Chapter 24

5.4K 220 12
                                    

Halos magwala ang wolf niya sa sinabi ng binatang guro na si Axel Jax.

Kung hindi lang niya kontrolado ang wolf niya baka nagshift na siya dahil sa lakas ng bugso ng damdamin niya na sinabayan pa ng mainit na pakiramdam.

Wala siyang naging komento roon pero nagpatuloy sila sa pagkukwentuhan hanggang sa mag-ingay ang phone nito na nakatago sa bulsa ng jacket nito.

Agad naman nito iyun pinatay.

"Baka importante?" nanantiya niyang tanong.

Nagkibit ito ng balikat. "Si Ma'am Nimfa lang," agad nitong sagot.

Hay Naku! istorbo siya sa moment natin! Angil ng inner wolf niya.

"Gusto ka niya,tama ba?"deretso niya tanong rito

"Ayokong makasakit ng babae kaso hindi ko alam kung papaano ko siya ihahandle.." anito na tila problema nga rito ang pagkagusto ng isa sa mga guro niya.

"Kausapin mo siya at hindi maiiwasan na masaktan mo siya," payo niya rito.

Yeah! He is only for us!

"Hmm,alam kong ramdam niya na cold ang pakikitungo ko sa kanya but still she's insist her feelings to me," anito.

Tumungo siya at bahagya nakaramdam ng pagkainis sa Ma'am Nimfa na yun.

"Pwede ko siyang tanggalin dito," bulalas niya.

Uh-oh! The real princess is coming! Anang ng wolf niya.

Natigilan ang binatang guro sa sinabi niyang iyun at hindi naman niya binawi iyun.

Seryoso siya dun.

Isa siyang prinsesa at ang kanya ay kanya lang.

Napakurap ito ng makita ang seryoso niyang anyo.

"Wow..kinabahan tuloy ako sayo," anito pagkaraan nito matigilan.

Nagkibit siya ng balikat.

"It's your choice.." seryoso niyang saad.

Muli ito napatitig sa kanya. Hindi makapaniwala na seryoso sya roon.

"Why?" maya-maya saad nito.

"Bakit mo gagawin yun para sakin?" anito habang matiim na nakatitig sa kanya.

"Dahil kaya ko at kaya kong gawin yun lalo na kung may kinalaman yun sa isang tao na pinahahalagahan ko," aniya sa maawtoridad na tono.

Napakurap-kurap ito.

"Damn..w-we..we like each other?" wala sa sarili saad nito.

Gusto niya mapangiti pero pinigilan niya iyun dahil gusto niya maging seryoso ang kahahantungan ng pag-uusap nilang iyun ngayon na nakuha nito ang gusto niya ipahiwatig rito.

You are so very territorial ! Anang ng wolf niya.

Yes,wolf..he's only mine!

Dinampot nito ang baso na may mango juice at nangalahati nito iyun.

"Uhm,sana hindi ko pinapahiya ang sarili ko sayo sa sinabi ko na..na gusto natin ang isa't-isa?" anito na punong ng pag-asam ang mga mata nito.

"Yes,I like you,Axel Jax.."deretsahan niyang saad.

Nanlaki ang mga mata nito at napaawang ang mga labi.

" G-gusto din kita.."usal nito.

"I know,the first time you saw,right?"saad niya na puno ng tiwala na totoo yun.

Nasaksihan niya ang pagguhit ng ngiti sa mga labi nito.

"Yes,hindi ko idedeny yan..It's a love at first sight," saad nito.

Isang ngiti ang tinugon niya rito.

Akala ko patatagalin mo pa ang pag-angkin mo sa kanya!

Nakatakda siya satin. Iyun naman dapat talaga mangyari.

Hay,buti na lang..nagkaisa rin tayo ng opinion.

The Princess of White Wolves Series 1: MIA-ASHLY RUX-ESFERIAL By CallmeAngge INCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon