Chapter 16

5.9K 213 13
                                    

Ilang araw na mula ng makita niya ng harapan si Mia-Ashly Esferial. Hindi siya makapaniwala na darating talaga ang oras na siya ang kauna-unahan nilalang na makakita ng personal rito. Napakaswerteng tunay nga naman niya talaga!

At nakakaproud iyun!

Nagkasala man siya pero heto,isang nakakamanghang pangyayari sa buhay niya ang kapalit niyun.

Syempre ilang gabi na rin na hindi siya pinatulog niyun. Lagi laman ng isip niya ang napakaganda nitong mukha.

Mukha itong anghel dagdag pa na kulay puti ang mahaba nitong buhok at itataya niya ang buong sahod niya sa pagtuturo ng isang taon na natural ang kulay ng buhok nitong iyun.

Is she that white lady na nakita noon ng mga istudyante?

Na siya din nakita niya ng nakaraan?

Wow!

She's so real!

But not the literally white lady.

A goddess.Yes,she is the goddess of the beauty in and out!

Marahas siyang napabuga ng hangin. Gaya ng mga nakaraan gabi hindi siya ulit makatulog. Nakatitig sa kisame at malinaw na nakikita niya sa kanyang isip ang maganda mukha ng dalaga.

Yeah,she's look so young at her age!

Hindi na nga kapani-paniwala ang ganda nitong taglay dinagdagan pa iyun ng napakabata nitong tignan sa edad nito.

Yeah,dalawang taon lang naman ang agwat nila walang kaso yun may itsura din naman siya.

Wait,what the hell? Ano bang iniisip niya?!

Age gap? Ano naman ang ibig niyang sabihin roon?

Napahilamos siya sa kanyang mukha at agad na natigilan. Tinitigan niya ang kanyang kamay kung saan nakipagkamay sa kanya ang dalaga.

Napakalambot ng kamay nito at ramdam na ramdam pa rin niya iyun. Iyun na ata kamay na may pinakamalambot na nahawakan niya tanan buhay niya.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata at agad na napamulat ng maalala niya muli ang napanaginipan at hindi siya makapaniwala.

Ang panaginip niya. Natatandaan niya na nanaginip siya na may hinahabol siya at nakita niya ang kulay puti ng buhok ng isang babae.

Kunot-nuo na napabangon siya at mabilis ang tibok ng puso niya .

Napakaimposible talaga yun. Parehong mahabang buhok at kulay puti niyun ng babae sa panaginip niya at ang may-ari ng Esferial University. Mia-Ashly Esferial.

Heck,nagkataon lang ba yun o,wait..

Bigla niyang naalala nang nakaraan na magkasabay sila ng co-teacher niya na nahagip ng mga mata niya ang puting buhok na iyun at mula noon hanggang sa panaginip niya nakikita niya iyun.

Hell! Hindi kaya...senyales yun na magmimeet talaga sila at nangyari na nga iyun.

Nasapo niya ang dibdib kung saan mabilis na tumitibok ang puso niya.

Nang magtama ang kanila mga mata ng dalagang iyun tila ba nawala siya sa realidad at napunta sa ibang mundo na kasama ito.

Isang mundo na sila lamang ang naroroon. Gumalabog ang dibdib niya.

Ngayon lamang niya ito naramdaman.

Aminado siya na agad na hinangaan niya ang dalaga pero ang gusto ng kaloob-looban niya ay ang higit pa roon.

Gumalabog muli ang dibdib niya. Naeexcite sila. Ang isip at ang puso niya!

"Damn it..pero boss ko siya.." sawata niya sa sarili.

Hell,he is in trouble again,right?

Pero hindi dahil sa mga babae na humahabol sa kanya kundi siya naman ngayon ang may gusto...

May gusto siya kay Ms.Esferial?

Na-love at first at sight pa ata siya sa magandang may-ari ng unibersidad na yun!

Pagak siyang tumawa sa sarili.

"Hindi pa ko nagkagusto sa isang babae sa unang kita pa lang.."namamangha niyang saad.

Ano na lang sasabihin ni Ms.Esferial kapag nalaman nito na nagkagusto siya kaagad rito?

Shit,dami na niyang kasalanan rito ah!

Pero naisip niya kasalanan ba na magkagusto siya rito?

Natural lang naman iyun,hindi ba?

Hindi pa man niya ito nakikita hinangaan na niya ito.

Lalo lamang iyun sumidhi ng makita na niya ito sa personal.

She's so beautiful in and out!

Napahilamos siya sa kanyang mukha.

Grabe,Axel Jax. Umayos ka. Boss pa rin siya. Tigilan mo yang kahibangan mo!

Napapailing na ipinikit niya ang mga mata..sa pagpikit naman niya gumitaw sa isipan niya ang magandang mukha ni Ms.Esferial.

Napaungol siya sa frustration.

"This is insane.."

The Princess of White Wolves Series 1: MIA-ASHLY RUX-ESFERIAL By CallmeAngge INCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon