Chapter 7

5.5K 193 0
                                    

Hindi pamilyar sa kanya ang paligid. Napapalibutan siya ng mga nagtataasang mga puno. Iniikot niya ang paningin sa buong paligid. Hindi niya alam kung paano siya napadpad sa lugar na iyun.

Maya-maya pa ay napakislot siya ng makarinig siya ng nakakakilabot na alingawngaw. Tila nanggaling ang ingay na yun sa isang mabangis na hayop.

Napaatras siya. Dinudunggol na siya ng kaba dahil habang lumilipas ang segundo lalo lumalakas ang ingay at parang iyun palapit sa kinaroroonan niya.

Marahas siya napalingon ng makarinig siya ng kaluskos mula sa mga sanga ng dahon.

"Sino yan?!" malakas niyang saad.

Nilibot niya ang mga mata. Hinahanap kung saan nanggagaling ang kaluskos. Muli siya napakislot ng marinig na naman niya ang kaluskos ng mga dahon.

Biglang tumahimik ang paligid. Tanging pagtibok ng kanyang puso na lamang niya ang umaalingawngaw sa pandinig niya.

"Shit!!!" malakas niyang pagmumura ng bigla na lang may kung ano dumaan sa likuran niya.

"Sino yan?!"buong tapang na sigaw niya sa kawalan.

Pinatili niya ang pagiging matapang. Handa siya harapin kung ano man ang nakakakilabot na presensya na iyun nq kasama niya sa lugar na iyun.

"Lumabas ka?! Hindi ako natatakot sayo!" buong tapang niyang muling saad.

Hindi pa man siya nakakakurap ng bigla na lamang may kung anong bagay siya nakita na mabilis na kumukubli sa likod ng mga puno.

The Princess of White Wolves Series 1: MIA-ASHLY RUX-ESFERIAL By CallmeAngge INCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon