32: Why?

39 6 1
                                    

"What are you doing here? Diba nasa Pilipinas ka?" walang ganang sabi ko at pinunasan ang luha gamit ang handkerchief na binigay niya.

"Sinamahan ko lang si Hye Min may shoot kasi dito eh. Kasama ata si Sean?"

May project sila?

"Bakit ka pala umiiyak hah? Saka nakita ko si Jian sa loob? Kasal na ata. Binasted ka?" bigla akong natawa sa mukha niyang hindi ko mapinta.

"Break na kami ni Chani."

"Na naman? Lagi nalang ah." bigla siyang tumayo sa staircase at binuksan ang palad niya sa harap ko.

"Ano na naman?"

"Daming bar dito, Inom tayo gusto mo?"

"Lasinggero kang bwiset ka."

"Kaysa naman para kang ewan na nageemote." hinawakan ko ang palad niya para makatayo at sabay kaming naglakad papunta sa terminal ng taxi.

"Para ka namang ewan sa suot mo, Wala ka bang mas simple dyan? Ano pupunta ka ng bar na nakagown?"

"So what, Buenavista ikaw nga Nurse pero di alam kung pano magpatahan ng pasyente."

"Eh hindi naman ako baby sitter eh. Nurse nga diba, Nurseee!"

"So what, Pantalon!"

"H-ha? Anong pantalon?"

"JENE-s. Hahahahaha." bigla siyang napapoker face sa joke ko at sumakay na agad ng cab.

"Tumawa ka hah, pinaghirapan ko yun!"

"Tara picture nalang tayo wala pa tayong pic eh. Yung matino." binuksan niya ang phone niya at inopen ang camera. So eto, tamang pose lang after umiyak.

"Ampanget mo talaga, kaya iniwan ka ni Sean eh."

"I'm the one who made our relationship ends." I sigh.

~*~

Bar

Jene's POV

"Alam mo, Sana ikaw nalang jinowa ni Sean eh!" she said while holding a glass of beer.

"You're really drunk and I hate it." I smirked.

"Ikaw nagpapunta sakin dito, Tapos gaganyan ganyan ka. Bakit hindi nalang kasi kayo ni Sean hah!" patuloy niya akong hinahampas habang patuloy parin sa pag-inom ng alak.

"Jeremyyyy! Ayoko naaaa, Bakit ba ako nakipagbreak eh mahal ko yun." tapos ngayon naman nag-eemote. Sira ata to eh.

"Ahhh."

"Anong ahhh, Uminom ka na nga lang din!" nilagyan niya ang baso ko pero agad ko yung  binalik.

"Sino maghahatid sayo pag nalasing tayong dalawa hah!"

"Wag mo nga kong ihatid sa hotel namin, Andun yung ex ko."

"Ha?"

"Sabi ko si Sean! Bingi ka ba." lumapit siya sakin at nagpunas ng bibig gamit ang tshirt ko. Parang ewan malasing amp.


"Uwi na nga tayo." inagaw ko ang baso sa kaniya pero ayaw niyang bitawan.

"Ang kulit mo eh no. Sabing ayoko nga!"

"Bahala ka nga. Tss."

"Anong Tss!"

Silent#2 ASLFJ2 : Silent Tears ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon