Hayden's POV:
Have you ever been in a situation na kung saan para kang kakainin ng isang tao sa tingin nila? Because if no, don't ever wish for that.Nakatikom lang ang bibig ko habang nakayuko. Umaga na at napansin ko lang na wala ako sa dorm namin nina Sierra dahil nagising ako sa sofa. At nang makalipas ang ilang minuto, nadatnan ko nalang ang sarili ko na nakatungo habang ramdam ko ang nanlilisik na tingin ni Nowen sa harapan ko. Siya ang nakakakita sa'kin sa loob ng Monteferum na walang malay kahapon.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, ang laki ng kasalanan ko. Bakit ko pa kasi siya sinundan papasok sa gym?
"You just entered Monteferum, two times in a row."
Napapikit ako sa sinabi niya. Kasalanan ko rin naman kasi. Bakit ba ako pumasok doon?
"Have you ever seen any students that entered Monteferum? 'Di ba wala?"
Hindi ako sumagot.
Nabigla ako nang iangat niya ang mukha ko para makatingin ako sa kaniya. "I'm asking you Miss Salvia. Bakit ka pumasok doon?"
Because I'm curious?
Umiwas ako ng tingin. "Hindi ko sinasadya."
"Dalawang beses? Tapos hindi mo sinasadya? Don't fool me Salvia." Binitawan niya ang pagkakahawak sa panga ko, "Don't fool a Fontenelle. I've already told you to go home last night, mahirap bang maintindihan 'yon?"
Kinagat ko ang dila ko at yumuko. "Pwede na ba akong umalis? Baka hinahanap na ako ng mga ka-dormmate ko."
Agad kong nasambot ang bag ko nang ihagis niya 'yon sa'kin. "You're not allowed to leave, dito ka lang hanggang mamayang hapon."
Kumunot ang noo ko. "I have a class, Fontenelle. Let me leave."
Natikom ko agad ang bibig ko nang matauhan ako sa tinawag ko sakanya. Gulat akong napatingin sakanya. I just called him 'Fontenelle', I never heard a single student calling him like that... Except for me!
"Call me whatever you want, but you'll stay here until sunset." tumayo siya at inayos ang uniform niya.
Napairap ako. The sun doesn't even set here either. Kailan ko pa nakitang lumiwanag ang paligid dahil sa araw.
"For your punishment, don't eat for twenty-four hours."
"What?" hindi ako makapaniwalang tumingin sakanya. "Anong klaseng parusa 'yan? Sorry to say, Fontenelle, kahit anak ka pa ng nagmamay-ari ng Morwittz, hinding-hindi ko gagawin 'yan."
Hindi niya ako pinansin at agad na lumabas ng dorm na ikinainis ko pa. Pinagmasdan ko ang paligid at huminto lang ako nang makakita ako ng bukas na bintana. Agad akong lumapit at dumungaw doon, napangiti ako nang makakita ako ng hagdan pababa sa may bandang kanan ko. Mukhang ito na yung fire exit.
Dahan-dahan akong sumampa sa bintana at agad na hinawakan ang bakal na nakakonekta sa hagdan. Sunod-sunod akong bumuntong-hininga bago tumalon papunta sa hagdan. Nang makatayo ako nang maayos ay muntikan pa akong malula sa taas ng building, buti nalang talaga at may hagdanan.
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at dali-daling bumaba ng gusali.
Nang makarating ako sa pinakang-baba, tinalon ko ang hindi kataasang harang bago pinagpagan ang palda ko. Hindi pa pala ako nakakaligo.
Mabilis na umalis ako sa dormitory building nina Nowen at dali-daling umakyat papunta sa dormitory building namin, mabuti nalang at nasa bag ko ang susi ng pinto. Nang makapasok ako ay agad akong nagligo at nagpalit ng panibagong uniform, saktong paglabas ko ng dorm ay nag-bell na, signal na break time na.
BINABASA MO ANG
Morwittz High
Mystery / Thriller(UNDER EDITING) As far as you can imagine, can you see yourself living inside a foreign school where your parents chose for you to attend? How about being caged inside it? Surreal things to experience that could make you paranoid, strange things tha...