Naglalakad ako ngayon sa hallway at talagang hindi ako sanay na may mga babaeng lapit nang lapit sakin.
Simula nung malaman ng buong school na may relasyon kami ni Titus ay bumait sakin lahat ng studyante dito sa school.
May mga nagbibigay din sakin ng mga pagkain at chokolate hababg naglalakad ako.Hindi ko tuloy maiwasang mailang.
Pero agad akong napangiti nang maalala ko yung binili kong pangregalo kay Titus kahapon.Inilagay ko yon sa ilalim ng kama nya.
Pink na piggybear yon na may recorder.Parang alarm clock din sya dahil pwedeng iadjust ang oras sa necklace na nakasabit don at kapag naubos na yung oras ay biglang tutunog yon.
Nawala ako sa pag iisip tungkol don nung may humarang sa harapan ko.
Nakita ko yung dalawang babae na kaibigan ni kaylie.Speaking of Kaylie , hindi na sya pinakelaman ni Titus dahil sa pakiusap ko.Hindi naman siguro sinasadya ni Kaylie yon.
"Hi!Pwede ba kami sumama sa cafeteria?",tanong sakin nung isa habang may malaking ngiti.
"Ahm sorry pero may kasabay na ko.",sabi ko habang nakangiwi.
Kasabay ko kasing kumain si Katy at Titus.Si katy ay naghihintay na sakin sa caf. Habang si Titus ay may pinuntahan saglit.
"Sige sa susunod na lang.Bye princess!",sabi nung isa at sabay silang nawala sa harapan ko.
Pagpunta ko sa cafeteria ay nakita ko si keith na nakatayo sa entrance at hinihintay ako.
Nakasimangot sya dahi kinukulit sya ni ethan.Si ethan yung unang una na nagtanggol sakin kay kaylie.Sya yung makulit na lalaki sa pila.
At hindi ko alam kung ano ang nangyari pero kinukulit nya si katy.Natutuwa ako sa kanila dahil pareho silang mukhang koreano kaya bagay na bagay sila.
"Keith!",tawag ko sa kanya.Napatingin sya kay ethan at inirapan ito bago lumapit sakin.
"Bakit ba kasi nagpapakipot ka pa?",tanong ko dito pagkalapit nya.
"Kahit na pogi sya,ayaw ko parin sa kanya.",sabi nya at umirap pa sya.
Nawala ang atensyon ko sa kanya nang may narinig akong nahulog sa loob ng cafeteria. Nakita ko si Kaylie na nakayuko habang may spaghetti na nakatapon sa ulo nya.
Sa harap nya ay may isang babae na nakahawak sa plato.Sa halip na lumaban si kaylie ay nanatili lang syang nakayuko.
"Oh my god!",narinig kong singhap ni keith.
"Bakit?"
"Bumalik na sya?!",sabi nya.
Kumunot ang noo ko sa sinabi nya.
"Sinong sya?",tanong ko
Humarap sya sakin at hinawakan yung braso ko.
"Si miss cherry.Ayon sa blogsite na ginawa ng fangirls ni Titus.Ang sabi doon nagkaroon ng girlfriend si Titus at sobrang mahal na mahal nya ito to the point na ibinibigay nya lahat ng gusto nito.Pero sa huli iniwan sya nito at ipinagpalit sa iba.At ang babaeng yon ay sya.",mahabang paliwang nya at itinuro yung babae na nagtapon ng spaghetti kay kaylie.
Hindi ko na sana papansinin yon pero nang makita ko na hahampasin nya si kaylie gamit yung tray ay tumakbo na ko papunta sa kanila.
Narinig ko pa ang pagtawag sakin ni katy pero hindi ko pinansin yon.
Bago pa man tumama yung tray kay kayie ay hinawakan ko na yon.
"Kryzelle!",gulat na tawag sakin ni kaylie.
Tinignan ko yung babae na nasa harapan ko.Maganda sya at elegante kung kumilos.
"How dare you!",sigaw nya sakin.
"Kaibigan mo ba yung tatanga tangang yan?",nakataas na kilay na tanong nya sakin.
"Pinsan ko sya."
"Kaya pala amoy tanga ka rin.Pagsabihan mo yang pinsan mo na tumingin sa dinadaanan nya.Natapunan nya yung damit ko!",bulyaw nya sakin.
"With all due respect miss hindi ba masyado namang mababaw ang dahilan nyo para saktan ang pinsan ko?",taas noong sabi ko dito at nagngitngit ako sa galit nang makitang may sugat si Kaylie.
Kahit na may mga nagawa sya sakin noon alam kong may dahilan sya.Isa pa pinsan ko pa rin sya.
Mukhang nagalit naman sakin si cherry yata.Nagulat na lang ako nang sampalin nya ko kaya gumanti ako sa kanya.
Sinampal ko ang magkabilang pisngi nya.Naiinis ako sa kanya sa nalaman kong pag iiwan nya kay Titus dati.
"You f@cking bitch!",sigaw nya at akmang sasampalin nya na ko nang may malakas na boses ang narinig sa buong cafeteria.
"What the heck is happening here?",tanong ni Titus.Nanlaki ang mata nya nang mapatingin sa pwesto namin.
Pakiramdam ko sumikip ang dibdib ko nang mapalingon sya sa pwesto ni cherry at bahagya pang nanlaki ang mata nya.
"Get ready to pay bitch.",bulong nya sakin habang nakatingin kay Titus at nakangiti nang malapad.
Napayuko naman ako at naisip kung magagalit ba sya sakin dahil sinampal ko ang first love nya.
Sa sobrang tahimik ng cafeteria ay narinig ko ang sapatos nya na naglalakad papunta sa pwesto namin.
"Babe I'm back!",sabi ni cherry at humawak sa braso ni Titus.Tinignan lang sya ni Titus at hindi nagsalita.
"Babe sinaktan ako ng babaeng yan!Look at my swollen cheeks!",Pagsusumbong nya pa.
Bumitaw sya sa hawak ni cherry at lumapit sa pwesto ko.Napayuko tuloy ako habang hinihintay ang gagawin ni Titus.
Naramdaman ko ang paghawak nya sa baba ko at pag angat ng ulo ko.Nakita ko ang pagtatagis bagang nya nang makita ang namumula kong pisngi at lumuluha kong mata.
"Are you okay?",tanong nya sakin pero niyakap ko lang sya.
"Babe sinaktan nya ko!Bakit siya ang pinagtatanggol mo?",narinig kong sabi ni cherry at humawak sa nakayakap na braso ni Titus sakin.
"Don't touch me bitch!And stop calling me babe dahil ang babaeng niyayakap ko ngayon ang syang may karapatan na tawagin akong ganon.",sabi ni Titus sa kanya.
"P-Pero diba dati—"pinutol ni titus yung sasabihin ni cherry.
"Ikaw na mismo nagsabi,dati.You're JUST my Past but this girl is MY present and future.Know your place."huling sabi nya at inakay ako paalis sa lugar na iyon.
BINABASA MO ANG
The Possession of the Obsess (Completed)(season 1 and 2)
Ficción GeneralA story about lies,deception,obsession,possession and love. Are you ready? Can you surpass it? #1 in feature #3 in featured #2 in obsess #1 in possession #4 in possessive #85 in general fiction #41 in billionaire #34 in obsession