CHAPTER 24

122 0 0
                                    


"My Product Endorser"
Chapter 24
Alyss's Pov
Nagmano ako kay tatay at si Kiefer rin akala ko nga nong una na tatanggihan ang pagmano sa kanya pero buti nalang at iba ang nangyari sa iniisip ko..
Tatay: Neng pasok ka muna sa kwarto mo at pupuntahan ka na lang namin kung maghahapunan na...
Ako: Opo tay..
Nilingon ko si Kief at halatang kabado sya pero nagthumbs up lang sya sa akin na ibig sabihin ay ok lang sya...pagpasok ko sa kwarto ay di talaga ako mapakali gusto kong tingnan ano na ang nangyayari sa baba baka..wag naman po sana.. Ho! Pwede ba Alyssa relax ka lang ok..mabuti pa mahiga ka muna na dyan at hintayin nalang kung maghahapunan na kayo...

Kiefer's Pov
Lord..tulungan mo po ako...pagpasok ni Ly sa kwarto nya ay pinaupo ako ni Tatay Ruel...at yong feeling na bawat salita na lumalabas sa bibig nya ay kasabay nito ang lakas ng tibok ng puso ko..
tatay: Anong ginagawa mo rito ha...? alam mo ba kung gaano nasaktan ang anak ko sa ginawa mo ha!
Ako: Tay sana po pakinggan mo ang explinasyon ko...
tay: Ha..talaga...kung si Ly at si Lita ay mabibilog mo pwes wag ako...anong proweba mo na nagpapatunay na bumalik ka sa inyo..at nag aral ka nga? Ha ano?
Kita ko na galit siya pero na relieve ako dahil sa may pruweba ako..kinuha ko ang cellphone ko at pinakita kay tatay ang mga pictures namin nong graduation, ang diploma ko, ang school ko at marami pang iba...sana ma convince ko si tatay.
Tatay: May pruweba ka nga..pero pano ako makakasiguro na di mo na sya sasaktan? Alam mo ang sakit para sa isang ama na makita ang mga anak nya na nasasaktan..Nong nawala ka..palaging umiiyak si Ly..pero di nya pinapakita sa amin pero alam ko na sa tago umiiyak siya..
Ako: Alam ko po yon Tay...kaya nga po Tay nandito ako para itama ang lahat ng yon...kaya ko rin po nagawa yon dahil sa gusto ko pong bigyan ng magandang buhay sya kung kami ang magkakatuluyan...
Tay: Nong nakita ko kayo sa labas...nakita ko uli ang dating Alyssa...na masaya at nakita ko rin sa mata nya kung gaano ka nya kamahal at gaano sya kasaya na dumating ka na...Pero sana Kief.. wag mo na syang sasaktan dahil kung hindi...di ka na makakatapak sa lugar namin...maliwag?
ako: Opo...hindi na po yon mangyayari...
Salamat Lord....
Tay: Bueno..dito ka na maghapunan at puntahan mo si Ly sa kwarto nya at sabihin mo na kakain na tayo..
Ako: Po?...
Tay: May tiwala ako sayo..kaya segi na...
Ang sarap sa feeling na marinig yon kay Tay Ruel na may tiwala sya sa akin...
Ako: Opo Tay...
Tumayo na ako at pupuntahan ko na si Ly..
Pagdating ko don ay nag knock ako pero walang sumasagot...tinawag ko pangalan nya pero wala paring sumasagot...medyo lumakas ang tibok ng puso..paano kung...hindi..di nya yon magagawa...
Binuksan ko ang pinto...
Ako: Babe...
kaya pala di siya sumasagot ay mahimbing syang natutulog...Umupo ako sa tabi ng kama nya...Kinuha ko ang buhok na nakatakip sa mukha nya...Ang ganda nya talaga..para syang anghel natutulog...
Ako: Babe...sorry ha..kung iniwan kita noon...sorry talaga babe...pero pangako di na yon mangyayari....ngayong nandito na ako...gagawin ang lahat para maging masaya ka lagi...

Tinititigan kO lang sya...ng ilang minuto dahil na miss ko talaga sya...sobra...

Alyssa's Pov
Kief: Babe...gising na....babe..
*yawn*
Ako: Ha?...
kinukusoT kusot ko ang mata ko...
Ako: Babe?
Kief: Oh gulat ka ata?
Ako: Hindi naman nabigla lang..anong sabi ni Tatay?
Kief: Sa amin na yon..tara na kakain na daw...
Tumayo na ako at lumabas na kami ng kwarto...Hinawakan ni Kief ang kamay ko at hinalikan ito..
Kief: Love you babe..
Ako: Love you too....
Pagdating namin sa kusina ay nandon na sila lahat..
Bunso: Yehey..nandito ulit si kuya Kiefer....kompleto na ulit na tayo....
Nikko: Oi lovebirds maupo na kayo...
napa smile lang kami sa kanila...Hinila ni kief ang upuan at nagkwentuhan lang kami..
Nikko: So Bro..sino nga pala parents mo?
Kief: Ah sina Bong and Mozzy..
Sila: Ha?
Muntikan pa nilang maluwa ang kinakain nila...
Kief: Yes po...
Nikko: As in Bong and Mozzy Ravena?
Ngumiti lang si Kiefer sabay sabing..
Kief: Oo sila nga...
Nikko : Sus Ginoo! So ibig sabihin...kayo ang may -ari ng R malls and resorts?
Ngumiti lang si Kief bilang tugon..
Nanay: O sya tama na ang tanong Nikko baka ma pressure pa tong si Kiefer..sige na kief kumain ka na..
Nikko: Big time ka pala...akala ko..
Nanay: Nikko...
Nikko: Sorry po...
Pagkatapos naming kumain ay kinukulit parin nila si Kief lalo na si Kuya nikko...
nasa labas kami ng bahay at nakaupo sa ibabaw ng kotse ni Kief habang tinitingnan ang makikinang na bituin..
Ako: Babe..pagpasensyahan mo na sila..ha kung kinukulit ka nila...
Kief: Sus ok lang yon..msaya nga ako eh dahil tanggap na ulit nila ako..salamat babe ha...
Ako: Para san naman?
Kief: Para sa lahat -lahat.....
Nag smile lang ako...
Kief: Alam mo ba babe...may isa pa akong pangako na akala mo di ko tinupad..
Ako: Ano naman yon?
Kief: Nong graduation mo..
Ako: Ah di ka naman pumunta..(sabay simangot)
Kief: Kala mo lang yon...pero nandon ako..nung tinawag nga pangalan mo bilang comlaude eh ako ang unang pumalakpak..
Ako: Wee..
Kief: Oo nga..di lang ako nagpakita non...At alam mo babe..pinapasundan kita habang wala ako sa tabi mo..
Ako: Ha?
Kief: Oo nag hire ako ng secret body guard na maniniguro na ligtas ka palagi..binabalita nga nya sa akin anong ginawa mo..sabi pa niya umiiyak ka daw lagi..pumupunta ka sa mall..sa dalampasigan at kung minsan sumisigaw ka pa daw at hinahanap ako...sorry babe ha kung naranasan mo ang lahat ng sakit na yon..
Kaya pala minsan may nakita akong sumusunod sa akin noon..akala ko hold aper..di pala...
Ako: Wala na yon matagal na yon babe...
Kief: Salamat talaga babe
Wait....may naalala ako bigla
Ako: Ay babe..naalala ko dati one time nong nagmall kami sa mall nyo eh...nakita kita..
Kief: Talaga?
Ako: Oo..tapos may batang umiiyak dahil gusto nyang sumakay sa carousel ang kaso walang pera yong Nanay nya kaya iyak sya ng iyak tapos lumapit ka at pinasakay yong bata....kaya ayon..
Kief: Wait.pano .mo naman nalaman na ako yon?
Ako: Tinanong ko kina nanay tapos sabi nya anak ka raw ng may ari..Kiefer daw name mo...Kaya ayon inistalk kita at naging crush kita NOON...mga grade six ata ako non..
Kief: Ikaw babe ha..isa ka pala sa mga stalker ko...
Ako: Wow ha...NOON po yon...bata pa po ako..
Kief: Asus...ayaw pa aminin...crush mo na pala ako non dati pa...pasungit sungit ka pa sa akin eh crush mo pala ako..Oi..ayie....crush nya ko...ayie...(with matching sundot pa)
Ako: Hoy..ano ba..noon yon grade six ako at saka di ko na kaya na tandaan ang mukha mo syempre lumaki ka na...
Kief: Bakit ngayon ano na? (With matching pa cute smile)
Ako: Wala...
Kief: Di mo na ako crush kasi mahal mo na ako...
Ako: Naks..yabang....whoah ang hangin....whoah...
Kief: Hahahahaha...aminin mo na babe...alam mo sa lahat ng nagka crush sa akin ay Ikaw lang ang nagpatibok at nagmamay ari ng puso ko...
Ako: (binatukan ko sya) Bolero...
Kief: Aray babe ha...sakit kaya non...Pero ok lang mahal naman kita eh.....oi nag bablush sya....ayie....kinikilig sya...ayie...
Ako: Segi...batok gusto mo?
Kief: Segi basta sabihin mo na kinikilig ka...
Ako: Oo na....
Kief: Love you babe...(sabay yakap sa akin)...miss na miss na kita...sobra....
Ako: Love you too..O sya segi na gabi na..baka hinahanap kana sa inyo....segi na..
Kief: Segi babe..pasok ka na...
Ako: Ikaw rin...
Pumasok na ako at sinarado ang gate...pero wala paring sasakyan na umalis..binuksan ko ang pinto at..
*tsup*
Di ko akalain na nasa labas pala sya kaya ayon...
Kief: Love you babe..goodnight....
Ako: He! Yang galawan mo talaga ha...segi na.

Sumakay na sya sa kotse nya at ...
Kief: I love you babe...(kaway)
Hay...sobrang saya ko talaga tila ba walang paglagyan ang aking kasiyahan...mahal na mahal ko talaga sya...akala ko di na mangyayari pa ito pero heto na oh...nangyayari na....
***************************

My Product EndorserWhere stories live. Discover now