Chapter 9: ∆Welcome To El Casa De Valentina∆
*Iyah
Hindi ko alam kung tama ba itong ginawa ko. At kahit nalilito ako, basta ang alam ko lang masaya ako at ito ang gusto kong gawin. At ngayon ko lang ulit naramdaman to, ngayon nalang ulit.
"You can sleep for a while, mahaba pa ang byahe natin", saad nya. Di na ako sumagot at pumikit nalang ako dahil naramdaman ko na ang pagod at antok. " I love you, My Ally", yan ang huli kong narinig bago tuluyan akong hinila ng antok.
Paggising ko, nasa loob ako ng isang kwarto. Malaki din itong kwarto. At napansin kong iba na ang suot ko. Napainat muna ako bago bumangon.
Nasan na nga ba ang nerd na yun? At nasan na ba kami?
Paglabas ko ng kwarto, nagulat ako. Malaki ang buong bahay. Tapos yung glass wall,kitang kita yung white sand ng beach. Tapos dalawa lang ang kwarto dito sa second floor. May veranda din, na nakaharap naman sa kabilang side na may bundok at kita padin ang dagat. Tapos ang kulay ng buong bahay ay white, black and sky blue . Panglalaki talaga. More on antique wood din ang mga gamit na furnitures, pero di maalis ang pagkahigh-tech ng bahay.
"Flint!", tawag ko habang pababa ng hagdan. " Nandito ako sa kusina", rinig kong saad nya. Kaya dumiretso ako doon.
Natigilan ako ng makita ko syang nagluluto. At naka-top less sya. Kitang - kita ko yung malapad nyang likod. Halatang halata ang muscles nya. Nerd ba talaga to?
H-he is HOT! Shit?! Ano ba tong pinagsasabi ko?!
"Likod palang yan, naakit na kita. Umupo kana patapos na to", saad nya kaya natauhan. " Sinong naakit? At sayo?! Pwede ba!", at padabog akong umupo. Bwisit na'to!! "Kain kana", at nilagay nya sa harap ko yung hotdog, egg, bacon tsaka loaf bread. Napatingin naman ako sa kanya.
Di ko inaasahan ang nakita ko. Shit?! Bakit may 8 pack abs ang nerd nato?! Bakit plakadong-plakado ang muscles nya?! Parang nanuyo bigla ang lalamunan ko.
" Stop drooling baby", tsaka ako natauhan at nakita ko syang nakangisi.
Bwisit sya!
"Letche ka! Magbihis ka nga! Bwisit to!", at binato ko sya ng tinapay. Buti nga at di kutsilyo binato ko. At tumawa naman ang loko. At umakyat papunta sa kwarto nya.
Bwisit sya?! Bakit parang biglang uminit?! Parang ang init din ng mukha ko. Lintik talaga oh!
" Nasan ba tayo?", tanong ko kay Flint. Kumakain na kami. At may T-shirt nadin sya. "This is my secret haven, I called it El Casa de Valentina", saad nya at natigilan ako sa narinig ko. " Walang nakakaalam nito. At ikaw palang ang nadala ko dito", saad nya. Di ko alam parang biglang lumaki ang puso kop sa saya dahil sa sinabi niya.
"Mamaya iikot tayo sa buong island", saad nya pa. " Island? ", taka kong saad. " Yup. Ang lalim kasi ng tulog mo kaya di mo naramdaman eh. Sumakay tayo ng yacht at naiwan lahat ng gamit natin na gadget sa kotse", paliwanag nya pa. "Ibig sabihin, ikaw ang nag-nagbihis sakin?!", pakiramdam ko namula ang buong mukha ko. Kaso bigla syang tumawa.
" Ang cute mo mag-blush. But no, may katulong ako dito, pero nasa kabilang parte ng isla sila. Once a week lang sila pumunta dito para maglinis", paliwanag nya. Kaya nakahinga ako ng maluwag.
Buti nalang, manyak pa naman ang Nerd na'to.
"Wala akong damit", saad ko. " May damit kana dyan. Wag kana mag-alala kompleto yun lahat", saad nya. "Handang-handa ka ah. Parang siguradong-sigurado kang pupunta ako dun", at ngumisi ako. " Sa totoo lang, naisip ko na nga ang bagay na yun. Pero dumating ka naman eh. Wag nalang natin isipin yung mga bagay na hindi naman nangyari", nakangiting saad nya.
"Gusto ko habang nandito tayo, gusto ko wag muna nating isipin yung mga problema natin. Gusto ko maging masaya tayo. At di matatapos ang isang linggo na mamahalin mo rin ako, Iyah. Pero wag mo muna yun isipin. Kunwari ibang tao tayo na walang iniisip na iba", saad nya at hinawakan nya ang kamay ko.
"Tsaka ka na magdesisyon kung gusto mo sumama sakin o kay Kryp. Pero ngayon, let me, let me love you", at hinila nya ko palapit sa kanya at hinalikan. I kissed him too.
✴✴✴✴✴✴✴✴
BINABASA MO ANG
Bad Chic
Teen FictionAng buhay ng tao parang Roller Coaster ride. Matatakot ka, biglang sasaya, tapos matatakot ka ulit. Di mo masasabi ang pwedeng mangyari sa daan. Pero lahat ng pwede mong harapin. Simpleng buhay lang, pero bakit napaka komplikado ng lahat? Dahil sa n...