Hayden's POV:
If only I could have the power to resurrect people that deserves to live again, I would gladly do it.His death always brought all of us into tears.
His sudden disappearance makes us wonder if he was really with us.
Because if you'll ask me about having those powers... I would never hesitate to bring Xandrick back to life again just for him to be with us for the second time, and for me to thank him endlessly.
He never deserved to die, not in front of me, not in front of his best friend, and mostly not in front of the school he almost pledge to protect.
"Hello dear, you've been pulling me closer
Let's write about you and me, i'll sing to you a lullaby
Let's make a story of our own."The song was playing again for the 10th time, I sigh heavily before looking at the house that he owned.
Wala sa sariling napangiti ako, "It's been 4 years since I last saw you, laying down on the grass."
Muling tumulo ang luha ko kasabay ng pag-alala ko sa oras na hinalikan niya ako bago siya nawala sa mundo.
I pressed my lips together, trying not to sob, pero hindi 'yon umepekto. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang palad ko at tuloy-tuloy na umiiyak.
The last time that I saw him, 'yong lahat ng sinabi niya, parang nangyari lang kahapon ang lahat.
Nang mapagod ako kakaiyak ay inalis ko ang palad ko sa mukha ko, kasabay nito ang paghangin nang sobrang lakas na feeling ko ay may yumayakap at humahalik sa noo ko.
Pumikit ako at mapait na ngumiti.
"I'm back, Xandrick, as you said; Let's meet at the Old Park again." mahinang sambit ko nang imulat ko ang mga mata ko.
Tumayo ako at nagsimulang lapitan ang bahay niya.
Pagkatapos ng graduation ay bumili kami ng condo nina Nowen para sa college at doon na kami tumira, bumibisita ako sa Old Park every month at ni minsan ay hindi ko nilapitan ang bahay niya at pumasok, masyado pa kasi akong takot.
Pero hindi ko na 'yon hahayaan pa na lamunin ako ng takot, papasok na ako ngayon sa bahay niya at ito ang pinaka-unang beses pagkatapos ng pagkamatay niya.
Hawak-hawak ang cellphone ko, patuloy na tumutugtog ang paborito niyang kanta.
Huminto ako sa tapat ng pintuan at huminga nang malalim, nanginginig ang kamay ko habang papalapit ang kamay ko sa door knob.
Nang makawakan ko na 'yon, muli akong huminga nang malalim bago pihitin pabukas ang pinto.
Malungkot akong ngumiti nang pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ay naamoy ko kaagad ang natural na bango ng bahay at ng katawan niya, dahan-dahan akong pumasok sa loob at sinarado ang pinto.
Pinagmasdan ko ang buong bahay nang mahagip ng mata ko ang isang plato at tinidor na nasa ibabaw ng aparador niya, nagtatakang nilapitan ko 'yon at nagulat nang makita ko na may mga parang chocolate sa plato. Paano magkakaroon ng tira-tirang chocolate sa plato eh apat na taon na ang nakalipas? Imposibleng hindi ito nilanggam.
Lumingon ako sa kaliwa nang makita ko naman ang speaker niya na may nakapatong sa ibabaw, nakataob 'yon at mukhang cellphone.
Mabilis kong pinulot 'yon at hinarap saakin, tinitigan ko nang maigi ang cellphone niya bago ko naisipan na buksan.
Sa pagkakaakala ko na low battery na 'yon ay nagkamali ako, nang bumukas 'yon at agad na bumungad saakin ang picture naming dalawa nuong nakitira pa ako sa bahay niya.
BINABASA MO ANG
Morwittz High
Misteri / Thriller(UNDER EDITING) As far as you can imagine, can you see yourself living inside a foreign school where your parents chose for you to attend? How about being caged inside it? Surreal things to experience that could make you paranoid, strange things tha...