Sypnosis

13.8K 333 14
                                    

Mia-Ashly Rux-Esferial, ang anak ng isang sa Hari ng mundong-Colai na si Haring Clyde Esferial ng White Wolves District.

Napagkasunduan ng lahat ng mga Hari ng sampung distrito kasama na ang kani-kanila mga Reyna na bigyan ng kalayaan na mamuhay ang kanila mga anak sa mundo ng mga tao. Ayon na rin sa nakasaad sa Propesiya.

Namuhay si Mia-Ashly sa mundo ng mga tao sa kagustuhan ng kan'yang mga magulang at ng propesiya. Nagustuhan naman niya ang buhay roon pero nakasaad sa propesiya na kailangan niyang ihanda ang sarili  oras na matagpuan na niya ang kanyang mate o ang lalaking itinakda sa kan'ya.

Nasa mga kamay na rin niya ang pagpapasya kung sa alin sa dalawang mundo ang gugustuhin niya manatili sa piling ng lalaking itinakda sa kanya o mag-isa siyang mamumuhay na hindi kapiling ang kanyang mate.

Gayunpaman, hindi lamang siya ang mag-isang humaharap sa ganoong kapalaran, may iba pang prinsesa bukod sa kan'ya at sa tulong ng dating Diyos ng mundong-Colai na si Zei at ang pamilya nito ay nakaagapay ito sa bawat isa sa kanila na tatahakin nilang buhay at lalo na sa oras na magtagpo na sila ng lalaking itinakda sa kanila.

Sabi ng kan'yang Ama na si Haring Clyde, hindi daw madali ang pagiging isang lobo kung ang itinakda naman sayo ay isang tao.

Magagawa kaya ni Mia-Ashly na harapin ng mag-isa ang nakatadhana sa kan'ya na umibig sa isang mortal?

O mas pipiliin na lamang niya na bumalik sa mundong-Colai at talikuran ang nakasaad sa propesiya?

The Princess of White Wolves Series 1: MIA-ASHLY RUX-ESFERIAL By CallmeAngge INCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon