Amie's POV
"Siraulo ka talaga Jian!" binatukan ko siya nang papauwi na kaming anim ng bahay.
"Tawang tawa ko tee!" pang-aasar ni Lay sa kanya.
"Ano baaa! Sinave na nga kita eh." iritang sabi niya sakin at nauna na sa paglalakad.
"See, kahit magmukhang tanga siya sa harap ng iba basta para sayo gagawin niya." singit ni Akeesha.
Nakaka-konsensya naman. "Sorry naaa huyyy!" kalmadong sigaw ko.
"Sorry na boss!" pag-uulit ko pero hindi niya na ako pinapansin.
"Guys, sakay na kayo sa kotse hatid ko na kayo."
"No bro we're okay. May kotse rin ako eh. Sorry?" sabi ni Zack at napatango naman si Akeesha.
"Kami rin ni Gab? Right?" siniko naman ni Lay si Gab kaya napaoo nalang ito.
Sinasadya nila to eh, porket break na silang dalawa ng dati nilang jowa. Naalala ko pa si Excel at Francis na sobrang sweet sa kanila. Time flies so fast.
"Tayo nalang dalawa, sakay na." walang ganang sabi ni Jian sakin.
"Hindi magco-commute na lang ako." nauna na akong maglakad pero di niya parin ako tinatawag. Argh, ang arte ko ampucha.
"Hoy Lane, sorryy naaa." sigaw ko sa malayuan. Hindi niya parin ako pinansin at pinaandar na ang kotse niya. Ang laki naman ng galit nun.
Naglakad na akong mag-isa hanggang sa makarating na ako sa terminal ng mga taxi. Nagulat nalang ako nang may bumusinang kotse sa likod ko saka binaba ang bintana nito.
"Di ka talaga sasakay?" walang ganang tanong niya sakin.
"Sakay ka na miss, mahaba pila dito." sabi ng isang babaeng nakapila.
"Saka tekaa, Sir LANE??!" rinig kong sigaw ng isang lalaki sa likod ko. Dali-dali namang tinaas ni Jian ang bintana ng kotse at pumasok na rin ako sa back seat.
"Arte mo rin no?"
"Parang ikaw." pabalang na sagot ko.
"Pasalamat ka---."
"Thank youuuuu." hinabaan ko talaga ang you sa dulo para mafeel niya.
"Look, Ayy ewann." nagpatuloy nalang siya sa pagdadrive habang ako naman ay nakatulog na sa kotse. Sana sa apartment ako ihatid, hindi sa bahay niya.
"Gumising ka na nandito na tayooo!" nagising ako dahil sa malakas na tapik ni Lane sa ulo ko. Hindi niya ba alam yung gentle care?
"Oo na gigising na nga ehh!" lumabas ako sa kotse at pumasok ng bahay. Buti dito niya ako hinatid.
"Wala pa pala sila Akeesha at Lay.Alam mo ba kung nasan sila Mr. Fanboy?" sartiskong tanong ko.
"Hindi po Ms. Ex." sartiskong sagot niya rin sakin. Lakas talaga mang-asar bwiset.
"Sige uwi ka na bawasan mo pa sinasahod ko." pabalang kong sabi.
BINABASA MO ANG
Silent#2 ASLFJ2 : Silent Tears ✓
PoesíaMahirap magmahal lalo na pag alam mong masasaktan ka lang. Mahirap magtago kapag sobrang sakit na ng nararamdaman. Mahirap magkunwari lalo na't alam mo ang totoo. Mahirap ipilit kung alam mong hindi para sayo. Continuation of: Amie & Chani's Story I...