Death#56: Faith and Hope

55 5 0
                                    

Hayden's POV:

It was actually not that deadly.

Madali lang napatumba ni Tita Agrippina si Witwicket pero agad siyang nawala nang hindi namin alam.

Walang sumama saamin nina Tita para bumalik sa Open field kaya naiwan silang lahat kasama si Eris.

Kasalukuyan nasa bangka kami habang nasa unahan ko si Tita na nagsasagwan.

"Your grandpa is here."

Bigla akong kinabahan sa sinabi niya, pa'no kung malaman niya yung nangyari sa'kin? Pa'no kung pagalitan ako ni lolo? Pa'no kung malaman niya yung something saamin ni Nowen?

Really Hayden? Something?

"May nabalitaan pala ako," huminto muna siya sa pagsagwan bago niya ako nilingon, "Are you dating Joshua's son?"

"H-Ha?" Pagmamaang-maangan ko.

Umismid si Tita, "Don't lie to me Hayden, may namamagitan ba sainyo ni Clyde?"

"Wala po," I bit my lower lip, "baka M.U lang po kami."

Tumawa nang mahina si Tita bago nagsalita, "M.U? You know that word doesn't work on me, in our time walang M.U, kung may feelings ka sa isang lalaki then go! Confess and know each other, and in fact that's too boring dahil wala kang karapatang magreklamo o magselos dahil wala naman kayong label."

Mariin kong ipinikit ang mata ko at tumingin kay tita.

"Hindi ko po talaga alam kung anong meron saamin."  Pag-aamin ko, "I just turned 18 last September and i never felt 'love' before."

Matamis na siyang ngumiti saakin, "You cannot predict when the love will hit you, so wait patiently and don't look forward to it." hinawakan niya ang kamay ko at pinisil. "You don't know who will be the person that you can be with for the rest of you life but, it's up to yourself. Don't just work with your brain, let your heart join in."

Ngumiti ako bago tinanggal ang kamay nita sa kamay ko, "Thank you, Tita."

Nginitian niya ako pabalik, "You're always welcome."

Umayos siya ng upo at bago pa siya magsagwan ulit ay may sinabi pa siya, "You remind me of my friend's daughter in France, Genevieve Richelieu."

Nang makarating kami sa kabilang gilid papuntang Morwittz ay muli pa siyang nagkwento tungkol sa Morwittz dati at isa na doon ang mga nagbagong ugali ng mga estudyante ngayon.

"Your schoolmates before? Hindi mo makikitang nagtutulungan sila at mukhang wala silang pakialam sa paligid nila, they think that this school is a trash and hell." Tiningnan ako ni Tita, "But looking at them now... Maybe, maybe what they expected to happen could never happen."

She smiled at me, "Napakalayo mo saakin noong kaedaran pa lang kita, I was always a rebel. Ayokong sundin ang gusto ng lolo mo pero hinayaan ko siyang itapon ako dito sa lugar na 'to." she stopped for a second, "It was hellish, but it was exciting. All I got here when I was a student was myself, the friendships that I made were broken into pieces... It was a long story but to make it short Hayden, don't trust and depend yourself on someone."

Hindi nalang ako umimik.

"But really, the students changed and I already know why that happened, because they met the right person who can change them to a responsible students. Guess who's she?"

Natawa ako nang mahina, "Please don't say that's me, that's too imposible." I suddenly remembered what the student said to me earlier, lahat ng hinanakit niya.

Morwittz HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon