Chapter Twenty-Four

9 0 0
                                    


Chapter 24: ∆Just Fight or Forfeit...∆





*Iyah

Pagpasok ko kinabukasan ay maraming nakatingin sakin. Pero wala naman akong pakealam.

Siguro ay kumalat na talaga ang balita tungkol sa party. At mas napatunayan narin ang relasyon namin ni Kryp dahil kahit di man pormal na inanunsyo ni Lolo ay bukang bibig nya naman nung party. Tsk.


"Mukhang wala ng lalaban pa sayo dito sa Breakpoint, Allisiah. Wala na ang excitement na hinahanap mo. Siguro naman babalik kana sa Augustine", saad ni Kryp.

Bakit parang punagtutulakan nya ko paalis? Nakakaramdam na ba sya?

"Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko sayo dati? Gusto ko malaman ang sikreto ng lugar na to", saad ko sa kanya. " Bakit? Bakit mo pa kailangang gawin yun?", tanong nya.

"Don't kill the vibe, Kryp. Nagsisimula palang ang laro, makukuha mo na agad ang premyo? That's little bit, boring", makahulugan ko syang tinignan. "At diba napag-usapan na nating walang mangengealam sa isa't isa", seryosong saad ko pa sa kanya.

" Yeah", at napaiwas sya ng tingin.

Nakita kong nakatingin si Flint samin. Mula sa malayo.

Agad kong hinila palapit sakin ang mukha ni Kryp at hinalikan. Mukhang nagulat si Kryp sa ginawa ko. Pero gumanti din sya ng halik.

Tinignan ko si Flint at lumakad sya paalis. Nang makasigurado akong wala na si Flint ay humiwalay na ako kay Kryp.

"Papasok na ako", paalam ko. " Ihahatid na kita", saad nya. "Sige", at naglakad na kami.

Hindi na ko umangal dahil   paniguradong  may nag-iispiya sya sakin na galamay ni Lolo.






*Cloud

Nakatingin ako kay Ally mula sa malayo habang kasama nya si Kryp.

Ayoko man magalit kay Kryp pero di ka maiwasan. Siguro nga ay seryoso talaga sila ni Kryp. Pero di ibig sabihin nun susuko ako.

Gagawin ko ang lahat para mapabago pa ang desisyon nya. Alam kong may nararamdaman sya sakin. Alam ko, nararamdaman ko yun. At nung hinalikan ko sya.





" Cloud buti dumating kana", saad ni Janus. "May problema ba?", tanong ko sa kanila. Dahil mukhang seryoso sila ngayon.

" Marami akong nasasagap na balita tungkol sa kabilang grupo. Mas aktibo na daw ulit ito. Siguro ay dahil sa pagbabalik nya", seryosong saad ni Janus.

Naupo ako sa upuan ko. At sumandal.

Dumagdag pa. Bwisit?!

"Just keep an eye on them. As long as their doing nothing wrong let them be. We need to be more focus this time. Lalo't di pa natin kilala yung dalawang hacker na muntik makapasok sa system", saad ko sa kanila.

"Okay", saad nila. At kinuha ko ang alak sa gilid at tumagay.

" Cloud are you okay?", tanong ni Sniv. "Yeah. Just do what I said", saad ko .

Napatingala ako.

" May problema ba Cloud?", tanong ni Sniv. "Tell me Sniv, if a girl loves you but keep pushing you away. What does it mean?", tanong ko.

" Ha?", takang saad nya. "Just answer it", at tinignan ko sya.

"Hmm It depends on the situation, bro. Maybe about family issues, or ikaw ang may Mali or sya mismo ang may problema", saad nya sakin at napatango ako.

Yeah his right, engaged na sya and but it's arranged.

"Eh what if nagpapakipot lang? What should I do?", tanong ko sa kanya.

" If someone really loves you, syempre may jealousy issue dyan. Magandang factor din yun para mapilitan syang umamin which is good side. Pero pwede ring bumitaw sya ng tuluyan", saad nya sakin. At tumango ulit ako.

"Teka sino ba yang tinutukoy mo?", tanong nya. " Nothing", sagot ko at tinignan ko lang sya.

Maya-maya pumasok si Kryp.

"Where have you been?", tanong ko sa kanya. " For sure sa hot nyang fiancé ", natatawang saad ni Janus at binatukan sya ni Sniv.

" Aray!", reklamo nya. "Just do your job", asik ni Sniv. At napailing ako.

"Hinatid ko lang sa room nya", saad nya at tumango ako.

" By the way, Cloud someone trying to access about Sebastian Clayton", at napalingon ako.

Sebastian Clayton.

"Who?", tanong ko. "Adrian Mowells", saad nya. At napakunot ang noo ko.

" Adrian Mowells? Seryoso kaba?", takang tanong ko. At tumango sya.

Paano nangyari yun?! Fuck.

"I need to go somewhere. Kayo muna bahala dito", at agad akong tumayo at umalis.


✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴

Bad ChicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon