Hayden's POV:
I came back from the park before a small visibility of darkness could even touch the sky, nag-paalam ako kay Xandrick at kagaya ng dati, hinatid niya ako hanggang gate.
I ate dinner with Sierra and Hildi after that, hindi naman na sila nag-tanong pa kung anong pinag-usapan namin ni Xandrick. It also took me several hours before I could even feel the sleepiness creeping inside of me again, dahil iniisip ko rin kung ano nga ba si Xandrick dito sa loob. That guy really is a mysterious person, but a kind friend too.
And when I finally got to sleep, it didn't took me several hours to wake up again from someone shaking my legs. Dahil mukhang sobrang late ko na rin matulog, napuyat ako sa unang pagkakataon.
And as I remember the day, it's Sunday.
Umupo ako sa kama at kinusot-kusot ang mata ko.
"Nowen wanted you at the Periculo Field." aniya. Tinanggal niya ang salamin na suot niya at saka sinabit niya 'yon sa damit niya.
Umunat ako at tumayo. A sudden training? That's random.
"Kailan daw?" tanong ko habang nakatingin siya binubuklat niyang libro. Tumalon siya pahiga sa kama ko at nagsalita.
"He told me just twenty minutes ago. I've been waking you up for some minutes now so maybe nearly ten minutes has passed."
Lumaki ang mga mata nang malaman ko na ten minutes nalang ang natitira.
"Walang kang balak maligo?" tanong ni Sierra habang nakahiga pa rin sa kama ko at nakatingin sa'kin. Hindi na ako nag-abala pa na maligo dahil alam ko ang sasalubong saakin kapag na-late ako.
"Ten minutes nalang, pagliliguin mo pa ako." pagkatapos kong magsuot ng tsinelas ay pinuyod ko ang buhok ko. Kinuha ko ang cellphone ni Nowen na nasa study table ko at inilagay 'yon sa bulsa ko.
"Mauna na ako. Ba-bye!" pagpapaalam ko at kinawayan siya. Dali-dali akong tumakbo sa hallway pababa sa unang palapag nang ma biglang may nakabangga akong naglalakad na babae sa hagdanan.
"Sorry." nakatungong sabi ko at inalalayan siyang tumayo dahil napaupo siya sa sahig.
"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo." may diing sabi ng babae. Awkward akong ngumiti at tiningnan kung sino ang nabanggaan ko.
Pinikit ko nang mariin ang mata ko bago muling tumingin sakanya. Si Kriss pala ang nakabangga ko, may dala siyang mga papel pero hindi manlang ito nahulog mula sa kamay niya.
"Miss Salvia, watch your steps please." paalala niya nang makita niya ang mukha ko. Tumango ako at doon na siya muling nag-lakad.
Sumigaw ako sakanya. "Sorry!"
Itinaas lang niya ang kaliwa niyang kamay at ibinaba agad habang patuloy na naglalakad.
Tumakbo ulit ako papunta sa Field. Habang tumatakbo ako ay iniisip ko kung bakit ako tinawag ni Nowen. I'm confident that it's too early for a training with him. Napahinga rin naman ako nang maayos dahil nakabalik si Nowen nang maayos sa loob, I wonder what happened after I left their place yesterday.
Nang makarating ako sa field ay sumandal muna ako sa bukas na gate at hinahabol ang hininga ko habang hawak hawak ang dibdib ko.
"You're late."
Tiningnan ko ang nagsalita, nakita ko si Nowen na nakasandal sa hindi gumagana na kaisa-isahang lamppost habang halata sa itsyura niya na kanina pa siya naghihintay.
"Kakagising ko lang." hinihingal na sabi ko bago naglakad papunta sakanya.
"Here."
Tumingin ako sakanya nang iabot niya saakin ang isang panyo, kinuha ko agad 'yon at pinunas sa pawisan kong mukha at leeg.
BINABASA MO ANG
Morwittz High
Mystery / Thriller(UNDER EDITING) As far as you can imagine, can you see yourself living inside a foreign school where your parents chose for you to attend? How about being caged inside it? Surreal things to experience that could make you paranoid, strange things tha...