Mundong-Colai

8.1K 226 5
                                    


(COMPLETED ON DREAME)
A/N: CallmeAngge

Muli nagkaroon ng bagong propesiya kung kaya ang lahat ay handa makiisa sa nakasaad roon.

"Nasa mga kamay niya ang magiging kapalaran niya. Buhay man o pag-ibig..."pagsasaad ni Haring Clyde na siyang may hawak ng kulay gintong papel.

Tahimik at nagkatinginan ang lahat. Iniintindi ang bawat salita na binigkas ng Hari ng mga Puting Lobo.

" Tukoy ito sa ating mga anak,mga mahal kong Hari,ang bawat Prinsesa ng ating distrito.."si Haring Clyde.

"Ipapadala din sila sa mundo ng mga tao gaya natin noon?"ang Hari ng mga itim na lobo.

"Tama,ganun na nga,mga mahal kong Hari at Reyna.."pagtango ni Haring Clyde.

" Pero hindi kapareho na nakasaad noon sa atin..ang nakasaad ngayon ay ang mismo mga prinsesa ang magdidesisyon ng magiging kapalaran nila,minsan talaga ang unfair ng buhay,"komento ng Hari ng mga kahel na lobo.

"Gusto ko ngayon ang nakasaad sa propesiya,hindi siya ganun kapressure..tayo kasi nakasalalay sa ating mga Reyna ang kapalaran natin," anang ng Hari ng mga brown na lobo sabay sulyap sa Reyna nito.

"Sang-ayon ako sa sinabi mo,Mahal na Hari,"sang-ayon ng Hari ng mga pulang lobo.

"Sa tingin ko hindi ganun kadali ang magiging kapalaran nila sa mundo ng mga tao..tsk,iniisip ko pa lang na itatakda ang aking prinsesa sa isang lalaki na walang paninindigan nagdidilim na ang paningin ko,hindi ko gusto ang nakasaad ngayon sa propesiya,ilalayo sa atin ang ating mga anak,"saad ng Hari ng mga dilaw na lobo.

"Tama,hindi rin ako papayag na api-apihin din ng lalaking itatakda sa aking prinsesa,talagang magkakamatayan kami ng lalaking yun!"ang Hari ng mga Abong lobo.

"Ako din!"saad ni Haring Dominekk,the king of Violet Wolves District.

"Lalo naman ako,di rin ako papayag,"ang hari ng kulay berdeng lobo.

" Nauunawaan ko ang mga komento niyo,gaya niyo,hindi rin ako papayag na masaktan ang ating mga prinsesa lalo pa at wala tayo sa tabi nila pero kailangan natin bigyan ng kalayaan ang ating mga anak na mamuhay ng normal at simple sa mundo ng mga tao..gaya ng ating mga kabiyak,ang ating mga Reyna,sinakripisyo nila ang kani-kanila mga buhay sa mundo ng mga tao para sa atin mga lalaking lobo,at ito naman ang panahon para tayo naman ang magsakripisyo para sa atin mga anak na babae at iyun ay ang ipadala sila sa mundo ng mga tao.."mahabang litanya ni Haring Clyde sa lahat ng mga Hari.

Saglit na natahimik ang lahat at pagkaraan kanya-kanya pinaunawa ng mga Reyna sa kani-kanila kabiyak na Hari ang nais mangyari ng propesiya.

"Si Zei..siya ang magiging mata at tainga natin sa mga nangyayari sa atin mga anak,mga mahal kong Hari..Maaari tayong lumapit at makiusap sa kanya.." pagsasabi niya sa mga ito.

Tahimik na nagtapos ang kanilang usapin at sinimulan ng ihanda ang kani-kanila prinsesa sa nalalapit na pamumuhay ng mga ito sa mundo ng mga tao.

The Princess of White Wolves Series 1: MIA-ASHLY RUX-ESFERIAL By CallmeAngge INCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon