Hayden's POV:
The first quarter of the semester was finally over. The students' quarterly rank for the 12th graders will be posted later on, lahat kami ay excited para makita at malaman kung anong ranggo namin.
Nabawasan din ang mga gawain namin, all we need to do is the compilation of some activities and homeworks that we failed to pass on time and sadly, I was one of those students who need to complete those.
Kahit minsan ay sabay-sabay ang mga gawain ko, minsan ay ginagawa ko na ito sa park kung saan tinutulungan ako ni Xandrick. Since fresh pa raw ang memories niya sa mga lessons sa ibang subjects ay naging tutor ko na rin siya, hindi na ako na-pressure pa sa pagpasa.
And as of today, it's Friday.
The last day I would be passing my missing activities, ito na ang last chance namin para maayos ang mga grado namin. Thankfully, hindi naman ako pinatawag sa office dahil sa grades ko.
---
"Buhay ka pa ba?" nilapag ni Hildi ang isang baso ng kape sa lamesa sa may kusina. Doon ko napag-isipan na tapusin ang huling tatlong activities ko na ipapasa sa library, the librarian there is our teacher at literature.
Huminga ako nang malalim at marahas na umiling-iling dahil sa pagod ang ngalay ng likuran ko. Sina Hildi at Sierra ay tapos na, hindi ko nga alam kung paanong mas marami pa akong kulang kaysa sa kanila.
"Ayoko na." I said, defeated. Pero kahit sabihin ko 'yon, alam ko na makikita ko pa rin ang sarili ko na tinatapos ang mga papel ko.
Tinawanan niya lang ako bago umalis sa kusina.
Napasandal nalang ako sa bangko nang uminom ako nang kaunting kape. Ipinikit ko ang mga mata ko dahil ramdam ko ang pagsakit no'n, it's been two hours since I started scribbling and talking to myself inside my head just to answer some questions.
Minulat ko ang mata ko ang pinilig ang ulo ko, I wanted to finish this fast since it's getting dark.
Pero ayos lamang naman na lumabas ako ngayong gabi. May mangyayari kasi na night roll kung saan may mga tauhan ng eskwelahan na lilibot sa buong lugar para mag-inspeksyon, ligtas din ang gabi ngayon. Although I'm kinda weirded about it, bakit hindi nalang kaya nila gawin ang night roll gabi-gabi?
I managed to survive a few times when that roll happened. The first time, natakot pa ako dahil baka walang-silbi lang ang safety na sinasabi nila pero we went back to our dorm safe and sound. Ang mga sumunod na night roll ay maayos din ang nangyari, few students were freely walking outside. So, as long as it's night roll tonight, matatapos ko ang mga ginagawa ko.
I looked at the wall clock near me. I can do this!
And as minutes passed by, napangiti nalang ako nang matapos ko ang mga ginagawa ko. Pagod na hinawakan ko ang tatlong papel at ngumiti pa lalo. Buhay pa rin ako, tapos ko na ang lahat.
Tumayo ako at nilagay sa isang folder ang tatlong papel na ipapasa ko, lumabas ako ng kusina at sumalubong saakin si Sierra na nakahiga sa sofa habang nakatulala sa kisame. Tumingin siya saakin nang makita niya na lumabas na ako ng kusina.
"Lalabas ka na?" tanong niya bago umupo.
Pagod akong tumango. "Saglit lang ako."
BINABASA MO ANG
Morwittz High
Mystère / Thriller(UNDER EDITING) As far as you can imagine, can you see yourself living inside a foreign school where your parents chose for you to attend? How about being caged inside it? Surreal things to experience that could make you paranoid, strange things tha...