Chapter 4

6.1K 184 5
                                    

Nagpakawala ng mahabang hininga si Mia-Ashly ng mawala na sa paningin niya ang lalaki na nakatanaw sa opisina niya.

Nakaharap siya sa wall glass niya at nakita niya ang tatlong lalaking istudyante na nakakita sa kanya na hindi naman niya agad napansin. Sa palagay niya ang lalaking matangkad na iyun ay ang bagong guro na tinanggap niya.

Tinungo niya ang kanyang desk at dinampot ang isang papel kung saan nakaattach roon ang litrato ng lalaki.

Axel Jax Shuck.

Nang makita niya agad ang litrato nito bigla na lamang sumulpot sa isip niya ang sinabi ng dating panginoon na si Zei.

"Ang puso mo..siya lamang ang makakaalam kung siya nga ang lalaki para sayo,titibok yan na hindi normal sa tibok ng puso mo,alam mo yun,yung doble-doble ang tibok kaysa sa normal na pagtibok ng puso natin.."

Awtomatiko na dumantay ang isa niyang palad sa tapat ng kanyang puso.

Nakakamangha na totoo ang sinabi ng dating panginoon. Napakabilis ng pagtibok ng kanyang puso habang nakatitig siya sa larawan ng lalaki.

Siya ang mate natin? Biglang pag-alingawngaw ng kanyang wolf.

Bumuntong-hininga siya at umupo sa likod ng desk niya.

"Hindi ko pa alam.." matapat niyang tugon sa kanyang wolf. Oo,confuse pa siya. Kung ang lalaking iyun ang kanyang mate kailangan muna niya itong makilala at kilalanin. Sa pananatili niya sa mundong ito hindi lahat na pinapakita ng tao ay totoo.

Hmm,pero totoo ang sinabi ng dating panginoon..nangyari nga ang sinabi niya,ang sintomas!

Pinakatitigan niyang muli ang larawan.

Napakagwapo ng lalaki. Noon ang kanyang amang Hari lamang ang tinuturing niyang pinakagwapong lalaki na nakita niya pero mukhang may aagaw sa pananaw niyang iyun.

May isang Axel Jax ang nakakuha ng kanyang atensyon. Ang angkin kagwapuhan nito na nagpatibok sa kanyang puso ng ubod ng bilis.

Pero tandaan mo ang paalala ng iyong amang Hari..huwag lamang tayo titingin sa panlabas na anyo kundi pati sa panloob nito bago ka makipaglapit sa lalaki na iibigin mo..anang ng wolf niya.

Alam niya iyun. Hindi niya inaalis sa kanyang isip ang paalala iyun ng kanyang ama. Nangangamba ito sa lalaki na iibigin niya. Gaya ng iniisip niya hindi lahat ng tao ay totoo. Totoong kaibigan at sasaktan ka.

Ngunit nasa kamay daw niya ang magiging kapalaran niya. Siya ang pipili sa buhay na tatahakin niya. Kasama man niya ang lalaking iibigin niya o hindi.

Ang lalaking itatakda sa kanya ng tadhana.

Makikilala lamang nila ang isa't-isa sa oras na magpakita siya rito. Nasa kanya ang pagpapasya kung lalapit siya rito o hindi. Nasa kanya rin iibigin niya ito o hindi.

"Anak,napakalakas ng kapangyarihan ng pag-ibig..ang pag-ibig ko sayong ama ang siyang dahilan kung bakit ko madaling natanggap ang iyong ama at iwanan ang mundo na pinagmulan ko..kaya sa oras na umibig ka na sa lalaking itatakda sayo. Hayaan mo lamang manaig ang puso mo..pero huwag mo lamang kalilimutan na magtira para sa sarili mo,mahal kong prinsesa.."paalala iyun ng kanyang mahal na ina.

Ang palaging sinasabi ng kanyang inang Reyna sa kanya.

Muli niyang sinulyapan ang hawak na papel kung saan nakasaad roon ang mga records at lahat ng inpormasyon ng lalaki. Isang nakatala roon ay ang huling eskwelahan na pinagtuturuan nito. Hindi naging maganda ang record na yun sa propesyun nito pero naging patas naman siya. Binusisi rin naman ni Valerie ang lahat ng tungkol sa lalaki at hindi naman kasalanan ng huli ang pagdawit nito sa isang iskandalo na mismong istudyante nito ang nagpahamak rito.

Iyun ang nakakuha sa atensyon niya ang huling record nito. Ang force resignation nito sa huling eskwelahan na pinagtrabuhan nito dahil sa isang iskandalo. She's giving him a chance to make a new life again in this place na alam niyang mahirap para rito lalo na at laki ito sa isang siyudad.

Huwag siyang husgahan gayun hindi pa natin alam kung ano ang pinagmulan ng lahat..alingawngaw ng wolf niya ng mga oras na iyun na pinagmamasdan niya ang larawan ng lalaki.

Iyun ang sinabi ng kanyang wolf habang binabasa niya noon ang records ng lalaking guro na aplikante niya. Inaprobahan niya ang application nito dahil tama ang wolf niya hindi siya dapat manghusga agad lalo pa nga at hindi naman niya alam ng lubusan ang totoong dahilan at kung ano totoo nitong ugali.

Tao rin ang kanyang ina at hindi naging maganda ang kapalaran ng kanyang ina sa kamay ng mga tao na tinuring nitong pamilya. Ayaw niya maging malupet sa mga tao na gaya ng nanakit sa kanyang ina. Deserving nila na bigyan ng pagkakataon na maging masaya at mamuhay ng maayos na hindi sinasaktan at hinuhusgahan.

At isa si Axel Jax sa mga iyun. Hinusgahan at inakusahan.

Napabuntong-hininga siya.

Bigla siyang nangulila sa kanyang ama at ina.

Namimiss ko na rin ang mundong-Colai..anang ng wolf niya.

Ipinikit niya ang mga mata habang nakasandal sa likod ng sandalan ng inuupuan niyang swivel chair.

Ang pinakapaborito niya ay ang namnamin ang katahimikan ng paligid..sa loob ng opisina na ito. Ang opisina na limitado para sa mga tao.

Pero yung mga batang yun,mapangahas!

Bahagya siya ngumiti. Hindi siya nasaktan o anupaman sa sinabi ng mga batang iyun.

Siya?

Isang white lady?

Hindi naman literal pero ganun ang tingin nila. Mapanghusga nga naman ang mga tao!

Iminulat niya ang mga mata saka nagpakawala ng malalim na hininga.

Tumindig siya at tumayo mula sa pagkakaupo upang lisanin ang silid na iyun. Gusto niya magpahangin at magpalipas sa paborito niyang tambayan.

Ang tambayan kung saan nakikita niya ang nagaganap sa buong paligid na pag-aaari niya.

Nakikita at naririnig niya kahit malayo siya sa mga ito. Sa pamamagitan ng mga iyun nalalaman pa rin niya ang nagaganap sa loob ng teritoryo niya.

Bago pa man siya tuluyan makalabas ng opisina niya napahinto siya at isang malakas na ingay ang kumawala mula sa kanya.

Maalikabok na ang opisina mo,mahal na prinsesa..

Kailangan na nga niya maglinis. Isa sa natutunan niya sa mundong ito ay ang matuto kung paano maglinis gamit ang tambo at dustpan. Hindi siya gumagamit ng vacuum cleaner dahil mas maaapreciate niya kung ang mga iyun ang gagamitin niya kaysa sa gumamit ng teknolohiya.

THIS SERIES IS COMPLETED IN DREAME. FEEL TO VISIT ME THERE!

USERNAME: CallmeAngge

https://m.dreame.com/novel/ncvILe3AiE1MiC0R5DdDkA==.html

The Princess of White Wolves Series 1: MIA-ASHLY RUX-ESFERIAL By CallmeAngge INCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon