Chapter 17

5.4K 211 6
                                    

Kusang gumapang ang ngiti sa mga labi ni Mia-Ashly ng makita ang kulay puting bulaklak na nasa flower vase sa ibabaw ng desk niya. Palagi bago ang bulaklak na nilalagay roon ni Axel Jax. Ilang araw na nito iyun ginagawa. Alam niyang ito ang naglalagay niyun dahil ito lang naman ang nakakapasok sa opisina niya at kung si Valerie hindi nito gagawin yun kasi allergic ito sa bulaklak.

Ang sweet naman ng mate natin may pabulaklak pa,hay...kinikilig na alingawngaw ng wolf niya.

Maingat na hinaplos niya ang puting bulaklak. Ang gumamela na nakatanim sa gilid ng haligi ng opisina niya. Mahina siyang natawa. Effortless,walang gastos pero nakakataba ng puso dahil ito ang unang pagkakataon na nakatanggap siya ng isang bagay mula sa isang tao.

Nasa kanya na ang lahat. Kuntento,sobra-sobra pa nga na pinanganak siyang prinsesa. Pero ang bigyan ng atensyon ng isang lalaki na gusto niya ay wala ng mas kukuntento pa sa kanyang buhay.

Nanuot sa matalas niyang pang-amoy ang bango ng gumamela.

Sana man lang may kasamang card..demand ng wolf niya.

Naningkit ang mga mata niya sa sinabi nitong iyun. Gusto niya mapaismid.

"Action speaks louder than a word,wolf.." aniya.

Oo nga pala..

Napangiti siyang muli at pinakatitigan ang bulaklak.

"Good morning ,Sir Axel!!" sabay-sabay na pagbati sa kanya ng mga istudyante habang tinatahak niya ang faculty nila.

Isang tango ang tinugon niya sa mga ito. Kung wala lang siya nakaraan malamang isang matamis at palakaibigan na ngiti ang itutugon niya sa mga ito.

Pero natuto na siya kaya naman ang pagiging charming sa mga istudyante niyang babae ay pinalitan niya ng istriktong imahe.

"Grabe,kahit istrikto si Sir Axel Jax,ang gwapo pa rin niya talaga,"bulong isang istudyanteng babae.

Naulinigan niya iyun sa isang babae istudyante na bumati sa kanya.

Hindi na niya pinansin ang narinig sanay na siya sa mga ganun komento.

Nakaupo na siya sa likod ng desk niya at inihahanda ang lesson plan niya ng bigla pumasok sa isip niya si Ms Esferial. Agad na sinupil niya ang ngiti. Ayaw niyang may makakita sa kanya sa ganun ayos. Nakangiti na parang timang.

Nagustuhan kaya nito ang gumamela na pinitas lang niya sa gilid ng opisina nito?

Baka magalit yun,namimitas ka ng pag-aaari niya?! Sita ng isang bahagi ng isip niya.

Bago pa man niya makontra yun may humintong bulto sa harapan niya at hindi niya narinig na may nagbukas ng pinto.

Nag-angat siya ng mukha. Agad na nangunot ang nuo niya ng makita ang isang matangkad na lalaki.

"Axel Jax Shuck,tama ba?" anito at tila diyos ang datingan nito dahil sa lakas ng presensya na nararamdaman niya mula rito.

Tumayo siya para abutin ang nakalahad nitong kamay.

"Yes,Sir..that's me," aniya.

Napangiti ito na tila alam nitong nasa isip niya. Nagtatanong siya kung sino ba ito sa isip niya.

"Ama.."

Agad na napabaling ang tingin niya sa babaeng tumawag na ama sa lalaking nasa harapan niya.

"Hindi niyo sinabi na pupunta kayo dito?" anang ni Ms.Rostov.

Ama? Tinawag nitong ama ang lalaki nasa harapan niya na tila kasing edad lang niya?

Ngumisi ito at nakita niya kung paano masuyong niyakap ng lalaki si Ms.Rostov.

Parang nga ito magkasintahan.

"Surprise visit," nakangisi nitong sabi. Bumaling ito sa kanya.

"Mag-ama kami pero satin-satin lang," anito na nakangisi sa kanya.

Napaawang ang bibig niya sa sinabi nito.

"Uh,Sir.Axel meet my father,Zei.."pakilala ni Ms.Rostov sa lalaki sa kanya.

The heck?!

Literal na napanganga siya sa mga ito. Isang maiksing tawa ang nagmula sa ama ni Ms.Rostov at nakangisi naman ang huli.

The Princess of White Wolves Series 1: MIA-ASHLY RUX-ESFERIAL By CallmeAngge INCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon