Amie's POV
"Amie, May bisita ka!" tawag sakin ni Lay sa kwarto. Nasa baba kasi silang lahat dahil hindi pa tapos ang baby shower event nila Akeesha.
"Sino daw?"
"Ewan ko, Baba ka dito!" lumabas ako ng kwarto at si Lay lang ang nakita ko.
"Nasa may garden, pinapatawag ka." pumunta ako sa garden at may nakita akong lalaking nakaupo sa may swing.
"Omayaa!! JEMMM! NAMISS KITAA!" agad ko siya nayakap pagkatayo na pagkatayo niya sa swing. "Namiss kita sobraaa! Kailan pa kayo bumalik?"
"Kanina lang. Saka nagkita na kayo nila Hye Min?"
"Uhm, Oo kanina lang. Ano punta ka sa loob? Para makita mo yung anak ni Lay ang gwapoo!" pupunta na sana ako sa loob pero hinila niya ang kamay ko.
"Actually I came here para sa inyo ni Sean? I know it's so hard na malaman mong fiancé niya ang pinsan ko pero sana malaman mo na mahal na mahal ka niya, Hindi man sa ngayon pero hindi mo lang alam kung anong nangyari nung nawala ka."
"Fine, Jem. Forget about the past okay! Come with me, Nandon si Zeke!" hinila ko siya sa loob at pumunta kami kila Lay.
"Uhmm, Ezekiel! Meet Tito Jeremy!" mahinahong sabi ko at napayakap naman sa kanya si Zeke. Bakit sakin parang ayaw niya, nako hah! Tong 2 years old na to!
"Jene, He likes you!" nakangiting sabi ni Lay. "Zeke go play with Tito Jem hah, I'm going to help Tita Keesha!"
"Opo!" sagot naman ni Zeke. Pumunta sila ni Jene sa garden dahil maraming tao sa loob. Ayaw niya kasi sa mga tao diba? Allergic siya.
Sumunod ako sa kanila dahil na sakin rin ang milk bottles ni Zeke. "Jem, bakit hindi ka pa mag-asawa? Antanda mo na hah, Biruin mo 30 ka na!"
"Bakit ikaw? 1 year lang tanda ko sayo ah!" sabi niya habang buhat buhat si Zeke at nilalaro-laro.
"Psch, May reason ako no!" nagulat si Jene nang biglang umiyak si Zeke na di niya rin alam kung bakit. "May masakit ba sayo?" nag-aalalang tanong niya
"Akin na, Nagugutom na yan." binigay niya sakin si Zeke at bingay ko naman sa kanya yung mga bote ng gatas.
"Shhhh, Tita Amie's here. Jene akin na yung isa!" utos ko at binigay niya sakin yung bote.
"Chani's really lucky kung ikaw ang mapapangasawa niya, Look. Walang alam si Hye Min sa mga ganyan." napangiti ako ng mapait sa sinabi ni Jene.
"Wait, Jene. Puno na yung diaper niya papuntahan nga si Lay sabihin mo kung meron." agad-agad naman pumunta si Jene sa loob para humingi ng diaper.
"Oh Ano?"
"Wala daw eh, Andyan na si Zack!" hingal na hingal na sabi niya.
"Zack, puno na ang diaper niya, Meron ba sa taas?"
"Nako, Amie naubusan kami. Hindi rin ako makalabas dahil nagpapatulong si Gab mag-ayos sa loob, Si Lay naman nasa taas inaasikaso si Akeesha at yung mha bisita." napakamot ng ulo si Zack at kinuha sakin si Zeke.
"Jene, ikaw muna magbantay kay Zeke, Bibili lang ako sa Supermarket."
"Thank you Amie hah!"
"Zack, ano ba! Okay lang. Sige, Jene. Bantayan mo na muna siya."
Dali-dali kong kinuha ang susi ng kotse at nagdrive papuntang supermarket. Pero habang papunta ako don, Nakita ko si Hye Min papalabas ng isang restaurant na nakashades. Nakahawak ang kamay niya sa braso ng isang lalaki at alam kong hindi yun si Sean. Is she cheating to my ex?
BINABASA MO ANG
Silent#2 ASLFJ2 : Silent Tears ✓
PoetryMahirap magmahal lalo na pag alam mong masasaktan ka lang. Mahirap magtago kapag sobrang sakit na ng nararamdaman. Mahirap magkunwari lalo na't alam mo ang totoo. Mahirap ipilit kung alam mong hindi para sayo. Continuation of: Amie & Chani's Story I...