Hayden's POV:
Dahan dahan kaming nag-lakad sa hallway habang nagmamasid kung may aatake ba o wala.
"That bitch, don't she dare step inside this school, tingnan lang natin kung malilibing siya nang kumpleto ang parte ng katawan niya." Nanlilisik na bulong ni Ligia sa likod ko, hindi ko na inabalang lingunin siya dahil baka saakin lang niya ibuhos lahat ng galit niya. Na to-trauma pa naman ako sa dugo.
Kasalukuyang nasa unahan sina Ate Redvel at Nowen habang ako ay nasa likuran niya.
Papasok na sana kami ng gate papunta sa Dormitory Buildings nang bigla nalang akong tinabunan ng mata ni Nowen.
"W-What the?" Pilit kong tinatanggal ang kamay niya sa mata ko pero hindi ko maalis.
"What the heck young Fontenelle? What the hell is wrong with you? Tanggalin mo nga yang kamay mo sa mata ng kapatid ko!" Narinig kong sigaw ni Ate, sumunod kong narinig si Xandrick.
"Hey Clyde, palm down you twerp. Baka may makakita saatin sa ginagawa mo."
Narinig kong nagsalita si Nowen nang sobrang lamig.
"She has a phobia on blood. Anong gusto niyo, hayaan ko siyang maglakad habang kulang nalang mahimatay siya sa takot sa dugo? 'Yon ba?"
Tumahimik sila at tahimik na rin sa wakas ang paligid.
"I-I didn't know that."
"I didn't know."
Huminga nang malalim si Nowen habang nakalagay pa din ang palad niya sa nakapikit kong mga mata.
"You're all the one who's super close to Salvia pero ni isa sainyo walang nakakaalam sa phobia niya." He sounds annoyed.
"You two." I think he is reffering to my two siblings.
"You two didn't know this? Kayo ang kapatid pero—"
Hindi ko na siya pinatapos magsalita.
"Let's just go, walang mangyayari kung mag-aaway lang kayo dito." Sabi ko.
"And Nowen, don't overreact." Nauna na akong naglakad pero hindi pa din inaalis ni Nowen ang kamay niya.
Narinig ko naman na naglalakad na din sila.
Nang tumagal hawak hawak na rin ni Nowen ang kaliwang braso ko habang nakatabon sa mata ko ang kanan niyang kamay. Nasa kanan ko siya na naglalakad kung saan.
Parang naglalakad lang ako sa dilim dahil wala akong makita pero patuloy pa din ako sa paglakad at pag-akyat sa hagdan.
Biglang may humila saakin paalis kay Nowen at nang tingnan ko kung sino 'yon, si Xandrick lang pala at may hawak itong shades.
Isinuot niya saakin 'yon.
"Can you see any color except black?" Umiling ako sa tinanong niya.
Hinigit niya ako at bago namin malampasan si Nowen ay nagsalita siya.
"Next time Clyde, think."
BINABASA MO ANG
Morwittz High
Mystery / Thriller(UNDER EDITING) As far as you can imagine, can you see yourself living inside a foreign school where your parents chose for you to attend? How about being caged inside it? Surreal things to experience that could make you paranoid, strange things tha...