Hayden's POV:
Lumipas ang ilang araw, nagsimula nang maghanda ang mga estudyante para sa papalapit na Pars. Maski sa klase ay hindi sila makapag-focus dahil talagang pinag-iisipan nila kung anong sususotin nila para sa gabing 'yon.
Nakapangalong-baba lang ako habang nakikinig sa discussion sa unahan habang ang iba kong mga kaklase ay patuloy na nag-uusap nang patago para mapag-usapan nila ang mga gagawin nila sa Pars, ni hindi ko napansin na mamaya na pala 'yon gaganapin. Ang bilis ng araw.
Napatingin ako kay Hildi nang sitsitan niya ako at sinenyasan na yumuko, nagtatakang ginawa ko 'yon at hinintay ang sunod niyang sasabihin.
"Look. This is the dress you'll wear later." bulong niya at nilabas nang kaunti ang kulay cream na damit, humagikhik pa siya. "I picked that yesterday, buti nalang may mga dress sa dorm natin."
Sunod niyang pinakita ang maskara na nasa paper bag na nakapatong sa sahig, kulay cream rin 'yon. "I designed that, gusto kong mag-enjoy tayong lahat mamaya. Once a year lang naman 'to nangyayari."
Hindi na ako nag-reklamo pa sa binigay niya saakin na damit. I like simplicity. Cream colored dress would work on me.
"Sainyo? Anong kulay ng sainyo?" bulong ko.
"Nude colors ang pinili namin ni Sierra — wait." nakatungong nilingon niya si Sierra na nakapangalong-baba na nakatingin sa unahan. "Pst, anong kulay yung pinili mo para mamaya?"
Magkasalubong ang kilay niyang tumingin sa'min. "What?" pabulong niyang tanong.
"What color did you pick? What's the color of the dress?"
"Pink pastel." sagot niya bago muling tumingin sa harapan at nakinig, nakangiwing tiningnan ako ni Hildi.
"She really lied, sabi niya kahapon nude colors pipiliin niya."
Nagkibit-balikat nalang ako bago umayos ng upo at muling nakinig sa discussion.
---
Bago kami makabalik nina Sierra sa dorm para magpalit ng damit para sa Pars mamaya, hinarangan muna kami ni Ivan at Lucas at sinabing dapat 6:30 ay nandoon na kami sa kabilang gym. Siyempre dakilang mga pakipot sina Sierra kaya ako nalang ang sumagot para sa kanila dahil nilampasan lang nila sina Ivan.
Agad kaming nag-half bath at nagpalit na, nagtaka pa nga ako dahil memake-up-an nila ako eh naka-maskara naman kami. Masquerade is this year's theme. Pero ang totoo, hindi lang talaga ako naglalagay ng kolorete sa mukha.
Sa huli ay wala na akong nagawa, nilagyan nila ako ng make-up at sabay-sabay kaming naglakad papunta sa gym kung saan gaganapin ang Pars. Habang daan, wala na rin akong nakikita na mga guro na nakakalat. Mukhang seryoso talaga sila sa tradisyon na 'yon, ang presidente ng school ang incharge ngayong gabi kaya hindi ko alam kung ano bang mangyayari mamaya.
Nang makapasok kami ay bahagyang umawang ang bibig ko sa ganda at lawak ng gym, sobrang fancy ng loob at naghahalo-halo ang mga freshmen at seniors ng Morwittz. Maliwanag sa looban at may isang malaking chandelier sa gitna, nakapagtataka dahil walang disco ball. Ano ba 'tong Pars na 'to? Royal ball?
"And... They did great." pagpupuri ni Sierra sa loob ng gym. Hindi rin naman ako aangal dahil sobrang ganda naman talaga ng gym ngayong gabi.
BINABASA MO ANG
Morwittz High
Misteri / Thriller(UNDER EDITING) As far as you can imagine, can you see yourself living inside a foreign school where your parents chose for you to attend? How about being caged inside it? Surreal things to experience that could make you paranoid, strange things tha...