Hayden's POV:
Two days had past since the Pars was held, balik sa dati ang lahat. Wala pa rin akong balita kina Ivan at Sierra dahil na rin sa ayokong magtanong tungkol doon, ayokong maging chismosa para lang malaman ko kung ano nang nangyari sa kanilang dalawa.
Kung tatanungin naman ako kung nagbago ba ang itsyura ng langit, wala na akong bagong sagot. Simula nang makarating ako rito ay makulimlim lagi ang langit.
The classes continued, malapit na rin ang mga long quiz namin bago ang exam sa first period. Isang period nalang bago matapos ang first sem. Doble ang aral at advance reading namin dahil kahit may mga bagay na hindi ko maipaliwanag sa lugar na ito, hindi ko naman maitatangi na isa pa rin itong paaralan. Kailangan pa rin namin mag-aral at makipagsabayan sa mga estudyanteng magagaling sa pag-aaral, even the teachers are good at teaching us. Indeed, Morwittz High is a pretty weird school to be in.
And currently... It's Tuesday.
Walang dahilan akong tumingin sa bakanteng upuan sa room kung saan dapat nakaupo si Nowen, pangalawang araw na rin siyang hindi pumapasok. Tuwing break at lunch naman ay sina Lucas at Ivan lang ang magkasama at wala siya. Kaya bilang tao, nag-aalala ako kung tao pa rin ba siya o hindi. Estudyante pa rin siya, hindi pwedeng gamitin niya lang ang apelyido niya para maka-graduate next year.
"HOY."
Kumurap-kurap ako bago nilingon ang tumawag sa'kin, nakita ko si Sierra na may hawak na ballpen.
"Nahulog, hindi mo manlang kinuha." nilagay niya sa desk ko ang nahulog kong ballpen bago nagpatuloy sa pag-susulat pero agad din siyang huminto bago nakakunot ang noong tiningnan ako, binaba niya ang ballpen niya bago tuluyang humarap sa'kin. "Ayos ka lang ba? Kanina ka pa tulala."
"Ha?" dahan-dahan akong umiling, "W-Wala lang. Na-trauma lang ata ako sa exam kahapon." pagdadahilan ko. Tumango-tango siya pero alam kong hindi siya kumbinsido sa dahilan ko, umayos nalang siya ng upo at nagpatuloy sa pag-susulat.
Mahina akong huminga nang malalim bago kinuha ang ballpen ko sa desk, ilang beses pa akong kumurap-kurap bago nagsimulang magsulat.
---
Nang mag-lunch break ay inanunsiyo ng next teacher namin na wala kaming klase dahil may inaasikaso siya kaya karamihan ng mga kaklase ko ay bumalik na sa kani-kanilang dorm dahil wala naman ng klase ng buong hapon, nagpaalam naman muna ako kina Sierra at Hildi na pupunta akong library at uuwi nalang bago magdilim.
Nang makarating ako sa library ay namangha ako nang makapasok ako sa loob. Unang beses ko palang itong napuntahan simula nang makarating ako rito kaya hindi ko alam ang itsyura nito.
May mga nagtataasan na mga book shelves at bawat hilera ay may nakahanda roong mahabang hagdan para makakuha sa mataas na bahagi ng shelf ng mga libro. May pangalawang palapag ang library at masasabi kong luma na ang library na ito, lalo na sa amoy ng mga libro.
Dumiretsyo ako sa pangalawang palapag at inisa-isa ang bawat shelf para kumuha ng librong babasahin ko, wala masyadong tao sa loob habang ang librarian naman ay nasa baba at nag-aayos ng mga libro sa isang shelf kaya hindi na niya ako napansin na pumasok sa loob.
Nang makarating ako sa pang-sampung shelf ay wala pa rin akong nahahanap. Huminga ako nang malalim bago dumiretsyo sa kasunod na shelf.
Bigla akong napahinto nang makuha ng atensyon ko ang isang makapal na libro na nabubukod-tangi sa mga libro na kasama nito, kinuha ko 'yon at pinagmasdan. Luma na ito at mukhang leather pa ang ginamit na ipang-book cover, nilapit ko ang mukha ko sa libro para mabasa ang title nito, malabo na rin kasi at mukhang nabubura na ang pagkakasulat.
BINABASA MO ANG
Morwittz High
Misteri / Thriller(UNDER EDITING) As far as you can imagine, can you see yourself living inside a foreign school where your parents chose for you to attend? How about being caged inside it? Surreal things to experience that could make you paranoid, strange things tha...