Chapter 14

6K 242 23
                                    

Agad na naramdaman nila ng kanyang wolf ang presensya ni Axel Jax,ang guro na lumabag sa rules niya. Tahimik lamang siya nakasandal sa likod ng bookshelves niya kung saan sa likod niyun ay ang sekreto daanan niya papasok at palabas ng unibersidad.

Akala ko ba magpapakita na tayo sa kanya? Anang ng wolf niya.

Napabuga siya ng hangin at hinawi ang ilang hibla ng buhok na na kasingputi ng ulap na tinatangay ng mabini hangin na tumatakip sa mukha niya.

Excited na ko sa magiging reaksyon niya kapag nakita na niya tayo!

Nauulinigan niya ang paggalaw nito sa loob ng opisina niya. Hindi niya alam kung bakit ang paglilinis ng opisina niya ang pinagawa niya rito.

Oh well,siguro dahil wala naman sila maisip ng wolf niya para makasama ito kahit ilang oras lang,well,minuto..depende sa bilis ng paglilinis nito.

Sumilip siya sa siwang na pader na gawa sa flywood na kinulayan ng puti gaya ng ibang pader ang bahagi lang iyun ang gawa sa kahoy.

Her color. White.

Abala sa pagpupunas ng table ang lalaki guro. Nakatalikod ito sa kanya at ang suot nitong long sleeve polo na kulay asul ay tinupi hanggang sa siko nito.

Mukhang marunong siyang maglinis,you see that? Alam niya kung paano gamitin ang basahan!

Natutuwa alingawngaw ng maingay niyang wolf. Minsan napapaisip siya,na siyang hindi palaimik ay siyang kabaliktaran ng wolf niya.

Hindi magkaisa ang ugali nila nito.

Pinanuod niya ang abala pa rin na binata guro sa pagpupunas.

Paniguradong puntos sa kanya amang Hari ang maalam ng mate niya sa isang gawain tulad ng pagpupunas.

Napangiti siya. Ano kaya magiging reaksyon ng kanyang mga magulang sa oras na makilala na ng mga ito ang mate niya?

Ang tanong,ano ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niya ang tungkol satin?

Napabuntong-hininga siya sa sinabi ng kanyang wolf.

Hindi niya alam. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon nito.

Mabuti na lang lumaki siyang independent at lahat ng bagay ay alam niyang gawin gaya na lamang ng paglilinis. Sa condo niya siya mismo ang naglilinis kaysa magbayad pa siya ng maglilinis kung kaya naman niyang gawin. Hindi siya pinalaki ng magulang niya na umaasa sa iba.

May kalakihan ang opisina mukha itong maliit sa labas pero kabaliktaran iyun sa loob. Well,hindi naman siya ganun kadumi may kaunti alikabok lang sa bawat sulok ng gamit.

Napadako ang tingin niya sa desk hinahanap ng mga mata niya kung may picture frame doon pero wala siya nakita.

Kahit sa pribadong opisina nito wala kahit anong bakas kung sino at ano ang itsura ni Ms.Esferial.

Natuon ang mga mata niya sa desk sa ilalim ng salamin na siyang pinakaibabaw ng desk nakaipit roon ang ilang larawan na kulay puting malaking lobo?

He is familiar about wolf. Sa mga pelikula na tungkol sa mga lobo. Pero ang nakikita niya ngayon ay tila isang totoo talagang lobo. Hindi graphic o anuman paman.

Buhay na buhay ang lobo nasa larawan. It's look like a female wolf. Pambihirang nilalang na alam niyang hindi nag-eexist at sa mga libro lamang nabubuhay.

Para sa kanya ito na ata ang lobong na may pinakamagandang hitsura.Isang napakagandang lobo.

"Mr.Shuck..."anang ng isang boses.

Puno iyun ng lambing at ng marinig ang pagtawag nito sa pangalan niya tila siya dinuyan sa ere.

Bukod dun kumabog ang dibdib niya. Hindi dahil sa pagkagulat o anupaman. May kung ano sa boses nito na nagpakabog sa puso niya.

That's so weird.

The Princess of White Wolves Series 1: MIA-ASHLY RUX-ESFERIAL By CallmeAngge INCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon