One

21.6K 284 21
                                    

ALEX POV

Hinawakan niya ang beywang ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko! Animo'y may mainit na espiritong sumanib sa katawang lupa ko!

NAG SLOW MO LAHAT.

Yung tension.
Yung atmosphere.

Heto na yun!

Ngayon na ang tamang timing para mag kiss!

Dahan - dahan niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko.

PALAPIT NG PALAPIT! KONTI NALANG!

Mangyayari na!
Mag kikiss na kami ni Master!

ANG FIRST KISS KO!


"HOY ALEXANDRA! GISING NA! GISING!"

ANO YUN?! MAY NARIRINIG AKONG SUMISIGAW SA TABI KO!

NOOOOO!

YUNG FIRST KISS KO!
AYOKONG GUMISING!
AYOKO! HINDI PWEDE!
YUNG FIRST KISS KO!

"ALEX GISING NA! ALAS SYETE NA! LATE NA TAYO!" sa lakas ng yugyog ng pinsan ko, mistulang humiwalay na ang kaluluwa ko sa katawan ko!

"Heto na, babangon na." nakapikit pa akong tumayo sa kama.

BIGLA NALANG

BOOOOOOOOOOOGSHSHSH!

"Araaaaaaay! Ang likod kooooo." naiiyak pa ako.

Ang lakas kasi nang pagkakabagsak ko.

"Yan! Dumilat na kasi! Natisod ka tuloy. Hahaha!"

Natisod ako ng kumot kaya nadapa ako. Hays! Kay aga - aga naman Alexandra.

Dahil dun, nagbalik ang diwa ko. Doon lang nag sink in sa akin, na ma la - late na nga talaga kami!

LAGPAS ALAS SYETE NA!

KAYA NAG ALA - FLASH NA AKO PAPUNTANG BANYO.

( back story muna, habang naliligo pa ako )

So, yung nang gising sa akin ay pinsan ko, si Mia.  Magkapatid ang Mama namin.

Simula nung mamatay si Mama dahil sa panganganak sa'kin, kinupkop na ako nina Tita.

Si Papa? Hindi ko alam kung anong kwento sa kanya. Ang alam ko lang "Baste" ang pangalan niya, dahil nung bata ako naulinigan ko na pinag-uusapan yun nina Tita. Maliban dun wala na.

Walang malinaw sa akin, bukod sa lumaki akong walang ama. Iniwan kami ni Papa.

( end of back story )

Sobrang bilis ko lang naligo at nagbihis! Patay kami neto, si Sir Michael pa naman teacher namin ngayon!

"Baunin niyo nalang agahan niyo. Kumain kayo agad pag nag break time na' ha." paalala sa amin ni Tita.

First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon