Untag nito sakin.

"W-wala naman."Pag sisinungaling ko.

"You sure?" Paniniguro nito at tumango muli ako.

Mukhang hindi ito naniniwala gayunpaman ay sinandukan nya na ako ng pagkain."Let's eat."Aya nito at kumain na kami.

Binalot kami ng nakabibinging katahimikan.Tanging pagkilansing ng kutsara at pinggan ang maririnig.

Tahimik kong pinagmamasadan ang bawat galaw ni Titus.Ma mimiss ko ang lahat ng ito. Ang pag aalaga nya,ang bawat paglalambing nya,ang maganda nyang ngiti,ang berde nyang mata,matangos na ilong at ang matatamis na labi nya.Mamimiss ko sya.

Hindi ko napansin na tumutulo na pala ang luha ko.

Napansin naman ni Titus iyon kaya agad syang lumapit sakin."Hey,did I say something bad?"Nag aalalang pagtatanong nya.Umiling ako sa kanya pero umiiyak pa rin ako.

"Do you want me to take you to the hospita—" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin nya dahil hinawakan ko ang batok nya at siniil sya ng halik.I felt his body stiffen.

Maya maya ay tumugon din sya sa halik ko at mas lalong hinapit ang katawan ko papalapit  sa kanya.Sa pamamagitan ng halik ay inilabas ko ang lahat ng gusto kong ipadama sa kanya.

Hindi ko napansin na masyadong nadala ang emosyon ko sa agos.Nasabi ko ang bagay na ikinatatakot kong malaman nya.

"I love you." I said between our kisses.Naramdaman ko na nanigas ang katawan nya.Humiwalay sya sakin na nanlalaki ang mata.Ganun din ako.

Shocks!

***************************
Other person's Pov

Nakatayo si zeke kaharap ang isang babae.Tinawagan sya nito kanina para magkita sila.Nakangiti ito ngunit mapapansin mo ang galit sa mga mata nito.

"Ini utos ko sayo dati na patayin ang babaeng yun pero di mo ginawa.Pinayagan kitang kunin sya at binigyan kita ng gamot para mawala ang mga alaala nya.Pero hinayaan mo na magkita  muli sila!" Mahabang litanya ng babae.

"Hindi ko naman sinasady—" Hindi na natuloy ng lalaki ang sasabihin nya dahil sinampal sya ng babae.

"Dahil sa padalos dalos mo ay nagkita sila!Nag iinit nanaman ang ulo ko sa malanding iyon!"

Nagmamakaawang tumingin si zeke sa babae."Wag mo syang gagalawin.Mahal ko sya."

Ngumisi ang babae at tumalikod sa kanya."Kumilos ka na kung hindi ako ang gagawa paraan para maalis sa landas namin ni Titus ang hitad na iyon."

Walang magawa ang lalaki kundi mapatango."Masusunod Cherry. "Mahinang sabi ni Zeke.

Habang ang babae na nagngangalang cherry ay ngumisi na parang baliw.

'Malapit ka nang mapasakin Titus.'

Loveletter ni author:

Sorry sa matagal na pag UD.Nagloko kasi si watty at di ko mabuksan ang TPOTOH.Anyway kung may time kayo you can ready my new story.

*Falling for my guardian angel
*One last time(One shot sad story)-pero di ko sure kung  nakaka iyak ba XD
*My Ex and Him
*Loving you softly(Vkook)
*Spoken wor poetry

You have thoughts with this chapie?Write some comment :)

Lovelots
I purple you

The Possession of the Obsess (Completed)(season 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon