13: Date?

42 6 0
                                    

Amie's POV

Hindi parin ako maka move on after kong makita si Jeremy na nasa harap ko. Dahil lang to sa stress! Jeez, galing lang to sa stress--

"I said How are you? Why you're not replying back?" pag-uulit niya.

"Patay na ba ako?" nag-aalalang tanong ko at umupo sa pagkakahiga.

"Why do you say so?"

"Fudge, sabi ko na nga ba eh, patay na ako nakakausap ko na ang multo oh." hinawak hawakan ko siya at even tinulak ko ang noo niya para malaman kung multo ba siya o anong nilalang. Omg, Don't tell me I'm dreaming.

"Can you please stop?" walang ganang sabi niya sakin.

"Isa ako sa nurse dito, kaya better kung malaman ko kung okay ka na o hindi." simple niyang sagot sakin.

"Hindi... ako....okay!" hinawakan ko ang mukha ko at parang feeling ko gusto kong sumigaw anumang oras.

Bigla na lang akong nagulat nang hiwakan niya ang noo ko at leeg para icheck ang aking temperature.

"Wala ka nang lagnat. At mukhang okay ka na naman na. Btw, you need some rest." after niyang sabihin yun paalis na sana siya sa kwarto ko pero bigla ko siyang hinabol.

"Jeremy, Tekaa!!" Shet---lumingon siya. Sabi ko na nga ba eh.

"Are you really Jeremy Buenavista?" I added.

~*~


Nakaupo ako sa kama ko habang siya naman ay nakaupo sa isang upuan sa harap. Nakasandal siya at nakacross arms habang ako naman ay naguguluhan na sa nangyayari.

"What are you going to say? Time is running." he said while looking on his watch.

"Jeremy?"

"Jene--" pagtama niya sa sinabi ko.

"Ahh, I mean Jene-- Diba nurse ka, sure ka bang hindi talaga ako patay?"

"Angkulit. Sabi ngang oo. Hindi ako multo, okay?" kinuha ko ang phone ko sa gilid ng mesa at binuksan ang front camera. Buti nadala ni Jian ang gamit ko.

"Aayain mo talaga ako magpicture?" binawi niya ang phone ko sakin at pinower off yun. Hindi ko rin naman maagaw dahil di ako makagalaw at sobrang sakit rin ng katawan ko.

"Why?? Natatakot ka ba na baka multo ka talaga?" sartiskong sabi ko.

"Why would I?"

"Because you are!" iritang pagpilit ko.

"Ayaw mo talaga maniwala na buhay ako?" iritadong sabi niya.

"Fine, di ako naniniwala." may diing sabi ko.

" Asan ka? Di kita makitaaa?? Where's Jeremyyy Buenavisstaaaaaa----"

Bigla akong natigilan sa pagsasalita nang bigla niya akong niyakap nang mahigpit. Hindi ko alam kung nagugulat ba ko o hindi dahil sa mga nangyayari. Una si Jian, next si Jeremy. Ang gulo, parang gusto kong maging earthworm.

"Sa tingin mo, Kaya bang yakapin nang multo ng tao?" he stated. 

"No." kasabay nang pagkasabi ko nun. Unti-unting tumulo ang luha ko at hindi ko man lang ito magawang punasan.

Silent#2 ASLFJ2 : Silent Tears ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon