Chapter 26

5.5K 208 11
                                    

Bumabagabag kay Mia-Ashly ang sinabi ni Axel Jax.

Bakit naman? Gusto nga niya makakita ng totoong lobo eh,anang ng inner wolf niya.

Marahas siyang bumuga ng hangin habang nakatanaw sa tirahan ng binatang guro. Mula sa malayo nakikita at nararamdaman pa rin niya ang bawat kilos nito sa loob ng inuupahan nitong bahay.

Nag-aalala ka ba na baka matakot siya satin? Pero sa tingin ko naman hindi ganun ang mangyayari,anito.

Hindi tayo sigurado,alam mo ang isip ng mga tao pabago-bago..tugon niya rito gamit ang isip.

Ouch,wala kang tiwala sa mate natin ganun? Akusa nito sa kanya.

Marahas siya napabuga ng hangin sa sinabi iyun ng wolf niya.

Ang propesiya,nasa kanyang desisyon ang magiging hinaharap niya at ng nakatakda sa kanya.

Sana nandito sina ama at ina..

Patay na ang ilaw sa salas ng bahay na inuupahan ni Axel Jax. Oras na siguro na umalis na siya. Ilang gabi na rin mula ng umamin siya rito na gusto niya ito ay gabi-gabi niya ito pinupuntahan sa tinutuluyan nito.

Kinabukasan,maaga gumising si Axel Jax para mamili ng lulutuin niya sa dinner nila ng dalaga.

Excited na talaga siya para mamaya sa dinner date nila. Naisip niya na sinigang na baboy ang lutuin niya at syempre hindi niya kinalimutan na bumili ng special mango pie.

Naging abala siya buong maghapon. Nilinis niya ang buong bahay pati na ang banyo niya. Ayaw niya mapahiya sa dalaga kapag nakita nitong makalat siya sa bahay.

Napag-usapan nila na sa opisina niya ito susunduin kahit weekend nasa iskol ang dalaga. Well,may klase din kasi ang ibang kurso sa araw na yun.

May isang bagay siya inaalala. Paano nga pala sila pupunta ng bahay niya gayun wala siyang sasakyan.

Damn,bakit ba ngayon lang niya naisip yun?! Sana pala nagrent siya ng taxi!

Iyun agad ang ipinaalam niya sa dalaga ng magkita sila nito sa tree house.

"Ganun ba,wala naman problema sakin na sumakay sa kahit anong sasakyan," anito.

Hindi siya makapaniwala na hindi naging problema yun sa dalaga.

Kailangan nila dumaan sa malaking gate para makapara ng tricycle at wala na rin mga istudyante pero ayaw naman niya mapansin ito ng ibang tao na nasa paligid pa.

Well,ayaw niya makakuha ito ng atensyon ng iba.

Woah,possessive be like?!

"Suotin mo muna ito bago tayo lumabas," pag-abot niya rito sa jacket niya na buti na lang nagsuot siya ng araw na iyun.

Nagtataka man kinuha naman iyun ng dalaga kahit may kalakihan bumagay naman rito iyun.

Lumapit siya rito paharap at itinaklob niya ang hood ng jacket sa ulo nito. Tumingala sa kanya ang maganda mukha nito at dahiL matangkad siya nakatunghay siya rito. Wala kaabog-abog na ikinulong niya sa pagitan ng mga palad niya ang maganda nitong mukha.

Kumikislap sa sinag ng liwanag ng buwan ang mga mata nito.

"Ayokong may makakita sayong iba dapat ako lang..kailangan kita ipagdamot lalo na sa mga lalaki," matiim niyang saad.

Isang mahiyain ngiti ang tinugon nito.

"Okay,"tugon nito.

Nginitian niya ito at pinangahasan na patakan ng halik ang makinis at maputi nitong nuo.

Ipinikit pa nito ang mga mata ng lumapat ang mga labi niya sa balat nito.

"I think I'm fallen in love with you,Mia-Ashly.."usal niya sa nuo nito.

Dumistansya siya para makita ang reaksyon nito sa sinabi niya.

Kita niya sa maganda nitong mukha ang hindi pagkapaniwala.

" Axel Jax.."tanging naiusal nito.

Masuyo niya itong nginitian.

"This is my first time to fall in love,Mia-ashly..at alam kong hindi lang pagkagusto ang nararamdaman ko para sayo mas higit pa roon.."

Marahan at masuyo na humahaplos ang hinlalaki niya sa malambot at makinis nitong pisngi.

"Sorry,dito ko na naiconfess ito..balak ko sana sa dinner natin kaso..hindi na ko makapaghintay eh," aniya.

Ngumiti ito. "Okay lang..pareho lang naman tayo ng nararamdaman."

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito.

"Talaga? In love ka din sakin?"

Tumango ito na may nahihiyang ngiti sa mga labi.

"Wow! Sa tingin ko,tayo ang itinadhana,"namamangha niyang saad.

"Yes..we are mate..you are my mate," saad nito.

The Princess of White Wolves Series 1: MIA-ASHLY RUX-ESFERIAL By CallmeAngge INCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon