Chapter 27

5.2K 184 1
                                    

Hindi binitiwan ni Axel Jax ang kanyang kamay hanggang sa makarating sila sa bahay nito.

Yes,they are officially in a relationship now.

Inalalayan siya nito makababa ng tricycle na first time niyang sakyan. Nakakatuwa na sumakay roon lalo na at magkatabi sila ng kasintahan. Yes,her boyfriend now. Axel Jax Shuck.

Magkadikit ang mga katawan nila habang mahigpit nitong hawak-hawak ang kanyang kamay na nakapatong sa isang hita nito.

"Pasensya na maliit lang ito inuupahan ko," anito habang ginigiya siya papasok sa bahay nito.

Wala ito kaide-ideya na palagi siya nakatanaw sa bahay nito gabi-gabi.

Hawak-hawak pa rin nito ang kamay niya na tinungo nila ang kusina. Agad na nanuot sa pang-amoy niya ang masarap na pagkain.

Namamangha na napatitig siya sa pabilog na mesa. May gumamela sa gitna niyun kaya agad na napangiti siya.

"Promise,di ko pinitas mga yan sa escualahan mo..sa flower shop galing yan," agad na paliwanag nito.

Hindi na niya napigilan na matawa na kinamangha ng kasintahan.

"Lalo ako naiinlove sayo kapag masaya ka. You make my heart beat so fast," matiim nitong saad sa kanya.

"You make me happy,that's why," deretsahan niyang saad.

Matamis itong ngumiti sa kanya at inalalayan na makaupo.

"Thank you," aniya.

"Anything for my sweetheart,"anito na may masuyong ngiti sa mga labi nito.

"My specialty,Sinigang na baboy.." anito habang nilalagyan siya ng pagkain sa plato niya.

May ngiti sa mga labi niya habang pinanunuod ang pag-aasikaso ni Axel Jax sa kanya.

Masarap ang sinigang na baboy nito kaya nakadalawa hirit siya ng sabaw na kinatuwa naman ng kasintahan dahil nagustuhan niya iyun.

Nagsalin ito ng mango juice sa baso niya ng maubos niya iyun. Nahagip ng mga mata niya ang pamilyar na bote na nakapatong sa ibabaw ng refrigerator nito.

Oh,hindi ba mula sa mundong-Colai lang meron na ganyan bote? Alingawngaw ng inner wolf niya.

"Binigay sakin yan ng ama ni Ms.Rostov,hindi nga ko makapaniwala na sobrang bata ng Papa ni Ms Rostov.." natatawa nitong pukaw sa kanya.

Uh,Si God Zei pala nagbigay ,so,ibig sabihin..senyales na para magdesisyon,prinsesa...

"Kaso hindi ko mabuksan eh,ang weird nga nila mag-ama..ang prinsesa lang daw ang makakapaliwanag sakin kung para saan yan,marahil siya lang din makakabukas niyan," anito sabay tawa na sinamahan pa ng pag-iling.

Tinitigan niya ang kasintahan.

"Paano kung totoo nga iyun? Na may prinsesa at siya lang makakabukas niyan at sasabihin niya na ikaw ay itinakda para sa kanya na makasama habang-buhay?" matiim niyang saad.

Natigilan ang binata at napatitig sa kanya.

"Depende sa mangyayari,kung totoo man iyun.." saad nito.

Tumango siya.

"I'm sure,isang araw magpapakilala siya sayo at sana hindi siya masaktan sa magiging reaksyon mo," makahulugan niyang saad.

Nangunot ang nuo nito at mataman siya pinakatitigan.

"Pinamimigay mo ba agad ako?" usal nito na tila nagtatampo sa kanya.

Napangiti tuloy siya.

Wala talaga itong kaide-ideya na siya ang prinsesang iyun.

"No,alam kong sakin ka lang," aniya.

Napalitan ng matamis na ngiti ang pagtatampo nito.

"And you are mine,too,my sweetheart," anito na binuntutan pa ng pagkindat.

Mabilis na sinulyapan niya ang bote bago muli niya ibinalik ang atensyon sa binata.

So,kailan mo gagawin?

Soon,wolf.

The Princess of White Wolves Series 1: MIA-ASHLY RUX-ESFERIAL By CallmeAngge INCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon