Chapter 43

5.1K 190 3
                                    

Literal na tulala at nanginginig ang buo niyang katawan habang nakaupo sa upuan kahoy sa tapat ng nakasarang pintuan. Kasulukuyan ginagamot ng asawa ni Zei na si Adeline ang kasintahan niya. Isang magandang babae na hindi rin tumatanda kahit na hindi naman itong lobo.

Gusto niyang makita ang dalaga pero pinagbawalan siya ng mga ito. May ritwal na dapat gawin para magamot ang prinsesa na hindi niya dapat makita iyun at iyun din ang utos ng dating panginoon na si Zei.

"Huwag kayo mag-aalala,gagaling din po ang prinsesa,magtiwala lang kayo kay ina.." pukaw sa kanya ng isang batang lalaki,ang isa sa kambal na kapatid ni Valerie.

Tuliro na tumango siya rito. Isang oras na pero hindi pa rin bumubukas ang pintuan.

"Heto,inumin mo para kumalma ka kanina ka pa nanginginig," si Valerie.

Nakabalik na pala ito agad ito umalis ng maihatid sila nito sa black forest na tinitirhan nito at hindi siya makapaniwala na makakatuntong siya sa lugar na ito na walang sinuman ang makakaalam.

Nanginginig na dinampot niya ang tasa na sa tingin niya ay tsaa. Agad naman nakalma siya ng makainom siya niyun.

"Tama ang mahal na prinsesa,may kinalaman si Ma'am Nimfa sa pagkakasunog ng inuupahan mo..agad na sinamahan namin ni ama ang prinsesa na makaharap si Ma'am Nimfa para paaminin o kung may binabalak ito at huli na kami nakarating ng makita namin na pinutok na sayo ung baril at sinalo iyun ng prinsesa para sayo," matiim nitong saad.

Wala siya mahihimigan na sinisisi siya nito sa nangyari sa prinsesa ng mga ito.

Naikuyom niya ang mga palad. "I-i'm sorry...nangako ako sa kanya na poprotektahan ko siya..pero..pero hindi ko nagawa," sising-sisi niya ang sarili turan niya.

"Handa namin itaya ang buhay namin para sa aming mate,Axel Jax..ginawa niya iyun dahil ikaw ang buhay niya..ikaw ang itinakda sa kanya,ganun kami mga lahing lobo,handa isakripisyo ang buhay namin para sa itinakda samin," matiim pa rin nitong saad.

Ibang Valerie Rostov ang kaharap niya ngayon. Ang may pagkaplayful na dalaga ay isa ng napakaseryoso at tila mapanganib na nilalang. Na isang lobo. Ang anak ng dating panginoon ng mga lobo.

"Hindi..hindi ako deserve para itaya niya ang buhay niya para isang tulad ko na wala nagawa kundi panuorin siya habang duguan.." emosyonal niyang saad.

Kung iiyak siya sa harapan nito wala na siyang pakielam. Nagagalit siya sa sarili niya. Hindi dapat ang kasintahan ang nabaril dapat siya na lang.

"Kung hindi ka deserve sa anak ko hindi niya itataya ang buhay niya para sayo.."

Agad siya napaangat ng mukha sa nagsalitang iyun.

"Mahal na Hari!" si Valerie na manghang nakatitig sa lalaking na nakatayo sa nakabukas na pintuan.

Matiim na pinakatitigan siya ng lalaki na tinawag na Hari ni Valerie.

Natigilan siya at hindi niya alam kung ano ang irereak niya.

Lumapit ito at napatayo siya bigla. Naghuhumiyaw ang napakalakas nitong aura bilang mapanganib at mataas na nilalang habang papalapit sa kanya.

"Ako si Clyde Esferial,ang ama ni Prinsesa Mia-Ashly..."

The Princess of White Wolves Series 1: MIA-ASHLY RUX-ESFERIAL By CallmeAngge INCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon