Death #31: The Secret House

79 5 0
                                    

Hayden's POV:

"Are you hungry?" pag-iibang topic ni Nowen pagkatapos niyang umatras palayo nang kaunti.

Dahan-dahan akong tumango at ngumiti nang tipid. Umayos siya ng tayo at naglakad papuntang kusina pero bago siya tuluyang mawala ay lumingon muna siya saakin.

"Umupo ka muna."

Tumango ako at pinagpagan ang damit at palda ko out of awkwardness.

Uupo sana ako sa isang sofa kaso naisipan ko baka madumihan pa ito at pagbayarin ako, sino pa naman ang hindi magdadalawang isip umupo sa isang sofa na mukhang hindi pa nauupuan ng kahit sino. It looks so expensive lalo na't ito ay dark leather.

But since he just told me to sit, maybe sitting comfortably won't trouble me at all. He gave me a permission to begin with.

Nagkibit-balikat ako at lumundag sa sofa at ipinatong ang paa ko sa isa pang mukhang mamahalin na coffee table. Mukhang magpapayad na talaga ako dahil nakita kong kumalat ang dumi sa ibabaw nito dahil sa sapatos ko.

Ibinaba ko ang paa ko at inilapit ang mukha ko sa coffee table. If I wipe it with my hand, it will surely land on the carpet underneath.

"Do you need anything before I start cooking? I don't want anyone to bother me in the middle of it."

Napatalon ako sa gulat nang magsalita si Nowen mula sa doorway ng kusina habang may hawak-hawak na mixing bowl at may hinahalo doon.

"K-Kanina ka pa riyan?" tanong ko sakanya at umayos ng upo.

He just stared at me and didn't answer.

"Well, uhm. Wala naman na akong kailangan pa...for now." kapagkuwang sagot ko nang mapansin ko na hinihintay niya ang sagot ko.

Hindi na siya umimik pa pagkatapos noon at bumalik nalang sa kusina habang naghahalo pa rin.

Napailing-iling nalang ako at tiningnan ang buong paligid. I started to examine his whole house as if I'm a professional interior designer myself.

Wala siyang TV at tanging chimney lang ang meron siya, matipid. Hindi rin gaanong makalat ang living room at talagang nakaayos ang mga libro sa shelf, malinis. Puro branded ang mga gamit niya sa bahay maski pinto at vase, mayaman. Sinabi rin niya na siya ang may-ari ng corn field, matiyaga.

"Ugali nalang kulang, sayang ka." natawa ako sa nasabi ko.

Umismid ako makalipas ang ilang sagundo. "Well... Hindi naman sayang."

"What the hell are you saying?" Napatingin ako kay Nowen na nagtatakang nakatingin saakin mula sa doorway ng kusina. I was taken aback.

Bakit ba parang tinitingnan niya buong galaw ko? Mukha bang nanakawin ko ang mga gamit niya?

Diretsyo pa rin ang tingin niya saakin habang hinihintay ang sagot ko.

Tumikhim ako tiningnan din siya, imbis na ulitin ko ang sinabi ko ay iniba ko nalang ang topic.  "Gusto kong malaman ang nangyari sa pagitan ng pamilya ko at ni Witiwcket."

Inilapag niya muna ang mixing bowl sa coffee table at tumingin muli saakin. "Have you never heard about it? Kahit kaunti manlang?"

Morwittz HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon