1: Paano?

222 18 10
                                    

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, business, places events and incidents are either the products of my imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead or actual event is purely coincidental.

»»»»«««««

Isa...Dalawa... Tatlong segundo

Oras na binuksan ko ang aking puso

Apat Lima Anim At Pito

Puso ko'y sinaktan mo.

»»»»««««

Pinilit na magsimula muli ng bukas

Mga panahong nagmamahalan ng wagas.

Naalala mo pa ba ang mga panahong natapon?

Panahong tinapon bumalik sa kahapon.

Pag-ibig na di alam ang patutunguhan

Dito nagsimula ang ating nakaraan

Pag-ibig na di kayang protektahan

Nasirang pangako, tumatak sa isipan

Inisip muli kung bakit nang-iwan.

Inisip kung bakit tila nawalan...

Nawalan ng pagmamahal na ngayon ay lalong nawala

Tangang nagpabulag sa salitang Mahal Kita..

II

Mahal Kita na hindi kayang panindigan

Mahal kita na hindi kayang ipaglaban

Mahal Kita na walang kabuluhan

Mahal kita na dating pinaniwalaan.

III

Pag-ibig na nagsimula sa segundo

Pag-ibig na nagsimula sa ikaw at ako

Pag-ibig na mali pero pinagpatuloy ko

Pinagpatuloy ko kasi alam ko mahal mo ko.

Pag-ibig na sobrang labo

Malabo na kung tawagin ay tayo

Malabo dahil naniwala ako

Malabo kasi nagpakatanga ako sayo.

1: Mahal Kita

Inubos ko na ang inumin ko bago ako umalis sa isang cafeteria. Kakatapos lang rin ng meeting  namin ng client ko at saktong natapos rin ng maaga. Lalabas na sana ako nang may nakita akong babae na sinundo ng  isang lalaki na siguro'y  boyfriend niya sa di kalayuan. Napangiti na lamang ako ng mapait. Ganun din kasi kami dati.

"Amie!!!" napatingin ako sa boses ng babaeng tumawag sakin. Isang chinitang may mahabang buhok ang nakita ko at mukhang rich girl kung manamit.

Silent#2 ASLFJ2 : Silent Tears ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon