Obsession 1

55.3K 812 40
                                    

(Kryzelle's POV)

Nagmamadali akong lumabas ng kwarto habang hawak ang backpack ko.Late na kasi ako para sa eskwela.

Unang araw ko ngayon bilang isang collage student sa kursong bachelor of science in business administration.

Paglabas ko ng lumang kwarto na tinutulugan ko ay nakita ko si Kylie na nakapikit habang minamake up-an ni tita.

Maganda si kylie.Meron itong bilugang mata,matangos na ilong at mahabang straight black hair.Bumagay naman sa kanya ang kanyang kayumangging balat.

Habang ako naman ay may long brown hair na may pagkacurly sa dulo,may pagkasingkit ang mga mata ko,at may matangos akong ilong.Kung si kylie ay kayumanggi ako naman ay may napakaputing balat na namana ko sa aking namayapang ina.

Madalas din nilang sinasabi na napakaganda daw ng mga mata ko na kulay brown na minana ko naman sa namayapa kong ama.

Maraming tao ang nagsasabi sa akin na napakaganda at sexy ko raw pero sa tuwing tumitingin ako sa salamin ay tanging isang normal na babae lamang ang nakikita ko.

"Anak dapat makabingwit ka ng mayamang lalaki sa school para matupad na ang pangarap kong yumaman.At saka balita ko rin doon nag aaral yung tagapagmana ng M.V. chains of company." biglang sabi ni tita habang patuloy na minemake upan si kylie.

Pareho kami ni kylie ng course at skuwelahang pinapasukan kaya halos sa lahat ng klase ay nakakasama ko sya.

Ang pagkakaiba lang ay dahil  nagbabayad ng tuition si kylie habang scholar naman ako.Nagpapart time job din ako bilang isang cashier at bagger sa isang grocery store na parang 7-eleven at ministop.

Kailangan ko kasing magtrabaho para makapagbigay kay tita ng isang libo para sa kuryente't tubig.Habang ang natitirang sahod ko ay pangkain ko at para sa school.

"Yes mommy ayaw ko kasing matulad sa kung sino sino dyan na nakakayang maging pabigat at palamunin."nakangising sabi ni kylie habang nakatingin sa akin.

Imbes na patulan ko sya ay lumabas  na ako ng bahay at nag antay ng jeep papuntang M.V. University.

Napabuntong hininga na lang ako dahil sa inasta ni kylie.Hindi ko alam ang kasalanan na nagawa ko dahil galit na galit sya sa akin.

Maya maya ay may pumaradang jeep na papuntang school ko kaya agad akong sumakay at umupo sa bandang labasan para makababa ako agad.

"Manong bayad po."sabi ko at inabot ang bayad ko nang makuha na ni kuyang driver yung bayad ay tumingin na ko sa labas ng bintana.

'Grabe ang ganda nya'.

'Shh ka lang,baka marinig tayo.'

Napatingin tuloy ako sa dalawang lalaking mukhang highschool student na nagbubulungan.

Napakunot ang noo ko ng umiwas silang dalawa ng tingin kaya napakibit balikat na lang ako.

Maya maya ay sumigaw na si mamang driver na nasa M.V. University na kami kaya napatinin ako sa labas.

Nakita ko na nasa isang park kami.

"Manong M.V. po ba ito?"takang tanong ko.

"Oo iha bawal kasi kaming pumasok dyan.Magtanong ka na lang kung paano pumunta sa mismong unversity."sabi ni manong driver kaya wala akong nagawa kundi ang bumaba.

Pagkababa ko ay dumiretso ako sa park.Napakaganda nito dahil ang daming bulaklak sa paligid.Kesa tumingin sa palihid ay naghanap na ako ng pwedeng pagtanungan.

Agad ko namang nakita ang isang lalaking may salamin na nakayuko habang may suot na headphone.Nakasuot din ito ng uniform na may logong M.V.

Nilapitan ko ito at kinalabit.Hindi naman ito nag angat ng tingin kaya kinalabit ko ulit ito.

Maya maya ay nag angat ito ng tingin at agad akong napatulala nang makita ko ang itsura nya.

Sobrang gwapo nito at mas nakadagdag appeal pa nga ata ang suot suot niyang salamin.Mukha siyang strikto at sobrang responsable.

Napakatangos ng ilong nya,at napakaganda ng kulay green na mga mata nya na natatakpan ng kanyang salamin.Parang isang iskultor naman ang nag ukit ng kanyang hugis ng mukha.Sunod naman nalipat ang mga mata ko sa mapulang labi nya na parang ang sarap halikan.

"A-ah magtatanong sana ako kung paano pumuntang M.V. University."sabi ko ng makahupa sa pagkagulat.

Hindi naman ito sumagot at nanatilung nakatingin sa akin.

"Kuya?"tawag pansin ko dito.

Agad naman itong natauhan at nakita ko pa ang pagpula ng mga pisngi nito bago tumayo at umalis na walang paalam.

Napakunot na lang noo ko dahil sa inasta nito.

Imbes na pansinin ito ay sinundan ko na lang yung isang lalaki na nakasuot ng uniform habang tumatalon talon pa.

Patuloy ko itong sinusundan nang bigla itong tumigil at humarap sa gawi ko.

"Bakit kaya ako sinusundan ng isang dyosang katulad ko?"sabi nito habang tinataasan ako ng kilay.

"Magpapatulong sana akong pumunta sa school",nakangiting sabi ko.

"Bakit di mo sinabi na kailangan mo pala ng tulong.Edi sana hindi ka parang buntot na sunod ng sunod sakin.",sabi nito at bigla akong hinila.Hindi naman na ako nagreklamo hanggang makarating kami sa isang malaking gate na may nakatatak na M.V.

Gate palang enggrade na paano pa kaya kung makita ko ang loob.

Ganoon na lang ang pagkamangha ko nang makita ko ang loob ng M.V.

Napakalaki ng school grounds na napapaligiran ng bermuda grass at iba't-ibang bulaklak.Naglalakihan din ang mga building na napakagandang tignan.

"Para tayong nasa isang paraiso."namamangha ding sabi ng tumulong sa akin.

"We are indeed."nakangiting sabi ko.

*********************************************
A/N:What do you think about this chapter?

LOVELOTS

I PURPLE YOU

The Possession of the Obsess (Completed)(season 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon