Death #15: I Can't Handle Change

100 7 0
                                    

Hayden's POV:

"Three years, huh?"

I looked at the person next to mine, he's looking at me and waiting for my response. Nakaupo kaming dalawa sa gilid ng building sa rooftop.

Tumaas ang sulok ng labi ko. "That long?"

Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig ng marinig ko ang nakakabighani niyang tawa, hindi ko na namalayan na nakatitig na pala ako sakanya nang ilang segundo.

Sinalubong niya ang tingin ko. "Of course, I'm a Fontenelle. We never let go of someone special for us."

I blushed from his word.

Pero agad ring nawala ang maaliwalas niyang mukha. "But, I need to let you go." he said and drained all of his emotions within a second

Naguluhan ako.

"What?" I was searching for a word in my head. "... Why?"

He looked down, he chuckled bluntly. "So, this is goodbye."

Tiningnan niya ako muli at nginitian.

Right after that, I heard several gunshots near us. And in just a blink of an eye, Nowen fell down from the top floor of the building while there's a blood coming from his own mouth, nagulat ako at hindi makagalaw. I was just looking down the building, looking at his lifeless body on the ground.

I was panting, wala akong maigalaw. All I can do is scream his name inside my head, and I know, it was no help.

Nowen!

---

Napaupo ako sa kama ko habang pinupunasan ang malamig na pawis sa noo at leeg ko, habol ko ang hininga ko at pinipilit na kumalma.

That... That was just a dream?

Tiningnan ko ang orasan sa dingding at napanganga nang makita ko na malapit nang mag-alas dose ng tanghali, tumayo ako habang patuloy pa rin na humihinga nang malalim.

Naagaw ng atensyon ko ang nakita kong papel na nakatupi sa study table ko, kinuha ko agad 'yon at binasa.

Hayden,

Nowen wanted you to come by twelve in the afternoon today at the Periculo Field. Hindi na kita ginising pa dahil maaga kaming pumunta sa library for voluntary clean up kasama si Hildi, the food is on the table. Uuwi rin kami by one in the afternoon.

-Sierra

Twelve PM? Napamura ako, I only got ten minutes left!

Kahit wala akong ideya kung sino ang naghihintay saakin sa Periculo Field ay dali-dali nalang akong kumuha sa drawer ko ng pants at isang T-shirt. Kinuha ko sa ilalim ng kama ko ang rubber shoes ko at dali-dali akong naligo at nag-bihis.

Pinuyod ko na rin ang buhok ko at mabilis na lumabas ng dorm namin, hindi ko na nagawang kumain dahil alam ko kung ano ang isasalubomg saakin ni Nowen kapag nakarating ako nang matagal. I didn't even dared to question why, right after what happened last night, I think I did owe Nowen. Muntikan ko pang makalimutan na sinabihan niya rin ako kagabi tungkol sa Periculo Field.

"You're ten minutes late, Salvia." bungad ni Nowen habang nakasandal sa gate ng Periculo Field.

"I just woke up, sorry." paumanhin ko bago pumasok sa loob at nanghihinang umupo sa isang bench habang hinahabol ang hininga ko. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang paglapit niya saakin.

"We only have few hours to spend here, delikado sa mga estudyante ang lugar na 'to."

"If that's the case, bakit dito mo pa ako pinapunta?" naguguluhang tanong ko.

Morwittz HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon