"My Product Endorser"
Chapter 29
Alyssa's Pov
My God.. kinakabahan nako para bukas...hooo.. bukas na ang kasal namin ni Kief...sana pagpalain kami ng Poong Maykapal...Nandito ako sa labas ng bahay namin at nakatingin sa malawak na kalangitan....
Tatay: Pwede bang tumabi Neng?
Ako: Segi po...
Umupo si Papa sa tabi ko ...
Ako: Tay...pano nyo napanatili ang magandang relasyon nyo ni Nanay?
Tay: Neng....walang perpektong pagsasama...sabi nga nila.."Success is not Success without failures"...hindi magsasuccess ang pagsasama nyo kung wala kayong tiwala, respeto, pagpapatawad at commitment sa isa't-isa. "Love is a feeling but what makes the relationship last is commitment". Neng..alam kong ilang ulit mo na tong narinig mula sa amin o kahit sa ibang tao na ang pagpapakasal ay hindi parang mainit na kanin na kapag iyong isusubo at nainitn ka ay pwede mo itong iluwa....tandaan mo Ly..sya na ang makakasama mo habang buhay...at nais ko lang sabihin sayo na kahit anong mangyari nandito lang kami para sayo-sa inyo.. and dapat you put God at the center in your relationship....Grabe na speechless ako..iba talaga pag Tatay na yong nag advice sayo...sagad hanggang buto talaga..
Ako: Salamat tay.....
Niyakap ko si Tatay ng mahigpit na mahigpit.....
Tatay: Segi na Neng malalim na ang gabi...matulog kana dahil bukas ang isa sa pinakaimportanteng araw mo sa inyo ni Kief...
Ako: Segi Tay..good night po....I love you tay...
Tay: I love You too Neng...
Nagdasal mo na ako ng guidance Kay Lord at natulog na ng mahimbing na mahimbing....Kiefer's Pov
---tiktilaok..tiktilaok.....
Napabangon ako bigla....
Ako: Late nako!!! Patay!!
Napalingon ako sa orasan at...
Ako: 3:30 am pa? eh 8:30 am pa ang kasal namin eh...wow kief ha excited masyado?
Napatawa nalang ako sa sarili ko..nahiga nalang ako muli at pilit na pinikit ang aking mata pero hindi na ako makatulog...gusto ko ng pabilisin ang oras.. Para na akong tanga dito na ngingiti ngiti..ewan kinikilig ako na excited na masaya na hyper talaga...No words can explain my Feelings right now...Iniisip ko palang na lalakad sya sa aisle para na akong hihimatayin sa tuwa....Hooh! Kief matulog ka na ha para mamaya ikaw ang pinakagwapong groom....ng pinakamagandang babae... sinet ko ang alarm clock ko ng 5:30 am at pinilit na makatulog muli.....
------------------------------
7:30 am na at patapos na ako....tinitingnan ko ang sa sarili ko sa salamin....
Ako: Hooh! Ang gwapo mo Kief....Naks yabang natin brad......Kief..kaya mo yan...ito na ang Araw na pinakahinihintay mo.....
----knock--
Ako: Come in....
Pumasok si Papa...
Papa: Gwapo ng anak ko ha...
Ako: Syempre saan ba naman ako nagmana? Eh di kay Mama..
Papa: Segi na wag na natin ituloy ang kasal...
Ako: Hahahahahahaha Syempre sa inyo ni Mama.....
papa: Malaki ka na nga talaga...Kief proud na proud ako sayo..at sana alagaan mo ang magiging wife mo ha at ang magiging mga anak mo...
Ako: Opo pa...pangako.
Papa: Pasayahin mo sya lagi...dahil sya na ang magiging buhay mo...
Ako: I will Pa...mamahalin ko sya higit pa sa buhay ko....
Papa: Wag na wag mo syang sasaktan dahil ako ang unang susuntok sayo...pagnangyari yon..
Ako: Ang harsh mo naman pa....pero pangako po di ko po yon gagawin...
Papa: Kief..kapag magkakaproblema kayo dapat hindi kayo matutulog hanggat di nyo masosolve ito. At dapat or kung maari ikaw palagi ang unang humingi ng tawad para hindi na lumaki pa ang gulo..
Ako: Opo pa...salamat po Pa ha....salamat sa lahat...
Papa: Malaki ka na nga at mas mature na..proud ako sayo anak...
Napayakap ako kay Papa di ko alam pero ang saya ko....sobra...
Papa: Oh tama na maghanda kana dahil aalis na tayo at makikita mo na ang magiging asawa mo....
Kalahating Oras ang nakalipas ay nakarating na kami sa simbahan..at nandoon na sila lahat except Kay Ly...medyo kinakabahan na ako dahil baka....hindi di dapat ako mag-isip ng masama. Darating sya...darating sya....alam ko yan...naghintay kami at malapit ng mag 8:30 am...nandyan na si Father at lahat ng mga bisita....ng..
Organizer: Segi na...pwesto na...parating na ang Bride..
Pagkasabi nya non na pa sigaw talaga ako ng "Yes"
Lumakad na ako sa Aisle at pumupwesto na sa ibaba ng Altar...isa-isa ng lumakad ang mga ring at bible bearer, flower girls, abay, ninongs and ninangs, at ang pinaka hinihintay ko...ang bride ko...Binuksan nila ang pinto at nakita ko ang nakangiting mukha ni Ly....kasabay ng paghakbang nya ay ang pagtugtog ng "Beautiful in White ng Westlife"....habang naririnig ko ang kanta tila ba nag slow mo ang paligid at si Ly lang ang nakita ko...Di ko napigilan ang mga luha ko....ganito pala ang feeling ng ikasal. Di maexplain kung ano ang mararamdaman mo basta ang alam ko lang papalapit na sa akin ang magiging asawa at ina ng magiging mga anak ko....diko aakalain na sakabila ng aming pinagdaanan kami rin pala ang magkakatuluyan....Papalapit na papalapit na sya sa akin at para akong kumukutang sa tuwa...para akobg hinihili ng mga anghel sa kalangitan....Thank You Lord......Whoah...Finally magiging akin na ang babaeng pikamamahal ko.....***************************************
YOU ARE READING
My Product Endorser
FanfictionIsa itong istorya ng KIEFLY kung saan maiinlove si Alyssa sa isang Product Endorser na si Kiefer...Akala nya ay simpleng tao lang ito pero may tinatago pala itong sikreto...