Chapter 31

5.2K 201 2
                                    

Bawat oras at araw na lumipas sa kanila relasyon ni Mia-Ashly masasabi na niyang nagkaroon na siya ng panibagong buhay. Isang karanasan na tumabon sa masaklap na nakaraan niya.

Mas lalo lumalim ang damdamin niya para sa kasintahan habang tumatagal na nakakasama niya ito. Napakalambing nito,iyun ang isa sa bagay na nadiskober niya mula sa dalaga. Para itong bata sa sobrang paglalambing kapag hindi niya naibigay hindi siya nito pinapansin at talaga nabahala siya roon ng minsan nakaligtaan niyang bilhan ito ng mango pie.

Natanto niya roon kung gaano ng kalalim ang pagmamahal niya para rito. Magta-tatlong buwan na sila at ngayon araw ang 3rd monthsary nila. Minsan sinupresa niya ito para sa 1st monthsary nila pero siya ang nasupresa dahil hindi daw nito alam na may ganun pang dapat iselebrasyon. Hindi naman siya nagtampo naamuse pa nga siya eh. She's look so innocent that time.

Nakakatuwa isipin na siya ang unang lalaki na nagparanas niyun sa dalaga.

Napangiti siya ng maayos na niya ang hinanda niyang dinner nila ng kasintahan. Nasa gitna ang mango cake na may nakasulat na 'Happy 3rd monthsary!'

Napangisi siya. Hindi siya romantikong lalaki pero kusa na lang yung lumalabas para mapasaya niya ang kasintahan.

Napukaw siya ng may kumatok sa pintuan niya. Napuno ng excitement ang puso niya. Panigurado ang kasintahan na iyun. Hindi na ito nagpasundo sa kanya.

Matamis ang ngiti niya ng buksan niya ang pintuan at agad din yun napalis ng mabungaran kung sino ang napagbuksan niya.

"A-Axel Jax.." usal ng babaeng na hindi niya ng gugustuhin pang makitang muli.

"Anong ginagawa mo rito,Andrea?"malamig niyang saad.

" Gusto lang kita kamustahin,"mahina nitong saad.

Mapait siyang tumawa na kinayuko nito. Humalukipkip siya at malamig na tinitigan ang kiming dalaga.

"Sana naunawaan mo kung bakit ako umalis ng maynila...matalino ka,Andrea kaya alam mo na mas magiging okay ako kung hindi na kita makikita pa.." mariin at puno ng lamig niyang saad.

Nag-angat ito ng mukha at may mga luha na nagbabadya bumagsak sa mga mata nito.

Pero wala siya nararamdaman guilt sa sinabi niyang iyun rito.

"P-patawarin mo ako,Axel Jax..m-mahal kasi kita kaya..k-kaya ko nagawa yun,"garagal nitong saad.

Napatiim siya ng bagang. "Hindi pagmamahal ang ginawa mong iyun,Andrea! Napakaimoral ng ginawa mong iyun!"puno ng talim niyang bulalas.

Wala siyang pake kung sigawan na niya ito. Nanunuot sa galit ang katauhan niya sa iskandalo na ginawa nito sa kanya.

Damn! Sinira nito ang reputasyon niya bilang isang magandang ehemplong guro sa mga istudyante niya.

Napahagulhol ang dalaga pero nanatili ang galit niyang anyo.

"Huwag mo na kung guluhin,Andrea..nakalimutan ko na ang pangyayari yun," mahinahon na niyang saad gayunpaman nanatili ang galit na anyo niya.

Humihikbi na tumitig sa kanya ang dalaga.

"Hindi na ako n-nag-aaral..n-nahihiya ako at k-kinahihiya ko ang ginawa kong yun," umiiyak nitong sabi.

Ikinuyom niya ang mga palad. Isang matalinong istudyante ang dalaga. Nakaramdam siya ng kunti awa para rito kahit papaano naman paiiralin niya ang pagiging makatao.

"N-nalaman ko na n-nakapagtuturo ka na ulit..m-masaya ako na malaman yun," anito.

"Ako? Hindi na ko makapag-aral d-dahil k-kilala akong ng lahat d-dahil dun,k-kahit saan ako lumipat ng escualahan w-wala gustong tumanggap sakin," mapait at lumuluha pa rin nitong saad.

"Nagpakita ako ngayon kasi..kasi p-pinagsisihan ko ang ginawa kong iyun.." anito sabay hikbi.

Marahas siyang humugot ng malalim na hininga. Naaawa siya. Alam niyang hindi rin madali rito ang nangyari kahit pa ito ang may gawa.

"Pwede siya mag-aral sa escualahan ko," anang ng boses ng kasintahan na mabilis na nagpabaling sa kinaroroonan nito.

Napatingin na rin rito ang umiiyak na si Andrea.

Lumapit ang kasintahan at mataman na tinitigan si Andrea.

"Kung gusto mong mag-aral ulit pwede kang mag-enrol sa Esferial University...doon wala nakakakilala sayo at huhusga," mataman nitong sabi kay Andrea .

Napalitan ng pagkamangha ang kaninang puno ng luha ang mga mata nito.

Agad na hinapit niya kasintahan at hindi niya napigilan na idampi ang mga labi niya sa gilid ng nuo nito.

Bumaling siya kay Andrea na nakatitig sa kanila.

"Pag-aari niya ang Esferial University..kung gusto mo patawarin kita..magsimula ka muli at kalimutan ang nakaraan dahil ako.." bumaling naman siya sa kasintahan na nakatitig na pala sa kanya.

"Masaya na ko sa bagong buhay ko ngayon.."usal niya habang puno ng pagmamahal na tinitigan niya ang kasintahan.

The Princess of White Wolves Series 1: MIA-ASHLY RUX-ESFERIAL By CallmeAngge INCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon