Chapter 33

4.9K 178 2
                                    

Agad na binalot ng pangamba at alarma si Mia-Ashly ng makabalik siya sa kanyang bahay ng maulinigan ang pag-ungol ng kasintahan na nasa silid niya. Mabilis na nilundag niya ang balkonahe ng kanyang silid at agad na pinulot ang hinubad na puting nightgown na nasa sahig.

Wala pang segundo ay nasa tabi na siya ng binata. Nakapikit ito at maligalig. Pawisan din ito.

Binabangungot siya!!!

Niyugyog niya ang balikat ng binata pero hindi ito nagising kaya tinapik naman niya ang pisngi nito.

"Axel,wake up.." patuloy niya pagtapik sa pisngi nito hanggang sa unti-unti ito nagmulat ng mga mata.

"Mia-Ashly.." paos nitong usal.

Puno ng pag-aalala na pinalis niya ang pawis sa nuo nito gamit ang likod ng palad niya.

"You're dreaming," usal niya habang nakatunghay pa rin sa nakahigang binata.

Bumangon ito at sumandal sa headboard ng kama niya at hinila siya nito. Paharap siyang umupo sa kandungan nito at mahigpit na niyakap siya nito.

Sinubsob nito ang mukha ang leegan niya. Awtomatiko naman humaplos ang kamay niya sa likod ng ulo nito at masuyong sinuklay ng mga daliri niya ang makapal nitong buhok.

"You're so warm.." usal nito.

Lagi nito iyun sinasabi sa tuwing nadidikit ito sa kanya. Minsan inakala nito na may lagnat siya dahil lobo siya mas mataas ang temperatura niya kaysa sa normal na tao. Mabuti na lamang nakagawa siya ng dahilan at hindi na ito nagtanong pa.

"I'm dreaming," usal nito muli sa leegan niya at humugot ng malalim na hininga sa balat niya.

Bahagya siyang dumistansya para magtama ang kanila mga mata.

"What is it?"

Matiim ito tumitig sa kanya. Nangunot ang nuo nito pagkaraan.

"You..and that white wolf in your desk," anito.

Natigilan siya.

Uh-oh! Anang ng inner wolf niya.

Napapikit siya at humugot ng malalim na hininga.

"Ito ang pangatlo beses na napanaginipan kita at ang pangatlo at ngayon palagi sumusulpot yung puting lobo na katulad na nasa desk mo..lagi sa huli bigla nagbabago ka ng anyo..as a white wolf," paglalim lalo ng nuo nito.

Humugot siya ng malalim na hininga at pinagdikit niya ang kanila mga nuo.

"Paano kung totoo nga yun? Na nagiging lobo ako? Ma...natatakot ka ba sakin?" pikit-mata niyang saad sa tapat ng bibig nito.

Natigilan ito at bahagya dumistansya para magtama ang kanila mga mata.

Napamaang ito ng makita ang kaseryusohan ng kanyang anyo.

"Mia-Ashly.." tangi usal nito. Nasasalamin sa mga mata nito ang pagkalito.

Tahimik lang siya at nanatiling seryoso.

Ahm,prinsesa,sasabihin mo na ba...ngayon? Anang ng inner wolf niya.

"S-seryoso..?" maang nitong saad.

Yes,wolf..tugon niya sa kanyang wolf.

The Princess of White Wolves Series 1: MIA-ASHLY RUX-ESFERIAL By CallmeAngge INCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon