Chapter 37

5K 191 2
                                    

Bukas-sara ang mga palad niya habang hinihintay ang kasintahan si Axel Jax na lumabas sa banyo niya. Halos isang oras na ito sa loob mula ng pumasok ito roon. Nakagat niya ang pang-ibaba labi.

Nagiguilty siya dahil alam niya kung ano ang nararamdaman nito. Ang epekto ng alak na ininom nito ay kasulukuyan ng umeepekto sa kasintahan.

Kahit sa mga oras din iyun ay nilalabanan niya ang in heat nila ng kanyang wolf.

Baka naman pwede gawin niyo na ngayon,prinsesa?

Naikuyom niya ng mariin ang mga palad sa sinabi iyun ng inner wolf niya.

Bago pa man niya masagot ang innerwolf niya bumukas ang pintuan ng banyo niya at lumabas ang kasintahan.

Agad na nagtama ang mga mata nila ng binata at agad niya nakita ang madilim na mga mata nito.

He's in heat too!

Palihim siya humugot ng hangin.

"Uh,sorry..natagalan ako sa loob," saad nito na hindi na makatingin sa kanya ng deretso.

Wala itong suot na pang-itaas tanging sweatpants lang ang suot nito at tila ba na init na init ito kahit bagong paligo.

Nagiguilty na kinagat niya ang gilid ng labi niya.

"Hey,stop biting your lip.." mahina nitong sita sa kanya na kinatingin niya rito.

Madilim ang mga mata nito na nakatitig sa kanya..sa mga labi niya.

"O--kay ka lang ba?" nanantiyang saad niya rito.

Pumikit ito ng mariin at malalim na humugot ng hininga.

"I...I don't know..para akong nilalagnat pero wala naman akong sakit," pag-iling-iling nitong turan.

"I'm sorry.."

Agad na nangunot ang nuo nito sa sinabi niyang iyun.

"Para saan?" anito.

"Sa nararamdaman mo ngayon..kasi,ahm,epekto kasi iyan ng alak na ininom mo,"tugon niya rito.

Natigilan ito at napaawang ang mga labi.

" Kung ganun...e-eto ang epekto niyun?"maang nitong saad.

Kagat-labi na tumango siya rito.

"Sorry..hindi ko agad nasabi sayo," aniya.

Napalunok ito. "Gaano naman katagal bago mawala ito?"

Hindi siya kaagad nakasagot.

Tell him now!

Matiim niyang tinitigan ang kasintahan na naghihintay ng sagot niya.

"Ma...mawawala lamang yan kapag..kapag may...kapag may nangyari na satin dalawa," pikit-matang saad niya.

"Ako..bilang lobo..kapag natagpuan ko na ang mate ko nagsisimula na ko dumanas ng in heat..isang pisikal na pangangailangan na tanging ang mate ko lamang ang makakapunan,"nahihiyang saad niya.

"Kung ganun...pareho tayo ng pinagdadaanan ngayon?" maang nitong saad.

Walang imik na tumango siya.

"Pero sabi mo kapag natagpuan mo na ang mate mo magiging in heat ka na kung ganun matagal mo na din yun nararanasan?"

Walang imik pa rin na tumango siya.

"A-anong gagawin natin ngayon?"

Napatitig siya sa gwapo mukha ng kasintahan na bakas pa rin ang hindi pagkapaniwala at pagkamangha.

Go,princess..ito na ang pinakahihintay natin!

"W-we have to do it or else..we both suffer kapag pinatagal pa natin.."aniya.

Ilang saglit na katahimikan ang pumagitan sa kanila bago ito nakapagreak.

"I have to know if you are ready to do it...with me?"mataman nitong saad sa kanya.

" Matagal na ko handa,Axel Jax..."agad niya tugon rito.

"Okay,we...we do it now..and that's because we love each other,okay?"

Nahihiyang tumango siya rito.

Aww...he's all yours,princess!

The Princess of White Wolves Series 1: MIA-ASHLY RUX-ESFERIAL By CallmeAngge INCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon