Death #60: The Graduation

85 5 0
                                    

Hayden's POV:

It's been 4 months since the Morwittz High was set free, the Fontenelles made a hole on the wall facing the main building meters away to make a gate so the students could leave the school every weekends whenever they like. It looks like a normal school. Normal... That's good to hear.

Bumalik ang klase dalawang linggo ang nakalipas pagkatapos sumabak sa labanan ang nga estudyante, some of them didn't attend their classes that fast because of the trauma that they experienced. It includes me, minsan ay natatakot na kaming magpasikot-sikot sa buong campus. Thank goodness that cops always patrol our place every single day.

After 4 months, it was announced that our graduation. We didn't took any rehearsals, sinabihan lang nila kaming mag-behave sa ceremony at wala ng iba. And how days passed by so quickly, I just found myself dressing up for my graduation one early morning.

"HAYDEN, hurry! Naghihintay na sina tita at tito sayo sa Open Field, baka mahuli tayo sa ceremony!"

Nagmamadaling sinuot ko ang toga at gown ko at nagsapatos, nakapamewang lang si Hildi saakin at mukhang naiinip na siya.

"Kung hindi lang ako naawa sayo edi sumama na sana ako kanina kay Sierra papunta sa field!" Pag-rereklamo niya, hindi ko na siya sinagot at nagmamadaling inayos ang sarili ko sa harap ng salamin.

Lalabas na sana ako ng dorm kaso bigla akong hinila ni Hildi pabalik, "Hep, hep, hep. Don't you dare tell me na ga-graduate ka nang walang kamake-up make-up 'yang mukha mo?"

Nagpumiglas lang ako pero hindi ako makalaban kaya hinila na niya ulit ako papasok, "Stay." utos niya saakin. Anong akala niya sakin, aso?

Bumalik siya na may dalang make up kit at malaki ang ngiti niya, "Kahit light make-up lang maglagay ka hindi yung mukha kang na-comatose habang tumatanggap ng diploma." kumuha siya ng brush at tinapat sa mukha ko, wala na akong nagawa kundi pabayaan siya na lagyan ako ng kung ano ano sa mukha.

Nang matapos ay napanganga ako sa itsyura ko bago tumingin sakanya, "'Bat kumikinang yung pisngi ko? Ang oily ng itsyura ko, Hildi!" Pagpo-protesta ko sakanya.

Binatukan niya ako, "Luminizer yan, 'wag kang keme riyan."

Pinatayo niya ako bago kami lumabas sa dorm at dumiretsyo sa Open Field kung saan gaganapin ang graduation ceremony.

Nang makarating kami doon ay napangiti ako nang makita ko sina mamá na kumakaway saakin, nagkanya-kanya kaming alis ni Hildi dahil pinuntahan din niya ang mga magulang niya habang ako ay nilapitan sina mamá.

"Congratulations Hayden!" Pagbati saakin ni mamá habang niyakap naman ako ni papá, "Redvel, Mitch! Magdikit kayong tatlo at pipicturan ko kayo!"

Mabilis na lumapit ang dalawang kapatid ko at pinagitnaan nila ako, "Ma! Polaroid pa rin ba ang gamit mo? Ang tagal-tagal na niyan ah!" Sigaw ni kuya pero sinaway lang siya ni mamá at pinaayos ng tayo.

"Say Hayden is finally entering the College life!"

Napailing nalang ako sa sinabi niya at wala kaming nagawa kundi sabihin ang binanggit ni mamá.

Nagtawanan lang kami pagkatapos ng picturan, saglit akong nag-paalam sakanila na may pupuntahan muna ako at pumayag naman sila.

Nagtilian kaming tatlo nina Hildi at Sierra nang magkita kaming tatlo, "Finally, we're free!" Sigaw ni Sierra.

"Nah ah girl, magiging ibon sa hawla nanaman tayo sa college dahil nakaka-stress ang pagiging college so yeah, we're not yet free." Sabi ni Hildi na ikinatawa ko.

"No! I mean we're free na! Makakaalis na tayo ng Morwittz!" Paglalaban ni Sierra.

"Nako, baka mamaya hahanap-hanapin mo yung Morwittz." Pang-aasar ko.

Morwittz HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon