Chapter 8

5.4K 183 1
                                    

Hindi na nawala sa pagkakakunot ang nuo niya habang binabasa ang isang lesson plan mula kay Nimfa Arevos.

Hindi naman ganito gumawa ng lesson plan ang guro pero ngayon parang iyun hinulaan at tila bang isinulat lang para may maipasa lang.

Marahas siyang napabuga ng hangin. Agad na tinawagan niya si Valerie para iinporma dito ang bagay na yun.

Agad naman tumugon si Valerie at ilang minuto lang ay kumatok na ito sa pintuan niya.

"Come in,please," tugon niya sa pagkatok nito.

"Bakit,mahal na prinsesa?" agad nitong pagtatanong sa kanya.

Bumuntong-hininga siya at inabot rito ang lesson plan mula kay Nimfa.

"Maraming mali..malilito ang mga istudyante kung ano ba talaga ang pinupunto ng tanong," matiim niyang saad.

Mabilis nitong pinasadahan ang bawat pahina ng lesson plan na hawak nito.

Maya-maya pa ay bumuga ito ng malalim na hininga.

"Pasensya na sa bagay na ito,mahal na prinsesa,ibabalik ko sa kanya," anito.

"Sa palagay ko may kinalaman dyan ang pagiging abala niya sa ibang bagay.."mahiwaga niyang saad.

Napaisip ito. Dahil likas sa kanilang mga lobo ang natural na talino agad nito nahulaan ang sinasabi niya.

"Siguro baka dahil masyado siyang busy sa pagpapansin niya kay Sir Axel Jax.." anito.

Hindi niya nagustuhan ang narinig niyang iyun. Napataas ang isang kilay niya sa narinig niyang iyun.

Karibal pa ata natin ang Nimfa iyun ah..anang ng wolf niya.

Napabuntong-hininga siya.

"Hindi ko naman pinagbabawal ang ganyang bagay pero sana hindi naaapektuhan ang trabaho nila," aniya sa magaan na pananalita kahit na gusto niyang isatinig iyun ng puno ng pagkasuya.

"Ako na ang bahala sa isang ito,mahal na Prinsesa," anang ni Valerie.

Well,wala naman siyang nakitang mali ni isa sa ginawang lesson plan mula kay Axel Jax maliban lang sa isang iyun. Kay Nimfa

Tsk,tsk,tsk..distraction is real.

Agad na binati ni Axel Jax ang Dean nilang si Ms.Valerie Rostov ng pumasok ito sa faculty nila. Siya lang mag-isa doon ng mga oras iyun dahil nasa kanya-kanya klase ang mga kasamahan niya sa faculty.

"Nasa klase nga pala si Ma'am Nimfa," anito ng makitang wala roon ang tinutukoy nito.

"Yes,Ma'am..kakasimula lang ng klase niya,"agad na tugon niya.

"May problema kasi sa lesson plan niya..pinabalik sakin ni Ms.Esferial.."saad nito ng bumaling sa kanya at winagayway ang hawak nitong lesson plan.

Agad na napukaw ang atensyon niya ng banggitin nito ang may-ari ng unibersidad.

"Bakit,Ma'am?"

"Maraming mali kasi sa mga questions niya saka sa palagay ko baka distracted lang siya kaya palpak siya ngayon," maingat nitong saad.

Alam niyang may kinalaman siya doon. Lagi na lang kasi ito nasa kanya ang atensyon nito. Kahit anong iwas niya rito nasusundan talaga siya nito kulang na nga lang magtago siya sa private office ng may-ari ng unibersidad para hindi ito makalapit sa kanya.

"I'm sorry for that,Ma'am.."paghingi niya ng sorry kahit alam niyang hindi naman dapat o dapat lang dahil siya naman talaga ang dahilan kung bakit distracted si Ma'am Nimfa.

Bumuntong-hininga ito."It's alright,ayaw lang ni Ms.Esferial na nagkakamali ang mga teachers natin dito alam mo naman na sa atin kumukuha ng tamang kaalaman ang mga bata,"saad nito na tila dismayado sa nangyayari kay Ma'am Nimfa.

"Yes,Ma'am.."napapahiya niyang turan.

Damn it. Bakit ba lapitin siya ng problema?

"Sige,balik na lang ako after one hour para makausap siya," pagpapaalam na nito sa kanya.

Napabuga na lang siya ng hangin.

Ito na nga ba ang sinasabi niya eh.

Nang makabalik na sa faculty si Ma'am Nimfa agad na sinulyapan niya ito. Gusto sana niya ito kausapin pero baka kung ano naman ang maging dating niyun rito.

Oo,concern naman siya sa pagiging palpak nito sa paggawa ng lesson plan dahil sigurado naman na siya dahilan niyun.

Naikuyom niya ang mga palad na nasa ilalim ng desk niya.

Mabuti pang hayaan na lamang niya ito. Siguro naman hindi na niya kasalanan pa kung magkamali muli ito sa susunod lalo pa nga wala naman siya ginagawa ng kahit ano rito.

Napatingin siya sa bukana ng faculty nila ng pumasok ang Dean nila. Agad na binata ito ng mga guro na kasama nila roon. Magiliw at palakaibigan naman gumanti ng bati ang dalagang Dean nila.

Nilapitan nito si Ma'am Nimfa. Na nasa kabilang desk na nakikipagkwentuhan ng pumasok si Ms.Rostov.

Napasulyap sa kanya ang dalagang guro bago ito sumunod kay Ms.Rostov.

Napabuga na lamang siya ng hangin.

Ang awkward na tuloy ngayon. Ano na lang iisipin ni Ms.Esferial sa kanya kapag nalaman nito na siya ang dahilan kung bakit palpak si Ma'am Nimfa?

Ang tanong,Shuck. Bakit ba alalang-alala ka kung ano ang sasabihin ni Ms.Esferial sayo? Magkakilala ba kayo? Close ba kayo? Panunuya ng kanyang isip.

Hindi. Pero malaki ang utang na loob niya kay Ms.Esferial!

Damn. Ayaw niyang madismaya ang taong nagbigay sa kanya ng pagkakataon na makapagturo ulit!

Hindi mo naman kasalanan kung na-o-obssess sayo ang mga babae eh.

Wala na siya masabi kung kaya napatitig na lamang siya sa nakasarang libro na bibitbitin niya mamaya sa klase niya.

Agad na napaayos siya ng upo sa likuran ng desk niya ng makita ang pagpasok ni Ma'am Nimfa. Binati ito ng nakasalubong guro na palabas naman at naulinigan niya kung ano kailangan ni Ms.Rostov rito at kinausap ito.

Agad na nag-iwas siya ng tingin ng sumulyap sa kanya ang dalagang guro. Hindi niya alam kung ano ang sinagot nito sa nagtanong na guro.

Pinalipas muna niya ang ilang saglit bago niya pasimpleng sinulyapan ang katabi lamang ng desk niya ang desk ni Ma'am Nimfa.

Tahimik lang ito nakaupo sa likod ng desk nito. Nakatitig sa kulay pink na lesson plan nito. Salubong mga kilay nito habang nakatitig pa rin roon.

Shit,bakit ba siya nagiguilty sa nangyayari ito?!

Hindi mo na kasalanan kung bakit siya pumalpak! Manahimik ka na lang,Shuck.

Tama ang sinabi ng isip niya. Mainam na manahimik na lang siya at hayaan ito na harapin ang problema iyun na ito mismo ang gumawa.

The Princess of White Wolves Series 1: MIA-ASHLY RUX-ESFERIAL By CallmeAngge INCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon